CINCO

202 9 0
                                    

THE whole family went to Dasol, Pangasinan to celebrate their Moms' birthday. Alas-kuwatro pa lang ay umalis na silang mag-anak dahil ni-reserve na nina Nalena at Kerra ang buong beach house. They are planning to unwind for one and half-day. Pahinga sa siyudad at sa mga trabaho nila.

Sa totoo lang ay wala pang matino na tulog si Kerra. Hanggang sa makarating sa Pangasinan ay hindi pa rin tinitignan ni Kerra si Nathan. Nagagalit pa rin siya sa ginawa nito sa kanya. After they take a short sleep in their room, Nalena wakes her up. Agad na nagpalit siya ng swimwear rashgard.

"Hoy Cheska! Ba't ganyan ang suot mo?"

Nalena's hissed as their sister wore a two-piece bikini. Tambok na tambok ang puwetan at dibdib nito sa naturang bathing suit. Bagay na bagay ang kulay royal blue rito.

Cheska grinned. "Bakit inggit ka, Nal? Palibhasa wala kang dede."

Namewang ito. Nalena wore cover top and pants white lace underneath were yellow two-piece.

Hindi tuloy niya napigilan ang matawa. Namula naman ang mukha ni Nalena sa inis o sa pagkapahiya ay hindi niya alam.

"Maldita ka talagang bata ka! Kaya bagay na bagay na "Matilda" ang second name mo."

"You screaming bitch! Wala ka kasi talagang dede." Cheska said and walked out.

"Punyeta talaga ang batang 'yon. Ibabalik ko siya sa sinapupunan ng nanay niya." buwesit na bumalik sa pagkakaupo si Nalena sa tabi niya.

Tumatakbo na lumabas naman si Sonja na nakasuot na rin ng panligo.

"Sonja, stop running." suway ni Nalena nang makita niya itong pasunod kay Cheska. Hindi ito nakinig kay Nalena. Huminto naman si Cheska at hinintay ang paglapit ni Sonja rito. Bumelat muna si Cheska kay Nalena bago akbayan si Sonja at sabay na naglakad.

Nalena just sighed.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Nathan at si Helen. Mula sa ulo ay binaba niya ang shades niya para itago ang pagkairita. Tumingin si Nathan sa kanya na tila normal lang ang lahat kaya lalo siyang nabuwesit. Kung umasta ito mukhang wala itong ginawa sa kanya kaninang madaling-araw.

"What's wrong with you?"

Nilingon niya si Nalena. She was eyeing her with awe. "You look murderous, Ate Kerra. Sa bagay, nabu-buwesit din talaga ko makita si Helen."

Helen wore a red crossed bikini swimwear. Sexy na sexy ang babae sa suot nito.

Tumayo na siya. "I'll go upstairs with Mom."

She sneered. "Maistorbo mo sila. They are too chessy, ang tatanda na pero para pa ding mga bata."

"They love each other, Nal. Malay mo masundan pa si Sonja."

Umirap na lang ito at bumalik sa pagkakahiga sa swimming pool lounge. Binaba ang shades at nagpakatusta na naman sa init ng araw. "Whatever,"

Tumawa na lang siya at iniwan na ito.

Pumasok siya sa loob ng beach house para hanapin ang mga magulang. Pinuntahan niya ito sa silid ng mga ito. Sinigurado ni Nalena na sa centro ng beach house kung saan tanaw ang kulay-asul na dagat at paglubog ng araw ay uukupahin ng mga ito. Naabutan niya ang dalawa na magkayakap habang nasa balkonahe. Nakayakap ang ama sa likod ng ina habang nakatanaw sa labas.

Kung siya ang tatanungin kung bakit mahal niya ang pamilya na ito. Sa loob nang dalawang dekada ay ni minsan hindi niya nakita o naramdaman na nawala ang pagmamahal ng mga ito sa isa't-isa. She believe in love because of her parents. She chose this family because she felt wanted and they choose her.

Hidden DesiresWhere stories live. Discover now