Chapter 40: Proposed

5 4 1
                                    


Eleize Pov.

Nagising ako ng maaga kasi maaga din ang flight namin ni Jah. Sinundo nya ako dito sa bahay.

Nang makarating kami ng airport sakto nagtatawag na sila kaya diretso na kami papuntang plane.

Nasa malapit  sa window ang upuan ko at katabi ko si Jah. Dapat lang haha hindi pa ako nakabyahe mag isa kaya, kaya medyo takot ako.

Umandar na ang airplane... I'm coming back Philippiness!!!...








Zen Pov.


"Is Everything ok naba?" Tanong ni Beomgyu.

"Oo, pasakay na daw sila". Saad ko, tinext ako ni Jah bago sila sumakay.

"Ok! this is it!." excited na sigaw ni Zeldross. 

Bata talaga!

Andito na kami sa Pilipinas sa airport ngayon. Yes naman mas nauna pa kami kaysa kina Eleize nakarating dito. Sasalubungin namin sila dito kasama sina Mommy at Daddy niya pati si Kuya Jihu at iba pa. 







Zonkyul Pov.

One month na ng mangyari ang aksidenteng iyon. Pero sariwa padin ang lahat sa akin ang pagpikit ni Eleize sa mga bisig ko at ang mga bumulagtang mga tauhan ni Nami.

Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko sa mga nangyari.

Dahil sa selos at inggit nagagawa ng mga tao ang mga ganong bagay kahit na kilalang kilala na natin sila at alam natin na hindi nila magagawa iyon... ngunit dahil sa inggit at selos hindi ko akaing magagawa nya yun sa akin.

Malungkot man ang kinahihinatnan nito sa buhay namin dahil nawala sa akin ang matagal ko ng kaibigan na si Nami pero mas malungkot ang dinadanas at nararamdaman ngayon ni Nami sa kulungan.

Pero dahil sa gulong iyon nakita ko ang mga tunay na mga kaibigan at handang tumulong sa akin at sa amin ni Eleize sa gitna ng masalimoot na trahedyang iyon. Nakakalungkot lang na nadamay pa ang mga ibang tao (like kenjah at ang mga bandmates ko at  si Eleize) ng dahil lang sa galit sa akin ng isang tao.

Pagbumaba kasi ako sa puwesto ko at ang bandmates ko ay nawala si Nami ang susunod na magiging top artist. Kasi sya ang pumapangalawa sa amin kaya pag wala kami naisip nya na mapapasakanya na ang trono.

Bumalik ako sa reyalidad ng makita sina Jah at Eleize.

Nakita kong naupo si Eleize malapit sa window at katabi niya si Jah. Puwesto ako sa likod nila sa gitnang row ako umupo sa pinakagilid para di halata.

Isang buwan ko din itong pinag isipan. Sa isang buwan na nasa hospital si Eleize araw araw ko siyang dinadalaw kaso yung time na nagising siya wala ako dahil kasal yun ng ate ko.

Napagpasyahan ko ding hindi magpakita sa kanya dahil isa ito sa plano ko... at lahat ng plano ko ay magsisimula na ngayon.



*******



Eleize Pov.

Nilagay ko na ang earpiece ko sa tenga at napagpasyahan kong makinig ng music habang nasa himpapawid kami at sabay tingin sa bintana para sa napakagandang view ng sky at ng view sa   baba.

"Eleize, tanggalin mo yan." Pag uutos ni Jah.

Napakunot noo ako. Bakit nya papatanggal? Gusto ko lang naman makinig ng music at namnamin ang magandang view ng mga ulap.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon