Prologue

65 10 4
                                    

"Lagot ka! Isang linggo nang hindi ka pumapasok, ang dami mo ng activity na hindi nagawa." minsan na nga lang tatawag sesermonan pa ako.

"Papasok din ako madame." pagpapalusot ko.

"Huwag mo akong ma-madame-madame, pumasok ka na ha! Hinahanap ka na ni Caliber." medyo nalungkot ako nung narinig ko ang pangalan niya.

"Ahh babalik din ako, as soon as possible. Kakausapin ko din si Ms. Villanueva." kahit na nakausap ko na talaga si Ms. Villanueva, nagpaalam na ako nung una pa lang. Pumayag naman siya tsaka wala naman na siyang magagawa. Si Mommy ang kasama ko nung time na nagpaalam ako.

"Ano ba kase ang ginagawa mo? Bakit ka ba umabsent?" napakadami namang tanong ni Zabeth. Her full name is Elizabeth Perez.

"Nakahiga lang." I answered honestly.

"Oh! Nakahiga ka lang pala pero bakit hindi ka pa pumasok?!" napakalakas naman ng boses ng babae na'to. Pinaglihi siguro sa speaker or mana sa nanay niya.

"I'll explain it to you next time." yeah kung may next time pa.

"Oy!"

"Ano?" I asked.

"Miss ka na ni Caliber, wala ka daw sa bahay niyo."

"Wala talaga"

"Ahh sige goodbye, pumasok ka na ah."

"Yeah, Goodbye. Take care yourself always. Don't forget me ah, baka palitan mo agad ako na best friend mo."

"Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo, Bye!"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now