Chapter 27: Kaisa-isang patakaran

24 3 0
                                    


[Chapter 27]

Napamulat ako ng mata ko nang may marinig akong tila tinatadtad gamit ang itak. Pero parang bigla rin akong nanghina nang maramdaman ko ang pagkirot ng likod ko. May mahapdi din sa bandang leeg ko.

Ano ba ang nangyari? Nakatulog ba ako?

Nagulat ako nang hindi ko maigalaw ang katawan ko. Saka ko lamang namalayan na nakagapos pala ako habang nakaupo sa isang silya. Mabilis akong nag-angat ng tingin ko kahit mas lalo pang humapdi ang nasa leeg ko. Tila may sugat ito na lumalala sa bawat galaw ko.

Patag na dingding ang bumungad sa akin. May mga dugo itong halos tumigas na. Sunod kong inilibot ang tingin ko at puro dugo ang nasumpungan ko.

Nasa basement pa rin ako. At nakabukas na ang mga ilaw.

Pero bakit ako nakagapos? Ano ba kase ang... may humampas sa akin!!

"Tens," tawag ko kay Tens at sinubukan siyang hanapin sa paligid ko.

Sinubukan ko ring lumingon sa likuran ko na pinanggagalingan ng tunog na tila naghihiwala ng karne at nagtatadtad ng buto. Pero hindi ko na nakayanan pa dahil ramdam kong lumala na ang hapdi sa leeg ko at kumikirot na rin ito.

Sino 'yong humampas sa likod ko kanina?

Nahuli ba kami ng pamilya namin? Nasaan si Tens?!

"Gising na ang susunod na taga-pamahala," salita mula sa likod ko na nagpatigil sa akin. Natigil din ang ingay mula doon.

Sunod kong narinig ang mga yabag na papalapit sa akin. Wala akong magawa kundi ang kabahan, dahil hindi ako makagalaw sa pagkakaupo at pagkakagapos.

Pero... bakit nandito siya? Siya ba ang humampas sa likod ko? Nahuli nga ba ako ng pamilya ko? Nandito ba sila? Kasama ba ng babaeng ito ang mga magulang ko?

Nagitla ako nang hawakan niya ang balikat ko at pwersahang pinaikot paharap sa kaniya. Muntikan pa akong matumba dahil pati mga paa ko ay nakagapos sa paa ng silya.

Pinanlisikan ko siya ng mata nang maiharap na niya ako sa kaniya. Hindi ko rin magawang sulyapan ang ginagawa niya kanina sa likuran ko dahil namamayani ngayon sa akin ang galit.

Tama ako. Nakakapagtakha talaga ang iginagalaw niya nitong mga nakaraang araw.

"Amanda,"

Hindi niya talaga intensiyon na iligtas ako noong gabing iyon. Naroon siya dahil mukhang balak din akong patayin. Siguro ay matagal na siyang nagmamatyag sa laro. Isa rin sa ipinagtakha ko ay kung paano niya nalaman na nasa gitna kami ng kakahuyan. Napakalawak ng Laveste School.

Noon pa man, naghihinala na ako sa kaniya. Mula noong nahuli siyang umuwi katulad namin ni Tens. Wala rin siyang maayos na idinahilan noon. Sunod ay iyong may tulak-tulak siyang 'cart' na natatambakan ng basura. Hindi niya iyon trabaho kaya nakapagtatakhang ginawa niya iyon. At ang huli ay iniligtas niya ako. Pinauwi lahat ng estudyante, kaya bakit siya naroon?

Maliban na lamang kung...

"Ikaw ba ang pumatay sa mga kaklase ko?" galit kong tanong kay Amanda. Nakatayo lamang siya sa harapan ko habang may ngisi sa kaniyang labi na ikinaiinis ko.

Masyado kong pinagkatiwalaan ang inaakala kong kabaitan niya. Nakatago pala doon ang tunay niyang pagkatao. Akala ko sa laro lang hindi pwedeng magtiwala. Sa mga taong nakapaligid din pala.

"Masyado tayong maaga para diyan," tugon sa akin ni Amanda na mas lalo kong ikinainis. "Hindi mo ba itatanong kung nasaan ang kababata mo? Ang mga magulang mo?" dugtong pa nito na ipinagtakha ko.

Trust No OneWhere stories live. Discover now