DIYES

141 9 0
                                    

"YOU NEED to rest, Kerra." Sikwat ni Reynolds sa kanya nang medyo kumalma na siya. She feel drained all over. Walang sakit. Walang lahat. Maybe it is her way of grieving. They lost their Mom... she lost her for good. Walang kahit na anong paliwanag kung bakit iniwan siya noon... basta iniwan na lang siya basta. Parang ngayon... pero ngayon wala na siyang hihintayin.

"I'm okay. Aayusin ko—"

Umiling si Reynolds. "It's okay, Kerra. You don't need to worry anymore. Tutulungan kita."

She sighed.

"Ate, nandito lang kami." Singit ni Baste sa gilid niya. Bakas ang natuyong luha sa mga mata nito.

Malungkot na nilingon niya ito. "Sorry. I shouldn't shout at you."

Tumabi ito sa kanya at yumakap si Baste. Sumunod si Reyna kaya niyakap niya pabalik ang mga kapatid. Ngayon na sila na lang ay hindi niya papabayaan ang mga ito. Siya na lang ang mayroon ang mga ito.

"We should go home muna."

Tumango ang mga ito.

Hinawakan ni Reynolds ang kamay niya. "You should rest too."

Hindi siya umimik. How can she rest?

"You will go through this, Ker. I know you can."  Malumanay at puno ng pag-unawa na sabi ni Reynolds sa kanya.

Tumango siya. "Thanks, Rey. I owe you so much."

He smiled at her. "Don't mention it."

Umuwe na sila sa condo unit niya para doon na magpahinga. Mamayang hapon ay aayusin niya ang mga kailangan para sa cremate ng ina. Dumiretso si Kerra sa loob ng kuwarto kung nasaan ang mga gamit ng ina. Sana sa pamamagitan ng mga gamit nito ay maramdaman man lang niya na nasa tabi niya ito. Nang makuha niya ang isang damit ng ina ay inamoy niya iyon at niyakap. Her tears shed again. Pero kailangan niya magpakatatag para sa mga kapatid. Mas kailangan siya ng mga ito ngayon.

"Itabi na natin ang mga gamit ni Mama, Baste." Sabi niya sa kapatid ng sumilip ito.

Tumango ito sa kanya at tinulungan siya. Pagkatapos ay saglit na iidlip sana siya pero hindi siya binibisita ng antok. She just stared at the ceiling of her room. She was grieving but it is not the right time to get weak. Kailangan niya tatagan ang loob niya.

Pagdating nang hapon ay bumalik siya sa ospital para kunin sa morgue ang katawan at ipa-cremate. It will take days to get the aches.

The next day, ay umuwe siya sa kanila para sa death anniversary nang namatay nilang kapatid na si Bennett. They went to their family mausoleum to remembered him/her. Ang alam niya ay muntikan nang tuluyan maghiwalay ang mga magulang sa pagkawala nito.

Tinignan niya ama. He was caressing Sonja's hair while they were happily talking. No doubt, he loved them all equally.

Her mom Sabrina hugged her from behind. Hinarap niya ito at ngumiti. "Kerra, anak... if there is something bothering you, please don't hesitate to share it with me. I'm your Mom, Kerra. I'll always here and understand you."

Hinaplos pa nito ang mukha niya. "You will always be my lovely child. Always remember that,"

Tumango siya at niyakap ito. Gusto man niya ikuwento ang mga nangyayari sa kanya ay hindi niya kayang gawin. Ayaw niya masaktan at mag-alala ito. She tried to be okay. Halos maghapon na ginugol niya ang oras para sa mga ito. Umuwe siya sa condo unit niya pagkatapos nang araw na iyon.

Pinaghanda pa niya ng pagkain ang mga kapatid. They are all mourning but they will get through this together.

Mabilis na lumipas ang apat na araw, sinusubukan niya maging maayos ang lahat kahit wala na ang tunay na ina. Mamaya ay kukunin na niya ang mga abo nito. Naitabi na rin nila ang mga gamit ng ina bukod sa isang partikular na lumang shoulder bag. Kinuha niya iyon at sinama sa gamit ng ina nang may malaglag na lumang kulay na brown na sobre. Akmang ibabalik niya iyon sa loob ng bag nang masilip niya ang loob. Dala ng kuryosidad ay kinuha niya ang papel sa loob.

Hidden DesiresDonde viven las historias. Descúbrelo ahora