"They're gone Serene, I told them may sakit ka at bawal kang humarap sa kanila."

"Mommy!" I shouted. Umiwas lang siya ng tingin sa 'kin. Umiyak na 'ko lahat-lahat sa harap niya, kulang na lang ay lumuhod ako pero hindi pa rin ako makalimos ng awa niya.

"Mom, please let me see them." Sunod-sunod ang luha ko sa pagpatak.

"Ibalik n’yo na siya sa kwarto niya," she coldly said. Agad akong napailing.

"Mom no, Mom please," I pleaded pero agad na akong kinaladkad ng guards pabalik sa room ko. That day iyak na naman ako nang iyak, I can do nothing but to cry. I feel so hopeless.

"Rona, Rona!" Nagising ako nang hating gabi sa marahang yugyog at tawag ni Tine. Naalimpungatan ako sa ginawa niya kaya nagtataka akong bumangon.

Madilim ang paligid dahil patay ang lahat ng ilaw sa kwarto ko. Hindi ko alam ano’ng ginagawa ni Tine rito.

"Listen," she whispered at me. "Pack your things, nasa labas si, Prine naghihintay." My eyes immediately widened, bigla ay tinangay ang antok ko sa sinabi niya.

"Huh?" Bigla ay nataranta ako.

"Mag-impake ka, itatakas ka ni Prine!"  Dali-dali akong bumangon at naglakad sa walk in closet ko. Tine handed me my black big backpack and helped me packed my things.

"Huwag ka ng masyadong magdala ng gamit Rona! 'Yung mga kailangan mo lang," suway niya sa 'kin at tinulongan akong mag-impake. Kinuha ko ulit ang savings ko at inilagay sa bag. I don't know what's going to happen but I'm desperate to get away from this suffocating house.

"Paano nalaman ni Prine 'to?" I asked while packing my things as fast as I could.

"I told him," Tine said. "Hindi kita tinulongang maka-alis noon dahil alam kong nasa sala si, Madame Laura. Kapag tinulongan kita, siguradong matatanggal ako sa trabaho at hindi na kita malalapitan, hindi na kita matutulongan." Biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko sa sinabi ni Tine.

"Tine," hindi ko na napigilang yakapin siya. I'm so stupid that I think ill of her, I thought she betrayed and dissapointed me. But no, she's helping me here.

Umiyak ako sa bisig niya sa wagas na pagpapasalamat, she tapped my back pagkatapos ay inilayo na niya 'ko sa kanya.

"Mamaya na ang drama, bilisan mo at kanina pa naghihintay si, Prine sa labas." Tumango ako at binilisan ang pag-iimpake.

Dahan-dahan ang pagkilos namin pababa, twenty-four hours ang guards kaya ingat na ingat kami ni Tine.

Hindi ko alam saan kami dadaan pero sumunod na lang ako kay Tine papunta sa likod na parte ng bahay namin. Nang makarating kami sa maliit na back door ay tumigil kami.

"Run, until the engagement came," aniya sa 'kin.

"Paano ka?" nag-aalalang tanong ko. Alam kong kita ng CCTV namin ang ginawa kong pagtakas, I'm sure madadamay si Tine rito.

Umiling siya sa 'kin, "Huwag mo 'kong alalahanin. You go now, baka makita pa tayo." Binuksan ni Tine ang bakal na pintuan sa back door, hindi ko alam saan niya nakuha ang susi no’n pero ipinagpapasalamat kong nasa kanya 'yon.

"Nakay Prine ang number ko, contact me if you need anything,” aniya bago muling isinarado ang pintuan. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat nang maayos dahil sinarado na niya agad.

I saw Prine standing near his car, gusto kong maiyak nang makita ko siya. Pakiramdam ko ay bigla akong nakaahon sa pagkakalunod.

"Prine," I cried and immediately run towards him. His warmth immediately evelope my whole system when he hugged me tight. 

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now