CHAPTER 10

11 6 0
                                    

Nakalipas ang ilang araw at naging busy din ang mga estudyante sa paparating na lunes, Intramurals. Isang linggo iyon at pwede ring hindi na pumasok pero yung ibang teachers ay nagpapa attendance kaya walang choice yung mga students na strict ang teacher. Pero bawal ng lumabas kapag nasa school na. Alas singko ang uwian at alas otso ng umaga ang pasok. SSG ang bahala manghunting sa mga outsider. Tska syempre dapat dala ang ID, pwede din na magcivillian na lang, kahit hindi na daw uniform.

Ako dapat ang ilalaban sa Miss Intrams kaso umayaw na ako. Hindi ko kaya iyon kaya yung isa naming kaklase ang sumali. Gusto nga nila akong isali pero ayoko talaga. Maganda naman yung kaklase ko na sinali at magaling din sumagot kaya alam kong kaya niya at maipapanalo niya ang laban.

"Zarielle" tawag ni Zabeth sa akin.

"Oh?" Pakalat-kalat kami sa kamupus para magtingin-tingin ng booth. Nakakaexcite na talaga.

May jail booth—sa mga sahig ay may mga nakasulat na bilog gamit ang chalk na medyo kakulay ng sahig kaya hindi masyadong kita ng mga tao, kapag naapakan iyon means ikukulong ka nila at habang walang nagbabayad para sayo, hindi ka makakalabas unless mag-iisang oras na sa kulungan.

Sa Marriage booth naman may pari syempre pero sakristan ang gumanap bilang pari at may white dress, coat at iba pang mga kailangan sa kasal. Bumili rin sila ng mga mumurahin na singsing para sa mga ikakasal. Kapag nailagay ang name mo sa ikakasal, 1 hour ang bisa noon. Para pala mailagay ang name mo kailangan magbayad ka or kailangan may magset ng kasal niyo.

May horror booth din—gumawa sila ng tickets, 10 pesos ang iba. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa loob kase sa Monday pa sila magbubukas ng room. Nakasara lang yan maghapon o di kaya ay papasok or lalabas sila ng mabilis para di makita ang loob ng room.

Marami pang booths, photo booth, film viewing booth, reading booth, candy booth, videoke booth etc. Mukhang masaya ang intramurals ngayon.

"Sa Monday manood tayo sa film viewing booth, ipapalabas ang The Possession of Hanna Grace" ininom niya yung dala-dala niyang mineral water.

"Sige, hindi naman nakakatakot iyon eh"

"Napanood mo na?" Nasa tapat kami ng candy booth ngayon at naglalakad lakad pa.

"Oo, tinry ko lang naman" hindi naman nakakatakot pero nakakagulat.

"Oh? Talaga? Pero samahan mo ako ah. Baka kase nakakatakot iyon" aba! May takot pala ang babae na ito? Ang dami daming tao kapag film viewing booth imposibleng matakot siya kase maingay don panigurado.

"Isama mo na lang si Caliber" parang ang bitter ng pagkakasabi ko non ah?

"Asus! Ayoko don noe, tse! Bahala ka nga diyan" tinalikuran ako ni Zabeth at nauna sa paglakad.

Anong nangyari sa babae na yon? Naghihinala na talaga ako. Well, wala daw pala akong karapatan sabi ni Kuya. Ano kaya meron sa kanila? Nakakapagtaka naman, nakakapagod din mag-isip noe.

Pumunta ako sa building ng SH at sinundo si kuya para umuwi na kami dahil kanina pa talaga pwedeng umuwi pero nag ikot ikot muna ako.

"Baka naman Zamuel" sabi ko nung nakita ko siyang nakaupo sa labas ng room nila at naglalaro sa phone.

"Wait lang. Matuto kang maghintay" tutok na tutok siya sa paglalaro. Kapag na adik toh sa laro, kakaltukan ko.

"Ano ba kuya! Uwi na tayo" hinatak ko ang kamay para itayo siya aba! Tumayo lang at hindi naglakad.

"Ginagalit mo ako Zamuel Taype Guardian!" Sigaw ko sa kanya kaya kinuha inilagay na niya sa bulsa niya ang cellphone at pumasok na sa loob ng room para kuhanin ang bag.

"Ayan! Mabuti, marunong ka naman pala matakot" natatakot naman pala.

Umuwi na kami ni kuya. Maaga rin akong nakatulog kase medyo napagod ako, maaga rin akong nagising kinabukasan.

"Asan si Mommy?" tanong ko kay kuya ng umupo ako sa tabi niya para magbreakfast.

"Umalis, sinabi ko na dapat ikaw ang ilalaban sa intrams pero umayaw ka" sumubo siya nung bacon.

"Eh hindi ko kakayanin 'yon" kumuha ako ng plato at nilagyan iyon ng ham and rice.

"Nagagalit si Mommy"

"Seryoso ba Kuya!? 'wag ka nga manakot ng ganyan" sabi ko at nag-umpisa ng kumain.

"Hindi, sorry mali ang words na nagamit ko" uminom siya ng tubig bago magsalita ulit. "Medyo nagtampo ba? Or nanghinayang, oo nanghinayang nga. Dapat daw tinanggap mo. Kayang-kaya mo naman daw ipanalo eh"

"Kaya ko pero yung tingin ng tao hindi ko alam" nakakahiya naman talaga kapag maraming mata ang nakatingin sayo diba? Like dzuh hindi ako confident sa ganon.

"Aalis kayo mamaya sabi niya" kumunot ang noo ko.

"Bakit daw?" Kinuha ko ang hotdog at isinubo iyon.

"Check-up"

"Hindi na kailangan non, wag na!" ayoko na kaya pumuntang hospital. Amoy alcohol doon ih.

"Tss"

"Tsaka bakit kayo? Dapat tayo, di ako magpapacheck up kapag hindi ka sumama" umirap siya at tumango na lang.

Alam niyang hindi ako magpapapigil. Ako pa, si Zarielle ata ito.

Matapos kong kumain ay umakyat na ako sa room ko para maligo at para maayos na rin ang gamit ko. Tapos na ang first quarter namin! Nagperiodical kami kanina kaya sana tama ang mga naisagot ko. Pinagtest na lahat ang students para daw makapag enjoy na sa intrams. Sana talaga mataas ang scores ko. Nagsoot ako ng baggy shirt and pants lang para kapag inaya na ako ni Mommy nakaready na akong umalis. Kumain na rin ako ng lunch matapos ayusin ang gamit ko sa schools, nagsmall bag kase ako non kaya ilalagay ko na ulit sa isang bag ko. Sa Monday naman di na ako magdadala ng bag, pera at phone na lang siguro para hindi hassle.

"Anak" tawag ni Mommy sabay katok sa pinto.

"Mommy" binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.

"Magbibihis lang ako at babalikan kita, handa mo na ang gamit mo ah" agad din siyang lumabas ng kwarto ko.

Inayos ko na ang mga dadalin ko, maliit na bag lang at panyo. Check up lang naman walang dapat ikakaba. Tama! Chill lang.

Hindi naman sobrang tagal ni Mommy, naghintay lang ako ng kalahating oras at bumalik na rin siya.

"Tara na para maaga rin tayong makauwi"

You Are My Amethyst (Completed)Where stories live. Discover now