Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla akong ginimbal ng sampal sa pisngi. Pakiramdam ko ay naalog ang utak ko sa lakas no'n. Agad akong napahawak sa pisngi kong nasampal niya.

"Rona!"

"Rose!"

"Walang hiya ka!" Akmang susugurin ni Lian si Grecel pero agad ko siyang pinigilan.

"Bawiin mo ang sinabi mo sa Mommy ko!" nanggagalaiting aniya sa 'kin. Maging sina Givanne at Archy ay na-alerto na rin. Ngayon ko lang napansin ang mga nanonood sa 'min. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang siyang susulpot.

Ngumisi ako kay Grecel, inayos ko ang buhok at binitiwan ang sapo-sapong pisngi.

"Wala akong sinabing mommy mo, baka nakakalimutan mong ang pamilya ninyo ang may pinakamalawak na political herarchy sa bansa? Defensive ka masyado, napaghahalataan ka tuloy."

"Walang hiya ka Serene!" Akma siyang susugod ulit ngunit alam ko na ang gagawin niya kaya agad kong hinuli ang braso niya. Galit na galit ang mga mata ni Grecel, pilit niyang binawi ang braso pero mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

Parehong naka-taas sa ere ang mga kamay naming dalawa, sa tindi ng titigan namin kulang na lang ay magkaroon ng apoy sa pagitan namin.

Agad akong napatingin kay Prine nang hawakan niya ang kamay ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina nang makita siya, agad na kumabog ang puso ko, alam ko kung para saan ang kaba ko. Takot. Takot na husgahan niya ulit ako dahil ganitong eksena na naman ang nadatnan niya.

Binaba niya ang braso naming dalawa ni Grecel at ipinaglayo. Hindi niya binitiwan ang pulso ko, marahan niya 'kong hinila at bahagya akong itinago sa likod niya.

"What do you think you're doing Grecel? Hindi ka ba titigil?" Prine said seriously. I heard everyone's gasps and whispers when they saw Prine defending me.

"Ano ka d'yan Prine? Prince and shinning armor?" Marami pang sinabi si Grecel pero hindi ko na narinig. Bumaba ang tingin ko sa pulso kong hawak ni Prine. I felt something jumped on me as I stared on it, my checks burn and my heart doubled in beat. Tila ba napaka-big-deal nang ginawa niyang paghawak sa pulso ko.

Agad namang nakalma ang puso ko, he defended me instead of judging me this time.

"Alam n'yo? Ang weird ni Prine para sa 'kin?" ngumiwi si Lian habang pinaglalaruan ang hawak na bulak.

Pagkatapos nang kagulohan kanina ay sa cafeteria kami nagpunta. May sugat sa siko si Tine kaya kailangan naming gamotin. Si Prine naman ay dumeritso sa office para e-report si Grecel. Ayoko nga sana but he insisted, sigurado akong expaltion ang matatanggap ni Grecel. Kahit na gano'n ang nangyari kanina naaawa pa rin ako sa kanya.

"Paanong weird?" kunot ang noo kong tanong. Ngumisi naman siya at pinanliitan ako ng mga mata.

"'Di ba dati halos hindi ka niyan pansinin, walang pake sa 'yo? Noong Music Fest nga ay pinamukha pa niya sa buong campus na hindi ka niya magugustohan, tapos ngayon parang sumobra siya sa effort na e-please ka? Ano 'yon, nabagok kaya natauhan?" mahabang litanya ni Lian. Napa-isip din ako sa sinabi niya.

"Baka may plano?"

"Baka in-love sa 'yo?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Tine at Mae na sabay na nagsalita. Nahulog sa malalim na pag-iisip ang utak ko dahil sa mga sinabi nila.

"Baka naman nagpapaka-fiancé lang? What I mean is, maybe he's not in-love with me, wala rin siyang plano. . . he's just respecting and taking care of me as his fiancé and. . . a friend?" Nalilito ako kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang point ko.

I felt like I was stabbed on the chest at Mae's words. Mahirap naman paniwalaan ang sinabi ni Tine.

Parehong napabuntonghininga sina Mae at Lian.

"Hanggang ngayon ba crush mo pa rin si, Prine?" Hindi ako nakasagot sa tanong ni Lian. I was stucked, pinakiramdaman ko ang sarili pero hindi ko masagot. I just shrugged my shoulders to her.

"Tandaan mo Rose, mahilig mambola ang mga lalaki. Nakakapanibago ang mga kilos ni Prine 'di ba nakakapag-taka 'yon? Just don't trust him to much, baka mabokya ka. Huwag mo ng gayahin ang marupok mong kaibigan," ani Mae sabay tingin kay Lian na ngumiwi naman.

I sighed heavily, pakiramdam ko ay biglang bumigat ang dibdib ko sa sinabi ni Mae.

May plano ba si Prine? Is he going to use me?

I know it's wrong, but I suddenly had doubts on my heart for him.






Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon