Chapter 10. Notice

22.3K 626 25
                                    




Enzo's POV


Something is bugging me, and it is not quite right. I am feeling uncomfortable at the moment. Iba ang sinasabi ng mga mata niya nang magpaalam ako sa kanya.

She clearly said that she would wait for me, but the moment my eyes rested on hers, my heart throbbed. Pakiramdam ko parang mawawala siya sa akin at parang hindi ko siya makikita pa.

Damn this. Ang baliw ko na.

     "Geoff, could we please go back? I need to get my wife."

Geoff nodded and turned the steering wheel back to the docking port of the Island.

Nang mahinto, ay mabilis akong bumama at halos tinakbo ko na ang couple suite namin. Dalawang oras na din ang nasayang ko. I should be on the other remote Island for my last medical mission before going to the Maldives for our honeymoon. But somehow, I could no longer be at peace if I will not take her with me. Kaya isasama ko na lang din ang asawa ko.

    "Get out! Lumayas ka! I don't need you anymore. Wala akong anak na pabaya!"

Nahinto ako sa paanan ng pinto nang marinig ko ang boses ng ina ni Kylie sa loob.

    "Talagang lalayas na ako, Mama! I had enough of this! Hindi n'yo naman ako mahal at kahit kailan ay hindi naging anak ang tingin n'yo sa akin!"

    "Wala kang utang na loob! Pinag-aral ka namin ng Papa mo sa Italya. Sana nga pala pinabayaan ka na lang namin ng Papa mo! I only want Kylie from the start. I never like you! Wala kang silbi!"

My mood shifted, and the words that I heard shocked me. Rinig ko ang lakas na sampal na pinakawalan nang Mama ni Kylie sa loob. I stood frozen in front of the door, and I couldn't even move a single step closer. I couldn't bring my hand to open the knob. My heart is bleeding, and it's ripping inside me.

     "M-Mama. . ." garalgal na boses ng asawa ko.

     "You heard me right! I never liked you and I will never love you!" buong boses ng ina niya.

I balled my hand and fisted. Nagdilim ang paningin ko at basag na ang puso ko para sa asawa ko. 

I was about to open the door when I saw Kylie's face. And my heart is broken again for the second time in front of me. Bakas sa mukha niya ang marka nang kamay nang ina niya. The slap she got from her mother is visible on her face, and her eyes swell while her tears fall.

     "Shush, it's okay, hon. I am here." Pahid ko sa bawat patak ng luha niya.

I glared at her mother, and I don't care anymore. Mawala na ang respeto ko. Hindi niya dapat sinasaktan ang taong pinakamamahal ko.

     "I'm taking my wife with me, Mrs Feuntabella. Hindi ko alam na ganito pala kasama ang ugali ninyo sa asawa ko. . . From now on, I will take my wife with me," tiim-bagang ko.

Kinuha ko na agad ang maleta niya sa gilid at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.

     "Let's go, hon. . . "

I promise to protect her no matter what. Kahit pa pamilya niya ang kalabanin ko. I have to protect what's mine. And as far as I know, Kylie is mine from the moment that we got married. Asawa ko na siya at ako ang may mas matibay na karapatan sa kanya.

     Mariin ko lang na tinitigan ang mukha niya habang mahimbing siyang natutulog dito sa loob ng cabin.

We arrived in the Island of love or Isla ng pag-asa. Malayo sa kabihasnan ang Islang ito at tradisyonal ang mga tao rito. 

Their population is threatened of extinction because of the unique social upbringing and blending of people into their tradition.

I have committed my life in this voluntary mission to check their welfare being and health. Hindi naman madalas ito at nangyayari lang kada tatlong taon. Nasa pinakadulong bahagi na ang Islang ito ng Pilipinas.

Bukas nang umaga magsisimula ang medical mission, kaya oras na rin ngayon na magpahinga at matulog.

But how could I sleep if the words I'd heard from her mother's mouth kept bothering me? I heard it when her mother said she only likes Kylie. But my wife is Kylie? 

May ibang Kylie pa ba maliban sa asawa ko? 

The fuck! Ang gulo-gulo ng pamilyang ito.

     Maingat akong umupo sa gilid ng kama at mariin na hinaplos ang mukha niya.

     "Hmm, hon, matulog ka na," pagod na boses niya.

     "I will, hon." Halik ko sa pisngi niya.

Nakapikit pa din ang mga mata niya at halata pa rin ang iyak nito. Maga pa ang mga mata ng nag-iisang mahal ko. Mariin ko lang na hinaplos ang buhok niya at tahimik ko siyang pinagmasdan.

I noticed that she cut her hair before our wedding. I don't mind it, and I honestly like her short hair. It fits perfectly on her small and lovely face.

Ilang minuto ko siyang tinitigan at alam kong mahimbing na ang tulog niya. Maingat kong binaba ang kamay niya mula sa hita ko. Napakunot-noo ako nang makita na wala siyang nilagay na tela sa bandang palapulsuhan niya.

She always put something on her left wrist. If it's not a white hanky, a fashionable cloth item was wrapped around it. She thought that I had not seen the scar on her left wrist, but I already saw it. She did not have it when I first met her in Sorrento.

Wala ito sa palapulsuhan niya noon. Kaya nakapagtataka dahil noong huli ko itong nakita ay bakas sa sugat na matagal na ito sa balat niya.

Hinawakan ko ang bandang ito at mariin na hinaplos. Pero nagtaka ako dahil makinis at walang marka na napansin ko.

What the . . . it's impossible! My mind speaks.

Slowly, I turn over her hand and I stare at it deeply. Medyo madilim dito sa loob dahil nakapatay na ang ilaw. Tulog na kasi siya. Kaya kinuha ko na ang cellphone at pinaandar ang flashlight nito.

My brows furrowed and I just can't believe it. Makailang ulit ko pa itong tinitigan nang husto. Pero wala, walang bakas na piklat sa balat niya. Makinis ito kagaya noong una ko siyang nakilala at nahawakan.

Then, what the fuck! What the hell is happening here?

Bumilis ang pintig ng puso ko habang pinagmamasdan ang himbing na tulog ni Kylie.

The hell, Kylie. Sino ka ba talaga? May iba pa bang Kylie maliban sa nag-iisang kong asawa?

C.M. LOUDEN

The Billionaire's Substitute Bride(MBBC#5) ✅   Where stories live. Discover now