Chapter 16: Student Versus Teacher

13 3 1
                                    


[Chapter 16]

"Isang malaking pagkakamali ang pagkontra mo sa pamilya mo, Emerald." nakangising wika sa akin ni Jewel at dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin.

Muli naman akong napaatras sa hindi ko malaman dahilan. Ang bilis na ng pintig ng puso ko.

Siguro tama nga siya. Baka hindi talaga ako pinagkakatiwalaan ng pamilya ko. Baka alam nila ang ginagawa ko kapag nakatalikod sila.

Pero mali ito. Ang pag-atras ay isang kaduwagan. Ano naman ngayon kung maari niya akong patayin? Baka may nakakalimutan siya?

Tumigil ako sa pag-atras dahilan para kunot-noo rin siyang tumigil sa paglapit sa akin. Ngumisi ako sa kaniya dahilan para mas lalong magtakha ang mukha niya.

"Baka nakakalimutan mo Jewel. Maaari din kitang patayin kung nanaisin ko." nakangisi kong sabi sa kaniya. Ako naman ngayon ang humakbang palapit sa kaniya at siya naman itong napapa-atras.

Sadyang napakabilis mabaliktad ang sitwasyon.

"'W-wag kang magmatapang!" sigaw sa akin ni Jewel kaya napatigil ako. Hindi sa nasindak ako pero nakakatawa ang itsura niya. Tila ako ang naging masama at siya naman ang naaapi.

"Hindi ako nagmamatapang. Hindi mo ako kilala Jewel. Ang sa tingin mong mahina, minsan mas demonyo pa sila sa demonyo." seryoso kong sabi sa kaniya.

Naiipit na ako sa sitwasyon. Nakakasawa din naman maging mabait. Wala silang tiwala sa akin? Fine. Kung gusto nila, sasabay na ako sa daloy ng laro. Pero hindi ibig-sabihin non na titigil na ako sa paghahanap ng butas para maitigil ang gawain ng pamilya ko.

Sa larong ito, sa sitwasyon na ito, pamilya ko ang kauna-unahan kong kalaban.

"'Wag mo akong subukan. Tandaan mo, Isa pa rin akong Laveste." wika ko pa kay Jewel at tumalikod na sa kaniya. Bago pa man ako humakbang para magpatuloy sa paglalakad ko ay muli akong nagsalita. "Nabibilang pa rin ako sa pamilya ng kinikilala mong demonyo. Dumadaloy ang dugo nila sa dugo ko."



Humugot ako ng isang malalim na hininga matapos kong linisin ang kamay ko. Tumingin ako sa repleksiyon ko mula sa malaking salamin ng comfort room.

Paano ko ba matatapos ang laro? Ni hindi ko alam kung paano simulan. O kung may magagawa nga ba ako.

Kumuha ako ng tissue na nasa tabi at pinunasan na ang kamay ko. Lumapit ako sa trash can na nasa loob ng palikuran at itinapon doon ang tissue. Pwersahan kong naisara ang takip nito dahil na rin siguro sa galit at inis. Gumawa iyon ng ingay na namayani sa loob.

Hahakbang na sana ako para lumabas nang may masinghot akong hindi nagustuhan ng pang-amoy ko. Mabilis akong napatakip sa ilong ko dahil nakakasuka ang amoy nito.

Ang lansa!

Mabilis na bumalik ang tingin ko sa trash can na nasa tabi ko pa rin. Inilibot ko pa ang paningin ko sa loob pero malinis naman at walang bagay na nakakapagtakha para panggalingan ng amoy. Maliban lang talaga sa trash can.

Dahan-dahan akong humakbang palapit doon at unti-unti kong ini-angat ang takip nito. Bumungad sa akin ang mga tissue at mas lalo kong naamoy ang malansang amoy na hinahanap ko. Langya! May gumamit ba ng tissue pampahid sa dalaw nila?

Halos mapuno na ang  tambakan ng basura. Wala naman akong nakikitang mantsa sa mga tissue. Punit-punit at nilakumos lang ang mga ito.

Napapikit ako dahil sa kaba. Buong tapang kong ipinasok ang kamay ko sa tambakan ng basura at kinalkal iyon. Nanlaki ang mata ko nang may makita akong pula sa pinakaloob.

Trust No OneWhere stories live. Discover now