Sana rito na lang ako tumira, I chuckled at my own thought. Kung pwede lang takasan ang pagiging Norriente siguro matagal ko nang ginawa?

After lunch we settled our tents na, nagtalo pa kami sa pag-aayos ng tent, mabuti na lang at may tumulong sa 'min. Sa isang tent lang kami matutulog tatlo so, it's really a girls night!

Nang hapong 'yon ay nagkaroon kami ng team building, ang akala ko ay maiilang ako dahil hindi ko kasama sina Lian at Mae sa grupo, buti na lang at si Tine ang ka-grupo ko.

"Dali!" I bit my lower lip feeling thrilled now. "Oh, my gosh!" nanlaki ang mga mata ko at napatalon sa gulat nang makitang nadapa ang mga ka-grupo ko bago pa man makarating sa finish line. Tapos na akong umikot kanina pero kinakabahan pa rin ako para sa kanila, para sa grupo namin.

The anticipation is killing me! Sobra akong natutuwa na kinakabahan sa team building na 'to.

"You're enjoying?" Agad na napatuwid ang likod ko nang marinig ang boses na 'yon. Biglang dumaloy ang hiya sa katawan ko, nawala ang na-e-excite kong ngisi at napalitan 'yon ng tipid na ngiti nang harapin ko si Prine na nasa likuran ko na.

I looked around to see if someone is looking at us, pero dahil nakatingin ang lahat sa naglalaro walang nakapansin sa paglapit ni Prine sa 'kin.

"Y-yeah, it's fun!" Agad akong dumistansiya sa kanya dahil pawisan ako. Nahihiya ko pang pinalis ang pawis na noo ko gamit ang likod ng palad, pati sa batok ko ay dumidikit na ang buhok dahil sa lagkit ng pawis. Bigla akong nailang sa kanya, compared to him mas fresh siyang tingnan.

"Hindi ka sumali?" puna ko dahil hindi ko pa siya nakitang sumali sa laro. Hindi rin siya pawisan 'di gaya ko.

"I'm busy," tipid na aniya. Agad namang kumunot ang noo ko.

"Busy saan?"

"I'm busy watching you." Pakiramdam ko ay biglang tumalon ang puso ko sa tinuran niya. My checks burned and I'm sure kasing pula ko na ang kamatis!

"Ah, hindi mo na ako kailangan bantayan. Hindi naman na ako bata, eh." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang titig niya. Any minute by now baka mawalan na ako ng hininga. "You should enjoy Prine," dagdag ko sabay nguso.

I saw a playful smile on his lips, kita ko rin ang tuwa sa mga mata niya.

"I'm enjoying watching you smile and laugh, it's more than enough."

My jaw literally dropped at his statement. Tuloyan nang nagkaroon ng karera sa loob ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay saglit na tumigil ang oras ko at ang paghinga ko sa mundong ito.

Sa huli ay umiling na lang ako sa kanya, hindi ko maintindihan ang sarili ko, at mas lalong hindi ko siya maintindihan.

Please Prine, huwag kang ganito. You're making me fall for you!

Itong paglakas ng pintig ng puso ko sa t'wing may pinapahiwatig siyang gano'n, alam kong hindi na ito normal, mahirap pa dahil hindi ko mabasa siPrine!

Pagkatapos ng team building ay hindi ko na ulit nakita si Prine, hanggang sa naghaponan kami. Dahil free time namin ang first night, pinili ng section namin ang maglaro at mag-open forum as a section.

We are all shock ng walang pag-aalinlangang aminin ni Shun Clark sa lahat ng kaklase namin na ex niya si Lian. Alam naming pareho ni Mae ang relasyon nila pero nagulat pa rin kami kay Clark. Pati reactions ng mga kaklase namin ay bayolente rin at hindi makapaniwala. Same reaction to me nang malaman naming si Clark pala ang ex ni Lian.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising at agad na pinag-excercise. Nagsuot lang ako ng itim na leggings, mahabang white t-shirt at rubber shoes para sa morning exercise.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon