Chapter 13: Q And A

15 11 0
                                    

Eleize Pov.



Nakakairita naman pinagtitinginan kami dito oh nakakahiya eh. "Syempre naglalakad tayo dito sa red carpet kaya malamang maraming fans." Sabat naman ni Zen akala mo naman ito nababasa niya talaga kung ano yung nasa isip ko no.

Kumaway na lang ako sa mga fans ng 2B kasi inirapan ako nong isang fans. Grabe naman siya hugutin ko kaya yung mata niya nakakainis siya ah first time ko kayang maglakad sa red carpet tapos ganito lang gagawin ng mga fangirls nakakainis talaga.

Hindi ko na lang sila pinansin.
Umupo na ako dito sa backstage kasama ang 2B at si Direct.
Si Zen naman umupo na sa mga audience nasa unahan siya para nga siyang bata eh naeexcite siya samantalang ako nanginginig na sa kaba.

Ano ba kasing pinasok ko bakit pa ako sumang ayon sa pakiusap nila direct sa akin eh, kaso kailangan talaga kundi madidisband ang 2B.

Grabeng sakripisyo to 2B!.

Ngayon ko lang patunayan ang lahat para mabayaran ko na yung kasalanan ko sa kanila. Kung may kasalanan ako?.

Pagkatapos talaga nito uuwi na ako ng Pilipinas ayoko ng gumulo pa yung buhay ko dito sa korea dahil lang sa mga lalaking to.

Naiinis na ako kasi naman 30 minutes na kaming nag hihintay dito parang wala ng balak yung emcee na sumumpot dito sa show ha.

Dapat hindi nila pinapahintay ng ganito katagal yung mga artist nila diba. Kahit hindi ako artist.

"Good evening 2B!" Haysst...sa wakas andito na sila nakakabagot din maghintay no. Pansin ko nga kanina si Direct Xai eh naiinis na buti yung 2B nakakayanan nila.

"Ok, guys this way" guide sa amin ng mga staff tumayo ma din ako para hindi halata na nabwebwesit na ako.

Tignan mo hindi kami pinansin ng emcee. Baka napipilitan lang siya na may emcee dito.

Nakakabadtrip talaga eh siguro kung hindi lang mga artista yung kasama ko ngayon ipraprank ko na sila eh.

Yes guys mahilig ako mang prank pati si Zen, Kuya, Tita at Tito na prank ko yang mga yan eh kahit tanong niyo pa sa kanila.

Ang astig ng pagkaprank ko sa kanila although hindi naman sila nagalit natawa pa nga sila eh. Nagagawa ko lang yun kapag naiinip ako at gusto kung pagtripan yung isang tao or kailangan talaga kasi pinanghihinaan sila ng loob ganun.

Andito parin kami sa backstage kasi daw magsasalita pa yung emcee at tsaka tatawagin kami para pumunta na sa stage nakakakaba nga eh saan na ba si Zen? buti pa siya nakarelaxe lang sa upuan niya.

Hinawakan ni Zonkyul ang kamay ko na ikinagulat ko. Tumingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at bumulong. "This time you are mine" humarap siya sa akin ng nakangiti.

Kuminot naman ang noo ko sa sinabi niya. "May pa you are mine kapang nalalaman eh pretending naman lahat ng 'to" saad ko habang nakatingin sa stage.

"What did you say?" Nakakunoot noong tanong niya. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ok, Tonight we have a visitors!" Wow visitors daw eh sila naginvite sa amin dito eh visitors ka dyan ano yun kami mismo yung dumalaw hahaha nakakatawa naman sila.

Tinawag na ang 2B at syempre pati pangalan ko hindi pa ako nakaapak sa hagdan palabas ng stage dinig na dinig na yung sigawan ng mga fans nila.

Unti unti na akong lumabas at nakita ko andaming tao, nakita ko na si Zen ayon todo ang ngiti sa akin. Parang nangaasar eh.

Nilibot ko ang mga mata ko sa mga tao nakita ko yung co-navy ko yung nakilala namin ni Zen sa concert si Laila grabe ang ganda niya.

Kitang kita sa muka niya na nagulat siya na nang makita niya ako kasi iba yung muka ko sa picture nakasalamin ako dun eh kaya parang hindi niya ako namukaan.

FangirlWhere stories live. Discover now