Dahan dahan lamang siyang tumango at bumalik sa pagyakap sa'kin. Iyak lang siya ng iyak at hinayaan ko namang ilabas niya lahat. Naaawa ako kasi ang bata bata niya pa para maranasan lahat ng ito...at wala akong magawa para pagaanin ang loob niya.

Her Dad is dying......ngayon lang sila nagkasama tapos kukunin din ito agad sa kaniya. I can't imagine how painful it is for a child. It is a torture. Kawawa naman ang anak ko.

Nakatulog rin siya sa kakaiyak. Nang masiguradong ayos na siya at mahimbing na ulit ang tulog ay dahan dahan naman akong lumabas ng kwarto at pinuntahan si Daniel.

Naabutan ko sila Georgia at ang parents niya na nasa labas ng kwarto ko. Mukhang inaantay ako dahil sabay sabay pa silang lumingon sa'kin at humarap.

"I'm sorry natagalan ako. How's Daniel?" Tanong ko sa kanila.

"He's sleeping, Iha." Sagot ni Mr. Dela Cruz. "How's Maxine?

Tumango ako. "Nakatulog na po sa kakaiyak. She'll be fine." I hope so. I sighed heavily. Nilingon ko si Georgia. "Ako na ang bahala sa kaniya. Magpahinga na kayo." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Uhm iha," Binalik ko ang tingin sa mag-asawa. "Can we talk for minute?" Alangang tanong ni Mrs. Dela Cruz.

"We can talk tomorrow. Magpahinga na lang po muna tayo ngayong gabi. Parehas po tayong pagod kaya hindi rin po tayo makakapag-usap ng maayos." Sabi ko. Tiningnan ko ang oras sa relong pambisig. "Masyado na rin pong late. Dito na lang din po kayo matulog. Pwede ninyong gamitin ang guest room na ginamit ni Daniel."

"Is it okay, Iha? I mean, kumportable ka ba kung nandito kami?" Tanong ni Mr. Dela Cruz.

"Para po ito kay Daniel." Pagod kong sagot. "Sana maging kumportable kayo. Si Georgia na po ang bahala sa inyo." Sabi ko at akmang bubuksan na ang pinto ko nang hawakan ako ni Mrs. Dela Cruz sa braso.

"Wait, Iha. I just...want to know your decision. H-He loves you kaya k-kung anong desisyon mo, 'yon na rin ang a-akin. He's my son—"

"—I won't decide anymore. He will." Mariing sambit ko bago sila tuluyang iniwan roon.

Nang masarado ko ang pinto ay napasandal ako roon. Mariin akong pumikit at napabuntong hininga. I can't still look at them as Daniel's parents. The regret....the pain...it's still in my heart. Hindi ko 'yon maalis kahit anong gawin ko!

'Yong galit ko siguro unti unti nang nawawala pero hindi ko makalimutan lahat ng mga nangyari noon. Hindi ko maalis sa isip ko na nasa malapit lang ang mga taong nagpahirap sa'kin at naging maramot kay Maximo. At kahit anong paliwanag nila o ano mang dahilan...namatay pa rin ang anak ko!

Nagpunas ako ng luha.

Nang iwan kami ni Daniel noon, gulong gulo ako. Napapaisip kung saan ako nagkulang? Anong mali ko? Masaya naman kami pero bakit siya umalis? Hindi ko maintindihan.

Nawala ako noon. Lumubog sa alaala naming dalawa at halos ayaw nang gumising sa panaginip kung saan kasama ko siya.

I was lost on my memories of him. At naiisip ko kung iniisip niya rin ba ako o ang mga anak namin? Kailan siya babalik? O babalik pa nga ba talaga siya?

Nasaktan ako ng sobra sobra noon at nahirapan dahil dalawang bata ang umaasa sa'kin. Kailangan kong manatili sa matinong pag-iisip kahit minsan ay natatalo rin ng lungkot...pero kinaya ko. Pilit kong kinaya dahil kailangan ako ng kambal..lalo na ni Maximo.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now