QUATRO

180 11 2
                                    

"THANK you for the dinner, Ker. I really enjoy talking to your parents. Lalo na sa Daddy mo." ani Reynolds sa kanya nang ihatid niya ito sa kotse nito.

Kailangan din umuwe ni Reynolds ng gabi na iyon dahil may duty pa diumano ito bukas. Halos lahat sa pamilya niya ay gusto ito dahil na rin siguro magaling at mabait ito. Mukhang nakuha nito agad ang loob ng mga magulang nila.

"Welcome and thank you. Mukhang nag-enjoy din ang Daddy ko."

Ngumisi ito at napakamot sa batok. "Sagutin mo na raw ako sabi rin ng mga kapatid mo."

"Loko ka! Kung ano-ano pinagsasabi mo sa kanila. Mamaya maniwala ang mga iyon sa'yo."

Bigla ay sumeryoso ito. "But I am, Kerra. I'm serious about us."

Nawala ang ngisi niya at napalunok. Bigla ay nakaramdam siya ng kaba. Masyadong seryoso ang itsura nito. Alam naman niya ang intensyon nito sa kanya pero hindi lang nila malaman kung ano ang pumipigil sa kanya pagbigyan ito. Tulad nga ng sabi niya, good catch na ito.

She sighed and smiled. Ayaw niya paasahin ito pero hindi rin niya gustong saktan ito. But maybe she can give it a try. Wala naman mawawala kung sakali.

"Okay...sige...hahayaan na talaga kitang ligawan ako pero hindi pa kita masasagot sa ngayon, Rey. Siguro someday I'll be there but not now."

Lalong lumawak ang ngiti nito. Mukhang nagustuhan ang sinabi niya.

"Thank you so much, Ker. Hindi ka magsisisi na binigyan mo ko ng chance."

"Ingat ka sa biyahe mo, Rey. Text me kapag nakauwe ka na."

"Yes, Ma'am," sumaludo pa itong parang sundalo.

Natawa siya. Dumukwang siya para halikan ito sa pisngi nang tumagilid ang mukha nito. Nanlaki ang mga mata niya nang dumapo ang labi nito sa kanya. Saglit lang iyon pero nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Tila hindi rin nito inaasahan ang nangyari dahil namula ang mukha nito. Siya ang unang lumayo at nahihiyang tinignan ito.

Lumunok muna siya.
"B-Ba-bye, ingat ka sa pag-uwe."

Tumango-tango ito at lalong namula ang mukha. Natataranta itong sumakay sa kotse nito at nauutal na nagpaalam sa kanya. Nang makalayo na ito ay napabuntong-hininga na lang siya.

Natigilan siya sa pagpasok nang makita si Nathan na titig na titig sa kanya. Medyo weird lang kasi mukhang masama na naman ang timpla nito. Hindi na niya ito pinansin at naglakad papasok. Hindi pa man siya nakakalayo at natigilan siya.

"Nakikipaghalikan ka na. Bakit boyfriend mo na ba?"

Mula sa puwesto nito ay malamang nakita nito ang nangyari ng huli.

Nilingon niya ito.
"Excuse me?"

Hinagod nito nang tingin ang kabuuan niya. Nagsimula sa paa paakyat sa may dibdib niya. Nahiya siya sa ginawa nito kaya pinag-krus niya ang mga braso doon.

"Nathaniel," she said in a warning tone. Hindi niya gusto ang klase ng tingin nito.

He smirked. "Wala naman akong pakialam sa inyo."

Tumalikod na ito at unang pumasok. Hindi niya alam kung ano ang problema talaga nito sa kanya pero sana maging maayos na sila. Birthday na naman ng Mommy nila, kahit manlang iyon ang maging ultimate gift niya rito.

****

"HAY, I really don't understand why Nathan bring that bitch dito sa bahay. Like, everyone here doesn't like her," ani Nalena pagkatapos ng dinner nila buong pamilya. It's twelve of the midnight, hindi pa rin sila dinadalaw ng antok.

Hidden DesiresWhere stories live. Discover now