Chapter 15: Collaboration

14 9 0
                                    

Eleize's Pov.

Maaga kaming ginising kasi daw magpreprepared pa kami para mamaya sa collaboration. Naligo na kami at naghanda kasi sa Jeju sila magvivideo iwan ko nga eh kung bakit pa kami kailangan sumama dito sa music video nila eh hindi naman kami kasali dito eh?.

"Ano Eleize tapos kana ba?" tignan mo to si Zen excited much akala mo kasali din siya eh.

"Ano kaba Zen?"

"Anong ano kaba Zen? bilisan mo ito oh, yan daw yung isusuot mo" Sabay abot niya sa akin yung skirt at t-shirt na kulay white at may tatak na kulay Pink na ang nakatatak ay I LOVE Z.

"Ano naman itong Z?" pagtatanong ko sa kanya

Tumaas naman yung kilay niya halla! Ano namang nasa utak nitong bruhang to?

"Syempre pangalan ko yan no, hello! I love Z means I love Zen you know? bakit ayaw mo ba?" Dag dag niya pa.

"Halla siya andaming mo nang sinasabi ah tinatanong ko lang naman kung ano ang ibig sabihin ng Z eh, Pwede mo namang sabihin na Z is stands for Zen, oh see ganun lang kadali yung hinihintay kung sagot."

Kinuha ko na lang yun para hindi na siya mag emot dyan.
Pagkalabas ko ng kwarto bumababa agad ako baka kasi ako nalang yung hinihintay nila nakakahiya naman diba.

"Hoy babae ano na? Tara na nagaantay na sila sa van" sigaw sa akin ni Zen. Kahit kailan talaga napaka ingay niya.

"Hi Eleize" bati ni Beomgyu. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Annyeong" pabalik kong bati sa kanya, ngumiti naman siya sa akin.

Naku nakaka inlove yung ngiti niya pwede bang tumili? hindi ko mapigilan eh.

"Nice t-shirt Eleize" bati ni Zeldross habang ang halawak ng ngiti niya.

"I LOVE Z Ha!" pagdadagdag pa niya habang anlawak paring ng ngiti sa labi niya.

Ano bang meron? bakit ganyan ang ngiti nila parang may mali sa kanila.

Pumasok na ako sa loob ng van at nilagay ko na lang yung earpiece ko sa tenga ko kasi feeling ko magtatanong na naman sila sa akin.

Alam kong parang assuming na to pero anlakas ng pakiramdam ko eh.

Halos isang oras din ang byahe namin at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ginising na lang ako ni Zen pagkarating namin sa Jeju.

Bumaba na ako at umupo sa ugat ng isang malaking puno sa may gilid. Nagseset up palang kasi sila para mamaya wala pa naman sila Ms. Nami.

Ang sarap sa pakiramdam yung hangin dito, presko dito at makakapagpahingan ka ng maayos pag stress ka.

Nakangiti ako habang pinapanood yung 2B na nagbubuhat ng mga gamit nila. Nakakatuwa nga eh tumutulong sila sa pagseset up. Ambait naman pala nila eh, nagulat na lang ako ng makita ko ang t-shirt ni Zonkyul.

"I LOVE E" kulay white din yung kulay ng t-shirt at kulay Blue naman yung tatak niya. Bigla ko na lang inalis yung tingin ko sa kanila at tinignan ko ng masama si Zen.

"Oh bakit?" Pagtatanong pa niya.

"Akala ko ba Z stand dor Zen?" Galit kong tanong sa kanya. Siguro assuming na ako? Eh malay ko bang I love E yung nakalagay sa damit ni Zonkyul.

"Ano kaba Eleize E stand for Eunbichui Ano kaba Eleize assuming kana ah"( EUNBICHUI =silver)

"Hahaha sigurado ka Zen? Pag nalaman ko na iba patay ka sa akin" at humalakhak ako para matakot siya alam ko naman na binibilog lang niya yung ulo ko eh kilala ko itong si Zen.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon