Prologue

18 2 0
                                    

Noong unang panahon may isang mundong nababalot ng mahika. Ito ay ang mundo ng Alynthi.

Mayro'n itong apat na kaharian, and kaharian ng Agonia, Yuconia, Mephonia at Maligouania.

Ang mga taga Agonia ay kilala sa pagiging matapang at palaban na mga engkantado. Ang mga taga Yuconia ay kilala sa paggawa ng mga sandat na siyang nagligtas sa buong mundo naming mga engkantado.

Bawat kaharian ay mga binata at dalaga ang namumuno sa bawat kaharian. Kinukuha ang mga namumuno sa mga Schools of Magic. Kung sink ang pinakamalakas sa mga studyante sa mga paaralan ng mahika.

Kahit na napakabata mo pa ay gagawin kang pinuno ng kaharian kung ikaw ang pinakamalakas at pinakamakapangyarihan. Nasa edad na labing walong taong gulang hanggang sa tatlompung taong gulang ang pwedeng mamuno sa bawat kaharian.

May isang quera noon na nagtangkang sakupin ang buong mundo ng Alynthi. Ito ay ang quera ng Maligouania. Dahil noon ay may ipinamigay ang huling nabubuhay na bathala. Ito ay tinatawag na Mater Perlas. Hinati ito sa apat na element na mayro'n ang mundo ng Alynthi.

Ang perlas ng Caeli, ito ay ang perlas na tinataglay ang kapangyarihan ng hangin. Ang perlas ng Aqua, ito ay ang perlas na tinataglay ang kapangyarihan ng tubig. Ang perlas ng Terra, ito ay ang perlas na tinataglay ang kapangyarihan ng lupa. At ang perlas ng Ignis, ito ay ang perlas na tinataglay ang kapangyarihan ng apoy.

Ipinamigay ito sa apat na kaharian ng mundo ng Alynthi. Ibinigay sa kaharian ng Mephonia ang perlas ng Aqua. Ibinigay sa kaharian ng Yuconia ang perlas ng Terra. Ibinigay din naman sa kaharian ng Maligouania ang perlas ng Ignis at sa Agonia naman ibinigay ang perlas ng Caeli.

Ito ang gagamitin nila para labanan ang mga masasamang nilalang na magtatangkang manakop. Ngunit nasilaw dito ang quera ng Maligouania. Saka itinuloy nito ang planong pananakop.

Nagtagumpay naman itong sakupin ang kaharian ng Mephonia at Yuconia ngunit bigo ito sa pagsakop sa kaharian ng Agonia. Ito ang ikinasawi ng sakin na quera noon ng Maligouania.

Hindi lang sa kapangyarihan ng posisyon ang quera na ito gahaman. Ito at gahaman rin sa mga kapangyarihan ng mga perlas. No'ng nasawi na ang gahaman na reyna ng Maligouania ay binawi ni Quera Minerva ang ninakaw nitong mga kapiraso na perlas saka muli itong binuo ni Quera Minerva at nabuo muli  ang Mater Perlas.

Mula noon ay nakatira na ang mga natirang opisyal ng Yuconia at Mephonia sa kaharian ng Agonia.

Definition:
Quera - Reyna
Mater - Mother

Lumipas na ang ilang mga taon hnggang sa napalitan na si Quera Minerva sa kanyang trono. Ang pumalit sa kanya ay si Quera Reina. Bumukod si Quera Minerva at piniling manirahan sa isla sa kaliwang ibabaw ng Clea Yelona.

Ang Agonia ay nahahati sa apat na clea. Ang clea Yelona, Clea Voloya, Clea Cria at Clea Assova. Bawat Clea ay may namumuo rin na isang babae at isang lalaki. Ngunit ang kanilang pinuno ay nakatira rin sa kaharian ng Agonia at ang kanilang mga pinuno ay tinatawag na Clea at Cleo.

Ang Agonia ay nahahati sa apat na Clea. Ang Clea Yelona, Clea Voloya, Clea Cria at Clea Assova. Bawat Clea ay may namumuno rin na isang babae at isang lalaki.

Napakaraming mga engkantadong gahaman pa rin sa kapangyarihan magpahanggang ngayon. Dahil magpasahanggang ngayon ay mayro'n pa rin. Katulad na lamang ngayon.

Kasalukuyang nandito si Quera Minerva sa kanyang isla. Pulang pula na ang mukha nito at umuusok ang ilong at tainga.

Ngayon ay pinoprotektahan ngayon ni Quera Minerva ang Mater Perlas. Bumuo siya ng kalasag upang walang kahit na anumang kapangyarihan ang makapasok at maaaring makakitil sa kanyang buhay.

Reina and The Queen of Maligouania | Alynthi Series 1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon