Chapter 35: 18ths

19 5 0
                                    

Gwen Steffany Pov.

(One of the 18th Candles and BFF ni Eleize)

"Ito oh yung sayo Denver. Nangangalkal kapa dyan" sabay bigay ko sa tuxedong hawak ko.

"Uy Salamat ah, nasstress na kasi akong kakakalkal dun hindi ko mahanap" sagot niya.

Andito kami ngayon sa shop ni Direct Xai ata yun basta Direktor siya ng 2B sabi ni Zen. Hindi ko naman sila kakilala eh.

Nga pala kaya kami andito kasi para sa 18th Birthday ni Eleize!! Grabe namiss ko yung Bruha na yun. Dito pala siya magcecelebrate ng birthday niya.

Actually surprise pala 'tong party niya. Kaya hindi niya alam na nandito kaming mga best friends niya, andito din yung mga pinsan niya at schoolmates pati ang mga kaibigan niyang taga dito sa Korea.

Hanep to andami niyang mga pinsan na gwapo. AwiTtt makakahanap na ako ng kaforever dito. Nasa Korea ang true love!✊😂

"Gwen Steffany Cacayurannnn!" Makasigaw ang babaeng ito pinapahalatang taga bundok with complete name pa.

"Oh bakit Julie Ann Refugiaaa!?" Pambawi ko.

Napatingin siya sa kinarorounan ko sabay ngiti habang papalapit sa akin.

"Ito yung sayo oh bigay ni Miss Xai" abot niya sa isang dress.

Kinuha ko yun at binuksan naka balot kasi eh. Pagkabukas ko. Wow! Just Wow! Ang ganda!!. Tatlong kulay siya Pink,Violet at Purple talagang favorite ni Eleize na kulay ah.

Childhood bestfriend kaming pito. Si Julie, Jelai, Eleize, Zen, Jonathan, Denver at si Ako.

"Uy Gwen andaming handsome dito" kinikilig na sabi ni Jelai habang papalapit sa amin ni Julie.

"Oo nga eh, tara pakilala tayo" tipong hahakbang na sila ng dumating sina Tita Elaine at Tito Jaymez.

"Oh andito na kayo, nakuha niyo na ang mga susuotin niyo?" Sabay beso beso sa aming lima. Wala si Zen binabantayan ngayon si Eleize para di mabokya.

"Yah Tita, ito na po oh" sagot ko habang pinapakita ang hawak kong dress.

"Ang ganda nga Tita eh" sagot naman ni Jonathan. Maganda din ang design ng tuxedo nila at ang kulay nito ay kagaya din sa amin.

"Naman, para sa prinsesa namin" saad ni Tito Jaymez.

"Sa inyo na yan pagkatapos ng party gift namin sa mga 18th's ni Eleize" ni Tita Elaine.

Taray may pa gift sa mga 18th's. Sana all ganito.

Bukas na pala ang party ni Eleize, parang ambilis dati naglalaro lang kami ng bahay bahayan tas ngayon 18 na siya. Siya din ang bunso sa tropa namin.

"Pagkatapos natin dito Punta tayong mall bibili tayo ng gift" sabi ni Denver.

"Sige, pero may gift na ako kayo nalang bibili sasama parin ako" saad ko.

"Ay prepared Gwen?" Ni Jelai

"Of course, palagi naman akong ready. I was born to be ready kaya" sagot ko.

"Girlscout pa nga" ni Julie.

"Tara tapos naman na tayo" ni Denver. Mainipin yan, gusto lang kasi makakape sa mall.

"Sige paalam na tayo kina Tita" ni Jonathan.


"Sige mag iingat kayo" saad ni Tita Elaine.

"Ito oh gamitin niyo, Um-card para sa lahat ng gagastusin niyo" sabay abot sa amin.

Um-card ang mga Nanay lang ang mayroon niyan pero dahil sa isa sa mayaman ang Pamilya nila meron sila nito.

FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon