Chapter 14: Dagger to Dagger

11 3 10
                                    


[Chapter 14]

"Wear this."

Saglit na itinigil ni Tens ang sasakyan niya para iabot sa akin ang hoodie jacket na kinuha niya mula sa backseat ng kaniyang sasakyan.

Tinanggap ko naman iyon dahil kanina ko pa hindi nakakayanan ang lamig.

"Thanks," maikli kong tugon at mabilis na isunuot iyon.

Kanina pa nagmamaneho si Tens at pakiramdam ko hindi pa dapat ako makauwi. Nagboluntaryo siyang ihatid ako sa bahay dahil mukhang wala nang susundo sa akin. Matapos ang nangyari sa Laveste School, pakiramdam ko lumabas ang tapang ko. Mas lalo akong naging uhaw sa pagtatapos ng laro dahil may mga inosenteng nadadamay.

Grabe! Talagang pinanindigan na ng pamilya ko ang pagiging demonyo nila! Ang akala ko, tanging mga illegal na transaksiyon na lamang ang pinagkakaabalahan nila. Hindi ko akalain uulitin nila ang pagbebenta ng... lamang-loob ng isang tao!

May parte sa akin na ayaw umuwi sa bahay. Pero may nanghihila din naman sa akin na kailangan kong umuwi. At Isa pa, gusto ko ring alamin kung totoo ba na nagtatrabaho si Ms. Aira sa pamilya Laveste kung ang usapan ay tungkol sa mga illegal na gawain. Pero bakit hindi ko man lang siya nasusumpungan sa loob ng mansyon ng pamilya Laveste? Sa pagkakaalam ko, palaging nagtutungo doon ang mga alagang hayop ng pamilya ko para magsumbong.

Tsk! Nag-iingat ba siya? E' sa ginawa niyang pag-iwan sa amin sa loob ng impyernong paaralan na iyon ay sapat nang ebidensiya na nasa ilalim nga siya ng pamamahala ng pamilya ko.

Isa pa itong taong nasa tabi ko. Nagtatakha talaga ako sa mga nalalaman niya. Aware ako na traydor siya pero... basta. Hindi ko maipaliwanag. Bakit ang dami niyang alam? Samantalang ako, wala.

"Saan mo nalaman ang lahat ng nalalaman mo?" tanong ko kay Tens pero nanatiling nasa labas ang tingin ko.

Alam kong alam niya na hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Pero natatakot pa rin ako na malaman niyang isa siya mga maaaring makalaban ko sa oras na gumalaw na ako para ilaglag ang pamilya ko. Parati niya akong pinipigilan. Pakiramdam ko tuloy, ayaw niya na matapos ang laro.

Kontrolado na rin ba siya ng pamilya ko?

"Nakakatawa, hindi ba?" tanong niya sa akin dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya na parang nakarinig ng isang biro.

Hindi ako nagsalita at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"Parang kahapon lang, naglalaro tayo sa bakuran niyo at masayang nagtatawanan. Imagine, in just a snap of a finger, nakikipaglaro na tayo kay kamatayan." natatawa pa rin niyang sabi.

Biglang nawala ang kunot ng noo ko at napatingin na lang din sa daan na tinatahak namin. Sobrang dilim at walang katao-tao. Walang kinalaman ang mga sinasabi ni Tens sa tanong ko pero nakaramdam ako ng lungkot sa mga tinuran niya. Tila isa iyon ala-ala na biglang sumagi sa mga puso namin na siyang nagdala ng lungkot.

Kung sakaling naging iba ang pamilya at buhay namin, magtatagpo pa rin kaya ang mga landas namin? Magiging masaya kaya kami bilang magkaibigan?

Hayst! Ang hirap din palang mangulila sa mga masasayang pangyayari noon na sinira ng pagbabago ng daloy ng panahon.

"Remember? Wala tayong pakialam noon sa mga tao at mga pangyayari sa paligid lalo na ang tungkol sa pagtitiwala, pero ngayon..." Itinigil ni Tens ang sasakyan niya sa gilid ng daan at pinatay ang makina nito. Maging ako ay napatigil sa pag-iisip nang marinig ko ang salitang 'pagtitiwala'."

Tumingin ako sa kaniya at sakto din na napatingin siya sa akin. Magkahalong lungkot at galit ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Ngayon, hindi na natin pwedeng pagkatiwalaan ang isa't-isa," wika niya at hindi pa rin pinuputol ang tinginan namin.

Trust No OneWhere stories live. Discover now