TRESE

173 13 0
                                    

EVERYTHING WASN'T easy as Kerra expected. Sa loob ng isang buwan ay naging maayos naman ang lahat. Hindi lang siya sanay na hindi nakikita ang mga taong nagpalaki at minahal niya. To be honest, she misses everyone.

Nagpapasok ng pera sa bank account niya ang ama pero hindi niya ginagalaw. Nahihiya siya sa mga nasabi niya sa Daddy niya. Nasaktan niya ito at ang buong pamilya niya.

Pumasok siya sa isang pampublikong clinic sa lugar. Hindi man kasing laki ng sahod niya sa ospital ang sinasahod roon ay ayos lang. Ang mahalaga ay kumikita siya ng pera.

"Mamaa!" The little girl she vaccinated scream and cried loudly.

Hinaplos niya ang pisngi ng bata at pumantay dito."It is okay, sweetheart." Ibinigay niya sa bata ang lollipop sa bulsa ng white coat niya. "Tada! Para ma-go away ang sakit."

Suminok ang bata at tumingin sa kanya. "Sabi ng mommy ko, kapag kumain ka ng matatamis ay magiging happy ka."

Her eyes sparkled with tears. Tumigil naman ito sa pag-iyak. Kinuha niya ang lollipop at binalatan.
"You're a brave little girl and I'm sure your mommy will be very proud of you." Ginulo niya ang buhok nito nang kinuha sa kanya ang lollipop.

Pumasok na rin ang ina nito at saglit na nag-usap sila.

"Thank you, doktora." Binuhat na ng nanay ang anak nito. Bago lumabas ang mga ito ay nagba-bye ang bata sa kanya. She's cute. Kumaway din siya pabalik.

Kahit papaano ay nae-enjoy niya ang pagta-trabaho sa clinic. Hindi na rin siya nag-aalala sa mga naiwan niya sa ospital dahil alam niyang aalagaan ng mabuti nang mga dating kasamahan ang mga pasyente niya. Nakausap na rin niya ang mga dating katrabaho.

Kumatok ang isang nurse na kasama niya doon. "May naghahanap po sa inyo, Doktora."

"Okay. I'll be there in a bit." Hinubad niya ang coat at pinatong sa upuan. Natigilan siya nang makita si Nathan. Nakatayo ito hindi kalayuan sa pintuan ng clinic kung saan siya nagta-trabaho. What was he doing there?

"Bakit ka nandito?" Nag-iwas siya ng tingin.

"You can out," Tumingin ito sa wristwatch nito. "It's four 'o clock. The nurse told me you can go."

She sighed. Hindi siya puwede magsinungaling dahil iyong bata na babae ang huling naka-schedule na babakunahan niya. Marahil nasabi na ng nurse kay Nathan.

"I'll not go back home with you."

"I know." Maikling sagot ni Nathan sa sinabi niya.

Nilingon na niya ito. "Bakit ka nandito? The last time I checked, you hated me so much. Oh right, you hate me all along."

"Let's go. Ihahatid kita."

"Ayoko."

Tumiim ang mga bagang nito. "Stop refusing me. Don't get me mad, Kerra."

Hindi niya ito pinansin at dinampot ang bag niya. Wala itong nagawa ng dire-diretso siyang lumabas. Mabilis ang mga hakbang hanggang makarating siya sa sakayan ng tricycle. Sakto na isang pasahero na lang ang kailangan bago umalis. Bago tumakbo ang tricycle ay nakita niyang nakatingin lang si Nathan sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Mukhang wala itong balak sumunod sa kung saan siya nakatira. Hindi niya hahayaan na manipulahin siya ng lalaki lalo na ngayong hindi na siya parte ng pamilya nito.

Hidden DesiresWhere stories live. Discover now