Chapter 11. Drop

22.8K 615 7
                                    




Kyla Eva


Late na nang magising ako. Wala nang tao sa loob ng barko maliban nga lang sa akin. Mabilis kong inayos ang sarili. I have change my top hurriedly without knowing that Enzo left a notepad message on me. It was on the top of the table.

Darling,

Have your breakfast. The medical mission has started. Please feel free to check with us later if you want. I will be back soon.

Your darling love,

D.E.M

Napangiti ako nang mabasa ko ito.

D.E.M? Ang tagal ko nang hindi ito nabasa sa kanya. Tiningnan ko agad ang pagkain sa mesa at mabilis akong kumain para masabayan sila sa medical mission.

Nang matapos, ay mabilis akong bumaba ng barko at tinanaw ang kabuuan nang Isla rito. Ang mala asul na dagat at perlas na kulay ng buhangin ay nagbibigay buhay sa mutya ng Isla. 

At first, you will think that you are in a different country because of the view, but we are just on one of the islands of the Philippine Archipelago.

     "Good morning, Ms Kylie!" si Enrico, ang isa sa mga staff ng barko.

Tumango ako at tipid na ngumiti sa kanya. Nang makita ko siya kahapon, ang buong akala ko ay apprentice nautical siya, mali pala, dahil isa siyang medical representative at pati na rin ang tatlo pa niyang kasama.

     "Ang ganda talaga ni Miss Kylie ano?" baritong tugon ni Fredo sa gilid niya.

Napayuko na lang din ako at mas ngumiti sa sarili. Hinanap nang mga mata ko si Enzo sa paligid. 

Nandito ang iilang mga doctor pero karamihan ay mga voluntary mission people. Napatingin ang iilan sa kanila sa akin at ngumiti lang din ako pabalik. Nakita ko agad si Enzo sa bandang dulo at mas lumawak na ang ngiti ko.

Mabilis akong humakbang para malapitan siya. Nakalinya ang mga ina na bitbit ang bawat supling nila. Tahimik akong nahinto sa likurang bahagi ni Enzo, at hinihintay ko lang na matapos siya sa batang ginagamot niya.

     "Ayan, okay na ba?" Haplos ni Enzo sa ulo nang bata.

     "Okay na po. Salamat," galang na tugon ng bata sa kanya.

Napalingon agad si Enzo sa akin at ngumiti lang din ako.

     "Hi, darling." Senyas nang kamay ko at tipid na salita.

Sumenyas agad siya sa isa niyang kasama na doctor, at tinangal ang gloves na suot niya. Tumango agad ang doctor na kasama niya at ngumiti sa akin ito.

     "Twenty minutes," tugon niya sa kasama niya at tumango ito sa kanya.

     "No problem, bro."

Malawak ang ngiti ni Enzo sa akin at agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Napatitig pa siya nang husto rito. Nakabalot na ito sa magandang tela na bulaklak na ginawa ko.

     "Kumain ka na ba?" lambing na tanong niya.

     "Oo, tapos na."

     "Come here. Let's get something to drink." Mahigpit na hawak niya sa kamay ko at sumunod na ako sa kanya.

Napalingon ulit ko sa medical team at halos lahat sa kanila ay nakatitig sa akin. May iba na kumukuha ng litrato ko, gamit ang cellphone nila. Ngayon napagtanto ko na artista pala ang kakambal kong si Kylie, at ang lakas nga niya naman makahatak nang atensyon ng mga tao sa paligid.

     "Do you want hot milk or hot chocolate?" tanong niya at abala ang mga kamay niya sa paghahanda nito.

     "Hmm, hot milk. Thank you," ngiti ko at maigi ko lang na pinagmamasdan ang kabuuan niya.

The Billionaire's Substitute Bride(MBBC#5) ✅   Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu