DOS

246 10 0
                                    

IT HAS been two weeks since the last time Nathan went into her place. Well, siguro ay natauhan na ang kapatid niya sa mga kalokohan na pinaggagawa nito o baka napagsabihan ni Nalena. Nathan might be unkind to her, but he loves Nalena so much. Iyon naman ang gusto niya kay Nathan dahil mahal nito ang mga magulang at kambal nito. Hindi nga lang sa kanya pero wala namang kaso iyon. Hindi naman nabawasan ang pagkatao niya na hindi gusto nito. Ang importante sa kanya ay huwag niya ma-disappoint ang mga magulang nila.

Nag-angat siya nang tingin sa analog clock sa dingding ng office niya. Maga-alas dos na pala pero hindi man lang siya nakaramdam ng gutom. May binabasa kasi siyang mga dokumento tungkol sa mga pasyente niya. Kinuha na lang niya ang skyflakes sa loob ng bag niya. Mamaya na lang siya kakain bago umuwe. Kailangan niya kasing ma-review ang test ng batang si Emma. She was diagnosed with chronic lymphocytic leukemia-- isang sakit sa dugo na karaniwan sa mga bata. Emma was an orphaned. Isa ito sa mga batang nakikinabang sa mga donasyon ng hospital nila. Kaya madalas siya mag-out of town at lumabas sa kung saan-saan para maghanap ng benefactor sa mga pasyenteng tulad nito. She was guested in different radio, television and broad newspapers to promote the hospital. She traveled a lot to promote the hospital abroad. Lahat iyon ay ginagawa niya para makatulong sa abot ng makakaya niya. Her parents were very proud of it. Kaya lalo siyang nagkakaroon ng lakas nang loob na maging mabuting doktor at maging tapat sa propesyon niya dahil sa mga ito.

Bumakas ang pinto ng office niya, bumungad ang kapwa niyang doktor na si Reynolds. As usual, may dala na naman itong tuna sandwich at isang chuckie chocolate drink na gustong-gusto niya.

"Hey, nagpapalipas ka na naman ng gutom, Ker." ani ng kaibigang doktor at umupo sa upuan sa tapat niya. Nilapag nito ang mga hawak sa lamesa niya. Tumingin ito sa kinakain niyang skyflakes. "Dapat yata dalhin ko na rito ang cafeteria para naman hindi puro skyflakes ang kinakain mo."

Ngumiti siya. "I'm good, Rey. Nag-abala ka na naman."

Rey widely smiled at her. "Alam mong hindi ka abala kahit kailan, Ker. Kung sagutin mo ba naman ako kahit mayamaya ay dalhan kita ng pagkain."

Napailing siya. Well, Reynolds courted her since last month. He was eager and kind-hearted. Sa emergency department ito kaya minsan ay nahihiya siya kapag lagi itong dumaraan sa kanya. Nag-lalaan talaga ito ng oras para makita at makausap siya. She appreciated his effort but Reynolds is a friend for her. Just a good friend.

Saglit na tumahimik ito at nang hindi makatiis ay nangalumbaba sa table niya. Tumingin ito sa kanya habang nire-review pa rin niya ang test ni Emma. "Do you have plans later? May gusto sana kong panuorin na movie ngayon. I hope you can go with me."

Sinulyapan niya ito. Binuksan nito ang balot ng sandwich niya at tinusok ng paper stray ang dala nitong chuckie drinks niya. He was thoughtful too. Reynolds is a good guy and handsome. Marami kayang nurses nila ang crush ito pero hindi niya alam kung bakit hindi siya tinatablan. Guwapo naman talaga ito kung siya ang tatanungin. Maganda rin ang pamilya na pinagmulan nito.

She bited her lower lips. Nagdadalawang-isip siya sumama. Actually, wala siyang plans mamaya dahil uuwe siya sa kanila. Birthday ng Mommy Sabrina niya bukas at kailangan makauwe siya nang araw na iyon. Baka magtampo ito sa kanya kapag hindi siya makauwe ngayon.

"Hindi ko puwede masyadong gabihin dahil uuwe pa kong Alabang..." He looked disappointed. Bigla ay na-konsensiya siya. Hindi naman siguro masama kung sumama siya ngayon at pagbigyan ito. Hindi naman siguro niya ito papaasahin kung papayag siya ng isang beses. "But we can watch if you really want. Basta huwag lang tayo magtagal."

Sumandal siya sa swivel chair niya. Kinuha ang sandwich na binuksan nito at kumagat doon. Nang malasahan ang tuna ay tuluyan na siyang nakaramdam ng gutom. Doon lang siya nakaramdam ng pagod dahil bago siya pumasok sa opisina ay kinamusta niya lahat ng pasyente niya.

Hidden DesiresWhere stories live. Discover now