Chapter 32: Family Time

8 5 0
                                    

Elaine Kim Pov.

(Mommy nila Eleize And Jihu)

Ngayon lang kami nagkaroon ng rest ni Jaymes ang aking asawa dahil sobrang busy namin sa kompanya. Maging ang mga anak namin ay hindi na namin nakakausap. Pero alam namin na nasa mabuti sila ngayon, alam din namin na marahil nagtatampo na ang mga iyon sa amin ng Daddy nila pero naiintindihan  naman nila Kami. Maswerte kami kasi may mga anak kaming katulad nila Eleize at Jihu. 

"Honey tumawag si Jihu kanina sabi niya nilalagnat daw si Eleize natin. Pero okay na daw siya inasikaso na siya ni Zonkyul." Saad ko kay Jaymez na tutok na tutok sa pinapanood na NBA, mahilig siya sa basketball.

"Si Zonkyul? Yung boyfriend niya?" Tanong niya habang humihigop ng kape.

"Oo yung sinasabi ni Jihu na boyfriend niya, yung Zonkyul Park yung member ng 2B at kapatid ni Zwei Park diba kaibigan mo ang Daddy nila. Business partner natin sila Hon"

"Ah Oo si Mr.  Park, Kita mo nga naman Destiny talaga sila pinagtagpo na ni Tadhana." Nakangiti niyang sabi.

Will Oo Destiny na nga ang dalawang iyon. Alam namin ang lahat, pagtira nila Eleize at Zen sa Entertainment bago pa sumang ayon si Eleize eh alam na namin. Nagpaalam na ang Director ng 2B na maganda at alam din namin na fake ang relationship ng dalawa pero naniniwala kami na maiinlove sila sa isa't isa. Katulad ngayon si Zonkyul ang nag alaga sa Munti naming prinsesa.

Kilala namin ang Chao Family malapit na kaibigan namin ang pamilyang iyon kaya nong sinabi ni Xai na dun titira si Eleize ay hindi kami nagdalawang isip kasi kilala namin sila.

"Ay hon sa kwarto lang ako, naiwan ko cellphone ko eh.  Kunin ko lang saglit." Paalam ko.

"Cge  Hon" sabay hinalikan ako sa labi bago ako umalis. Ang sweet talaga ng Jaymez ko sa taas lang naman ako at May pa kiss pang habol. 

Nakasimangit akong bumaba at umupo sa sofa. "Oh bat ganyan ang hitsura mo?"

"Kasi tumatawag si Eleize kanina hindi ko nasagot. Miss na miss ko na ang prinsesa natin" maluha luha kong sagot. Ika nga nila walang magulang ang hindi matitiis ang kanyang anak.

Nagdadalamhati talaga ako sa pagkamiss sa dalawa kong anak. Siguro kung hindi kami sobsob sa trabaho sa company I'm sure nasa Korea na ako ngayon kasama nila.

Niyakap ako ni Jaymez "Tahan na Wife, malapit naman na natin silang makasama na dalawa apat na araw nalang at darating na sila rito.  Kaya tama na" pagpapatahan sa akin ni Jaymez. Pumatak na kasi ang mga luha ko dahil sa pagkamiss sa kanila.

Hindi talaga ako iyakin pero pag tungkol sa pamilya surebol yan.

Oo nga apat na araw na lang at magaganap na ang pinakahihintay naming lahat at makikita na ang resulta ng isang buwan naming pinaghirapan. Today is April 5.

Maaga ang bakasyon at graduation nila Eleize at Zen kaya maaga din silang nag vacation sa Korea. This upcoming school ay Senior High na ang mga Prinsesa namin.

Tulong tulong kami para mabuo ang plano na iyon. Isa din yun sa naging nagpa busy sa amin. Contact here, contact there. Tulungan kaming lahat na kahit sina Zephanie, Zoliver at Zen ay nagset ng mga gagawin nila para sa plano namin pati Jihu at ang J4orce hindi nagdalawang isip na tumulong at binigyan ni Jihu ng kanya kanya nilang gagawin.

Nakakatuwa nga eh na kahit busy sila ay naisisingit parin nila iyon para gawin. Napakabait na mga batang iyon, swerte ang mga magulang nila sa kanila. Tinuring ko na din silang anak simula ng maging group member sila ni Jihu at tinuring din nila kaming mga pangalawang magulang nila.

This past few weeks tumulong din si Xai at Jihoon, Naku ang mga batang iyon ang bilis lumaki. Director na si Xai sa sarili niyang Entertainment at si Jihoon naman ay magiging idol na rin. 

At ang 2B ay nakatuka sa pagbabantay kay Eleize para maisagawa ng mabuti ang lahat ng plano namin.

We're lucky to have them!.

"Matutulog na ako Hon,  itutulog ko nalang ito." Saad ko. "Sige sweet dreams Wife ko. Susunod din ako agad tatapusin ko lang ito" sabay halik sa noo, ilong at sa labi ko.

Zephanie Pov. 

(Mommy of Zen)

"Ano okay na ito Zen" tanong habang tinitignan ang photo ng mga dress.

"Yah Mommy okay na 'yan. Bagay naman sa kanya." Sagot niya habang namimili ng mga color theme sa laptop.

Namimili kami ngayon ng mga gowns at iba pang kailangan. Ngayon ko lang din nakasama si Zen nasa trabaho pa ang Daddy niya. Palipat lipat kami ng Asawa ko. Kung wala kami sa Pilipinas sa Korea kami pabalik balik lang kami dito para sa business namin.

Nasa isang resto kami ngayon kung saan ang resto na ito ay ang resto nila Jihu at Eleize. Kilala na kami dito at libre na ang lahat na kakainin namin dito it's because relatives namin sila.

Ngayon din lang kami nakapagbonding ng anak ko. Tulad din nila Ate Elaine ay sobrang busy kami sa kompanya namin andami kasing investors na gusting mag invest at sa iba iba pang branch ng business namin dito. Kilalang kilala ang mga Kim's Company dito at sa Pinas.

"Here's your Order Ma'am, Enjoy" sabay ngiti at lapag ng waiter ang order namin at nag bow bago umalis. "Thank you" saad ko.

"Oh Zen anak kain na mamaya na muna 'yan". Tinigil naman niya and ginagawa niya.

"Sure Mommy, let's eat" saad niya. "Sayang wala ang Daddy mo. Nasa company pa siya may tinatapos lang na trabaho."

"Okay lang Mom,  alam kong para sa akin din lang iyon. For now let's enjoy this moment na magkasama tayo." Sabay ngiti at sumubo ng pagkain.

Ang swerte talaga namin sa anak namin. Napaka understanding at lovable niya.

Marami din kaming napagkwentuhan habang kumakain. "Hay naku anak, makinig ka sa akin ah.  Be responsible at kong magboboyfriend ka you know the limits and the do and dont. Nakakaintindihan tayo Zen?" Pangaral ko. Feeling ko kasi may something sa kanila ni Zeldross na iyon.

"Yah Mom I know that. Kahit hindi mo na sabihin" sagot niya habang nakangiti.

"Good, pagkatapos nito mamasyal tayo sa mall ha"

"Sige Mom gusto ko yan" masaya niyang saad.

Nagpunta kami sa Mall at madami din kaming napamilk. Mga dress, sandals, jeans, t-shirts para sa Daddy niya.

For this little moments, we create a lot of memories.

Enjoy lang kami dito. Kumain uli kami at sa last at nag pa make over pa kami.  Bonding na namin ito ni Zen dati pa.

Si Zen pinaibahan lang ang kulay ng buhok at nagpamassage. Ganun din ang sa akin. 

"Thanks Chinggu" saad ko sa kaibigan kong nag make over  sa amin ng anak ko. Pagkalabas namin sa shop.

"Mhie? Is that you?" Napatingin kami sa tumawag. "Oh Dhie bat ka andito diba may work kapa?"

"Bakit bawal ko bang makasama ang mag ina ko?." Agad na yumakap si Zen sa Daddy niya.

"I miss you my princess"

"I miss you too Daddy"

"Sama niyo naman ako" saad ko habang nakasinangot at agad akong hinila ni Zoliver.

"Ayan, huwag ng magtampo ang Queen ko" kinurot ko lang siya.

"Tara kain muna tayo" ani Zoliver. "Tara na" ani ko.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami dito muna matutulog si Zen at maaga daw sila bukas sasama sila para manood sa music video ng 2B. Si Eleize naman kasama ni Zonkyul ngayon.

Proud din ako sa batang iyon. Napakalaki na niya samantalang noon puro asaran sila ng Kuya niya pero ngayon dalagang dalaga na siya at gumanda pa.

Bago kami natulog ay nag movie marathon pa kami hanggang sa matapos.

"Good night Mommy and Daddy" sabay halik sa pisngi namin ng Daddy niya.

"Good night Sweetie" hinalikan din namin siya sa noo.

FangirlWhere stories live. Discover now