Sino Ba Siya Sa Puso Mo

565 21 3
                                    

Vice's POV:

"Vice, vice gising! Nandito na'ko" sabi ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Urgh! Kainis! Istorbo sa tulog!

Wala akong magawa kaya idinilat ko yung mga mata ko. Kaya nasilaw rin ako sa araw, kahit nasa luob ako ng sasakyan. Sa front seat. hala! Mukhang tanghali na nga eh! >_

"Ano ba Terrence? Easy lang. Istorbo ka naman sa tulog ko eh!" Sabi ko sa lalaking yun. Kahit nakadilat na'ko di parin ako tumitingin sa sakanya.

"Vice, si Calvin to" sabi nya sakin. Pero hindi ko yun pinansin.

"Tsk, terrence ano ba? Nakikipagbiruan ka ba sakin? Inaantok pa'ko eh. Bumalik ka nalang din sa pagtulog"  ipinikit ko nalang yung mata ko at tumagilid. Tsk. Anong calvin? Eh stranded nga kami dba? Pano sya makakapunta dito?

Ang sakit sakit din ng ulo ko. Di ko alam kung bakit. Parang hangover kahit di naman ako uminom. Parang jetlag kahit di ako sumakay sa eroplano. Haay! Basta, ewan! Masakit yung ulo at buong katawan ko kaya gusto kong matulog at magpahinga ngayon.

"Vice, seryoso. Si calvin to. Gumising ka na kasi tanghaling tapat na oh!" Sabi ulit ng lalaking nasa tabi ko. Iminulat ko ulit yung mata ko at laking gulat ko nang makita ko nga si calvin at hindi si terrence. Aaayy! Putek! Sya nga! Urgh!

Dahil sa gulat muntik na'kong tumama sa may pintuan ng sasakyang to dahil sa pagmamadaling makalabas. Urgh. Nakakahiya! Sinabi ko pang si Terrence sya! -_____-

"Oooh! Easy lang" sabi ni Calvin at hinawakan yung ulo ko para hindi ako tumama sa may pintuan.

Paglabas ko ng sasakyan nakita kong nandun si Terrencre..nandun din sina Buern, Archie, Russ at yung RM ko na si Manny.

"Uuuyy teh! Kumusta ka? Okay ka lang ba dito kagabi? Wala bang nangyari?" Tanong sakin ni buern. Kaloka naman tong si bakla, alam nya naman na kasama ko si Terrence, nagalala pa. Tsk. XD

Nakita ko naman na tumingin sakin si Terrence at ngumiti. Tsk. Gwapo naman oh :') kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Huwag kayong magalala sakin, kasama ko si Terrence kagabi. Kaya walang mangyayaring masama sakin. Nandyan naman sya para protektahan ako" sabi ko kaya  ngumiti ulit ako kay Terrence. Nakita ko namang nagsmirk si Buern. Ayan nanaman sya oh XD

"Speaking of Terrence, hindi mo naman sinabing nakabalik na pala sya sa France" sabi ni Buern habang nakangiti ng nakakaloko. Haaaay. Aasarin nanaman ako ng mga toh >_

Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Calvin. Bitter much. Ay chos hahahaha

"Uhm..vice, halika na....kagabi ka pa hinahanap nila Direk. Kailangan na nating magsimulang magshooting." Sabi nya sakin kaya napatingin ako kay Terrence. Nakatayo lang sya at walang kaemo-emosyon yung mukha nya.

"H-a? E-eh pano si Terrence? Maayos na ba yung sasakyan mo?" Sabi ko naman at hinawakan yung kamay ni terrence. Agad namang binawi ni Calvin yun. Urgh! Ayan nanaman yang attitude nya! Sana naman ilugar nya yan! >___

" he can handle himself.... kaya nya yan. Tara na, baka nagaalala na sila Direk" sabi ni Calvin at hinatak na'ko papunta sa sasakyan nya. Sumunod naman  sila Buern samin. Urgh! Nakakainis! Hindi manlang kami nakapagusap ng maayos ni Terrence -_-

Umupo ako sa shotgun seat at si Calvin yung nagd-drive. Sina buern naman eh nakasakay sa likod.

Nakakainis! Badtrip! Bat ba ganyan si Calvin pagdating kay Terrence? Nakakabastos! >_

Tahimik lang ako sa biyahe. Wala ako sa mood makipagusap ngayon. Naiinis ako sakanya. Pero bigla nyang kinuha yung kamay ko at hinalikan nya. Inagaw ko naman agad. Nab-bwiset na tlga ako sakanya!

Love Will Lead You Back ( A New Chapter Begins)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang