Chapter 20: Movie

12 8 0
                                    

Eleize  Pov.

Nagsimula na ang palabas. May hawak na popcorn si Zen. Buti nalang magugutom kami dito.

Nasa lapag ang 2B tas nasa taas naman kami ni Direct, Jihoon, Zen.

Honestly, si Direct lang ang kilala kong ganito sa lahat ng director sobrang close niya sa mga artist niya. Para sa akin mahusay siyang director yung way niya para mas makilala niya yung mga artist niya.

The Conjuring ang pinanonood namin ngayon at talagang nakakatakot siya. Muntik pang maihagis ni Zen yung popcorn na hawak niya dagdag mo pa yung sound effect nakakatakot na talaga siya.

Look at 2B nakatakip ang mga muka nila gamit ang kamay nila pero sumisilip parin sila sa tv astig diba?

Natatawa nalang ako. Halos lahat kami ganun ang position maliban kay direct. Nakangiti pa to habang nag eenjoy sa palabas.  Pabirito niya ba ang horror? Hindi nakakatuwa direct, hindi talaga.

"Whaaaa....." gulat na sigaw ng 2B ng nagpakita yung multo, naghahampasan pa sila sa takot at gulat.

Bigla naman naibato ni Zen yung popcorn na hawak niya dahil sa gulat si Jihoon naman nagtago sa unan at ako muntik lang naman akong atakihin dito dahil sa gulat.

Habang si Direct tawa lang ng tawa. Seriously? Iba din si Direct eh no.

Nasa kalagitnaan na Kami ng panood nang magbrown out. Nagulat kaming lahat. Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko natatakot ako.

Hinawakan ako ni Zen alam kong natatakot din siya. Naramdaman kong tumayo si Direct katabi ko kasi siya. Nagulat ako nang sumigaw ang 2B.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh........." sabay sabay nilang sigaw.

"Ahhhh... Mommyyyyyyyyyy Mommyyyyyyy............." Zonkyul

"Ahhh... I want to go homeeeeee..." Zeldross

"Eooommmmmmaaaaaaaaaaaaa" Sungji

"Mamaaaaaaaa...... Papaaaaaaaaa......" Beomgyu

Nasa harap na nila si Direct na nakatutok ang flashlight ng phone sa muka niya. Natawa kaming lahat sa inasal ng 2B Grabe idol na sila pero mama parin ang sigaw nila pag natatakot, nakarelate lang ako sa kanila ganyan din ako eh.

Agad silang natigilan sa pagsigaw nang narinig nila ang tawa namin.

Agad silang nagsikalasan sa pagkakayakap nila sa isa't isa. Natawa tuloy ako

"You can go now to your respective room" saad ni Direct.

Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at naglakad na kami ni Zen papuntang Room. Iniwan na namin sila dun.

Habang tinatahak namin and daan papunta sa room na namin ni Zen may kong anong bumulong sa kaliwang tingin ko. "Eleizeee" tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan.

Agad akong tumingil sa likod ko wala namang tao naka on ang flashlight ng phone ko kaya inilawan ko lahat ng bawat sulok pero walang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kasi Nauna na si Zen natatakot na yun pati ako naman pero bat hindi niya ako hinintay? diba.

Binilisan ko ang paglalakad nang maisip ko na walang tao tas may bumulong halla baka minumulto na akooo. Mas lalo ko pang binilisan.

"Wahhh!" Nagulat ako ng may lumitaw bigla sa harapan ko Aktong matutumba na ako sa sahig ng may pumulupot na kamay sa bewang ko at nahawakan ko ang braso niya.

"Are you okay?" Tanong niya gamit ang napaganda niyang boses at naamoy ko pa ang mabango niyang hininga.

Wait what? Magkalapit ba kami? Andilim kaya hindi ko siya makita at mamukaan halla baka yung multo to? Nahulog ko yung phone ko kaya hindi ko makita at wala pa ring ilaw.  Halos 5 minuto na ganito ang posisyon namin.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon