CHAPTER 7

15 6 0
                                    


"Kuya naman ih! Kapag hindi ka pa gumayak, malalate ako!" kinatok ko ng kinatok ang kwarto niya. Ayaw daw niyang pumasok. Napaka-arte ng lalaki na 'toh.

Daming alam, parang papasok lang inaayawan. Ako nga nanapagbintangan eh gustong pumasok tapos siya na 'di ko alam ang kadramahan, ayaw?

"Kuya ano ba!" binuksan niya ang pinto kaya medyo nagulat ako. Akala ko nasa higaan pa si Zamuel.

"Ito susi" kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang susi, tiningnan ko naman. "Ikaw magdrive sa sarili mo"

Sinaraduhan niya ako ng pinto. "Hoy kuya! May insurance ba yung kotse mo?!"

"Shit! 'wag mong ibabangga 'yan"

Lumabas siya ng kwarto niya at dumiretso sa garage! Yey ihahatid na ako.

"Sakay!" aba aga-aga ang init ng ulo.

Sumakay ako ng todo-todo ang ngiti. Nagseatbelt na rin at inayos ang pagkakaupo, nag-okay sign din ako kay kuya.

Inilagay niya ang susi, at nawala ang ngiti ko.

"Anong nangyari?" ayaw magstart!

"Wait" lumabas siya at tiningnan kung ano ang sira ng kotse.

"Hindi kita maiihahatid, maglakad ka na lang or baka gusto mo ring samahan ako dito sa bahay?" Maagang umalis ang parents namin kanina kaya wala siyang kasama kundi ang mga maids lang.

"Maglalakad na lang" sabi ko ng mahina at kunwari ay nagtatampo.

"Woi, di ko alam kung paano ayusin ito. Promise susunduin kita mamaya" tumango ako at ngumuso. Tampururot ang peg.

Hindi ako sanay magcommute kaya mas pinipili ko na maglakad tsaka bawas fats na rin 'to.

Habang naglalakad ako napansin ko na medyo maaga pa pala kaya kahit mag-enjoy ako sa paglalakad ay okay lang. May mga nakasalubong din ako na mga nagjogging kanina na ngayon ay pauwi na ata. Ang saya pala maglakad sa umaga medyo pagpapawisan pero malamig. Ano kaya mangyayari ngayong araw? Nakakakaba naman. Ilang minuto pa akong naglakad at nakarating na rin ako sa tapat ng school namin. Buti medyo malapit, mayabang lang talaga si Kuya para dalhin pa ang kotse niya. Medyo marami na ding students ang dumadating pero karamihan ay sa gate 3 dumadaan yung iba, daanan ng mga vehicles. Dito sa main, mga binababang students ang marami, galing sa school bus ganon.

Nang medyo natanggal na ang pagod ay pumunta na akong room, friday ngayon kaya naka PE uniform ako at unang klase ay sa court na agad kami.

"Sa gilid ka muna pagkatapos ng lectures" sabi ng teacher namin, as always. Sanayan lang yan.

Pinanood ko silang maglaro, medyo nakakainggit pero sanay na nga at naiintindihan ko ang sitwasyon ko.

"Sabay tayo magrecess" pag-aya sa akin ni Zabeth.

"Sige, tara na" tumayo ako sa upuan ko at isinukbit naman ni Zabeth ang braso niya sa braso ko.

"Galit pa rin siya sayo noh?" biglaan niyang tanong or patanong ba talaga ang tono niya? Nagtunog nagsasabi ng katotohanan eh.

"Oo nga eh" sagot ko na lang. Hinatak ko siya ng kaunti para makadaan ang lalaking nasa likod namin, nakapila na kase kami sa bilihan ng fries eh medyo nasa daanan na kami at nakaharang si Zabeth.

"Pero girl, umamin ka. Ginawa mo ba talaga iyon? Ang daming nagalit sa tatay ni Caliber dahil sa kumalat na balita which is hindi fake news" pagpapatuloy pa niya.

Hindi ko rin siya masisisi kung pinagdududahan niya ako, ako na walang kasalanan ay umamin diba? Kahinahinala nga naman.

"Wala talaga, inamin ko na lang para may mapagtuonan siya ng galit at baka sakaling gumaan ang loob niya"

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon