Chapter 8. Empty

22.1K 577 1
                                    




Kyla's POV


Panay ang titig ko sa cellphone ni Kylie sa harap ko. Kanina pa ako rito sa banyo. Nagkunwari na masakit ang tiyan ko. Pero ang totoo, ay hinihintay ko ang tawag ng bruha kong kakambal.

I tried to ring the number she used once when she called me, but it was unavailable. I dialled it countless times, but it's still the same.

Ano ba kasing pinaggagawa niya? She should be here by now! Ba't wala pa? Gabi na at ano na lang ang gagawin ko?

     "Are you okay there, hon?" Katok ni Enzo sa pinto.

     "Y-Yes, hon. Malapit na ako. Lalabas na ako, saglit lang."

My goodness me, Kylie! Sigaw ng isip ko at napapikit-mata ako rito sa loob. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na mula sa banyo. Nasa ibabaw na ng kama si Enzo at abala ang mga mata sa TV. Nilingon niya ako at bumangon na siya.

     "Are you okay? Here have this."

Naupo ako sa gilid ng kama at maingat niyang nilapag ang chamomile tea na gawa niya. Ininom ko agad ito at hindi na nagsalita. Kinakabahan na ako. Umaasa ako na ngayon ang balik ni Kylie. Pero anong oras na ba? Panay lang din ang tingin ko sa orasan na nasa dingding.

     "Hindi pa rin ba maganda ang pakiramdam mo?"

He sat down beside me and gently massage my back. Minasahe niyang maigi ang balikat ko.

     "I'm getting better, hon. Thank you," tipid na tugon ko, at inom sa chamomile tea.

     "What do you want to do tomorrow?" he asked.

I shrugged my shoulders and just drink my tea. Wala akong maisip na gagawin bukas. Halos nalibot na kasi namin ang buong isla at wala na masyado kaming magagawa.

     "I don't know, hon," I sighed. Iniisip ko kasi si Kylie at kailangan ko na siya rito para magpalit na kami.

     "Let's do more strolling and just relax. Gusto kong siguraduhin na mas okay na ang pakiramdam mo. If it's okay with you, I need to go the main island tomorrow. Aasikasuhin ko lang ang naiwan ko sa negosyo at pati na ang iilang pasyente ko. If that's okay with you?" lambing na tugon niya at titig sa mga mata nito.

I smiled a little and bit my lower lip.

Kung ganito kaamo ang mukha niya palagi sa akin, ay tiyak bibigay na ako. 

Huh, ang baliw na talaga ng utak ko!

     "That's fine with me, hon." I smiled.

     "Pero hindi agad ako babalik dito. I will be back in two days, and then we can go to the Maldives." He smiled again.

Parang nabuhay ang puso ko at mas ngumiti akong lalo. I could smell freedom from him. Dalawang araw rin na mawawala si Enzo at mas maganda ito para sa aming dalawa ni Kylie.

     "Sure, hon. I will be fine, and let's do video chat every morning and every night before going to bed," ngiti ko.

     "Your parents will be here. Tinawagan ko sila kanina. Nasa kabilang isla pa naman sila at babalik sila rito bukas nang umaga. Your mum loves to accompany you. Soon after our honeymoon you will be staying with me forever, hon. . . Kaya naiintindihan ko ang puso nang Mama mo. She want's her baby for two nights and that's fine with me." Halik ni Enzo sa noo ko at natulala na ako.

The heck! Akala ko ay kalayaan ko na. Babalik pala si Mama at talagang kami pang dalawa ang magsasama. Patay na talaga!

     "O-Okay, hon. I-I--love it!" Pekeng ngiti ko at yakap sa kanya. I swore behind my mind while hugging him. 

For Christ sake, Kylie magpakita ka na bruha! Isip ko.

     The night came good with Enzo. Puro yakap at halik lang naman ang ginawa niya sa akin. Nasanay na rin ako sa ganitong ugali niya, kaya hindi na ako nabibigla.

I am used to all his kisses and hugs, and I honestly love it, but I could not wait to get this done and all over. I don't want to get attached to him, nor do I not want to get used to Enzo's loving me. Tama na sa akin ang ganito at gusto ko nang mahinto na ito.

     I couldn't sleep well and kept going back and forth to the toilet. Panay pa ang titig ko sa cellphone ko. I am okay anyway because Enzo will be away for two days. But what worries me now is Mama and Papa. 

Paano ko ba haharapin sila? Bahala na nga!

MAAGANG nagising si Enzo at pati na rin ako. We had a good breakfast facing the sea in our hotel balcony. He will be leaving in an hour using Drew's yacht. Sa kabilang isla lang naman ang paalam niya at ang kalapit na katabi nito. Kaya hindi naman talaga malayo siya.

     "You take care, hon, okay? And if there's anything you need call the staff. I have given them my request. Kaya wala ka nang alalahanin pa." Ngiti niya at humalik na siya sa pisngi ko.

Kumunot na ang noo ko. What request? Isip ko habang nakatitig ako sa kanya nang seryoso. 

He swept my hair over my shoulders and stared at me intensely. There was a magic spark ignited inside me, and I just chuckled. Napayuko na ako dahil nakakatawa nga naman ang eksenang ito.

Sana naging totoong asawa na lang ako ni Enzo. Hay, naku!

     "You know what? You've been so behaving well and so ideal, hon. Is this you, Kylie?" He calmly asks and smiles at me.

I pressed my lips together and looks back at him. Kinakabahan na tuloy ako, dapat kasi mag taray at mag-inarte ako na kagaya ni Kylie. Pero minsan kasi hindi ko makuhang gayahin ang totoong ugali niya. Kaya ko lang panindigan ito nang iilang oras at hindi buong araw.

Ngumiti na ako, at alam kong sa pagbabalik ni Enzo ay hindi na ako ang makakaharap niya kung 'di ang kakambal ko na.

     "Salamat, Enzo. . . Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng ito," tipid na tugon ko at ngiti sa kanya.

Tumaas lang din ang kilay niya at bahagya pa siyang natawa sa sinabi ko. Niyakap na niya ako nang husto.

     "Do you want to come with me? Mukhang ayaw kong iwan ka," tiim-bagang niyang titig sa akin.

Napakurap na tuloy akong makailang beses hindi dahil sa yakap niya, kung 'di sa sinabi niya.

     "N-no! I-I mean, I am fine, hon. I will wait for you here. I will miss you but I can wait, and besides, tama ka naman. I need to spend some time with Mama. Mahalaga rin sa amin ito, dahil pagkatapos nito sa 'yo na ako nang buo," lawak na ngiti ko.

He nod and kiss me again on my forehead. Naghihintay na ang dalawang staff ng maliit na barko na sasakyan niya. Kasama na rin ang kapitan sa loob.

The boat is a little bit bigger than an ordinary yacht. My brows furrowed when I realised that Enzo would probably go somewhere a little bit further than going to the closest island.

Sa klase kasi ng barko na gamit nila ay halatang maglalayag ito sa mas malayong lugar pa.

     "I love you, hon and I will be right back, okay? You take care." Ulit na halik niya sa labi ko.

Gumapang lang ang lahat ng kuryente na naramdaman ko. Unang beses 'ata ito. Hindi ko ito naramdaman sa lahat nang halik na ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa. Siguro dahil ito na 'ata ang huling pagkikita namin.

Sana makita niya ang kaibahan ngdamdamin ko sa totoong Kylie na mahal niya. Kung puwede nga lang na ako na ay matagal ko ng ginawa, pero hindi puwede, dahil para siya kay Kylie at hindi para sa akin. 

Mariin ko lang siyang tinitigan habang paakyat na siya sa yate. I wave at him with my widest smile, but deep inside I feel so sad. . . Hanggang sa muling pagkikita natin Enzo, hanggang sa muli mahal ko.

.

C.M. LOUDEN

The Billionaire's Substitute Bride(MBBC#5) ✅   Where stories live. Discover now