Chapter 11: Crime in water well

10 3 0
                                    


[Chapter 11]

Mabilis kaming bumalik ni Tens sa classroom kung saan naabutan namin ang mga kaklase namin na tutok na tutok sa TV screen ng silid namin. Ito naman ngayon ang naka-on. Naglakad ako papunta sa gitna at pinilit sumiksik sa mga kaklase ko na halos dumikit na sa TV screen.

Nasa taas ito ng pisara kaya tumingala ako at pinagmasdang mabuti ang nasa screen. Lahat kami ay nakakunot ngayon ang noo. Isang balon ang nakikita mula sa screen. Walang katao-tao sa paligid. Pero may narinig kami roon na mahinang ungol. Tila nakikiusap ng tulong ang ungol na iyon. May lubid sa bukana ng balon na konektado sa loob nito.

Napaatras kaming lahat nang sunod na lumabas sa screen ay isang babae na may busal sa bibig. Nakagapos ito at nakabitin ng patiwarik. Maliwanag sa itaas ng babae at nalalaman mo kaagad na nasa loob ng balon ang camera na siyang tila nag-aabang sa estudyanteng babae.

"Denni!!" umiiyak na tawag ng isa sa kaklase ko sa babaeng nasa screen. Gusto nitong hawakan ang kaibigan niya pero hindi niya magawa.

Ang malakas na paghagulgol lamang ng babae na sigurado akong kaklase namin ang tanging naririnig sa paligid. Dinig na dinig din ang pagtilamsik ng tubig sa tuwing pumapatak ang luha ng kaklase namin. Kita ang takot at pagmamakawa sa mata ng kaklase namin. Maraming dugo sa mukha niya at halos maging pula na ang puting panyo na nasa bibig niya.

Kasabay ng pagpatak ng dugo niya mula sa camera ay ang pagkamatay ng TV screen. Napuno ng bulungan ang silid namin at karamihan sa mga kaklase ko ay tinatanong sa isa't-isa kung ano nangyayari. Gusto kong magsalita, baka sakali na maliwanagan naman sila. Pero iniisip ko ang maaaring mangyari kapag nalaman nila na pamilya ko ang nasa likod nito. Sa akin nila isisisi ang lahat.

Sino ba ang gumawa nito sa kaklase namin? Tauhan ba ng Laveste?

Kaagad kong inilibot ang tingin ko nang bigla kong naisip ang isang pangalan. Pangalan na maaaring nasa likod ng nagaganap ngayong oras na ito. Tumigil ako sa paglilibot ko ng tingin ko nang mahagip ng tingin ko ang taong hinahanap ko. Kung naririto si Jewel, wala siyang kinalaman sa nangyayari. Wala naman siyang kakaibang gumagalaw. Ngunit hindi iyon magiging dahilan para kalimutan ko na mayroon siyang ginagampanan sa larong ito. At siya rin ang dahilan kung bakit namatay si Sean.

Lumapit sa akin si Tens at nagsiupo naman ang mga kaklase namin na mababakas ang takot sa mga reaksiyon nila.

Muli akong napa-isip. Hindi muna importante kung sino ang nagdala sa kaklase namin sa balon na iyon. Ang kailangan naming malaman ngayon ay kung saan maaaring matagpuan ang balon na iyon.

Napatingala ako nang biglang gumawa ng ingay at muling bumukas ang TV sa silid namin. Maging ang mga kaklase ko ay muling lumapit sa harapan para tingnan kung ano na naman ang magpakita sa screen. Naging itim muli ang buong screen pero hindi iyon mamamatay. May gumuhit doon na mga salita na tila may nagsusulat lamang.

' Hanapin niyo ako. Sa lugar na may tubig, tahimik ang paligid. '

Napatingin ako kay Tens nang muli na namang mamatay ang TV screen at mawala doon ang mga salita. Alam ko na lahat kami ay mayroong ideya kung kanino nanggaling ang mensaheng iyon.

"Tens, hanapin natin siya." Sabi ko kay Tens dahil maging ako ay nakakaramdam na ng takot. Kung hindi namin hahanapin ang balon na kinaroroonan ng kaklase namin, may mamamatay na naman sa klase namin.

Hindi ako sinagot ni Tens at nanatili lamang siyang nakatingin sa akin. Inaasahan ko na hindi niya ako pagbibigyan sa kahilingan ko pero kaagad siyang humarap sa mga kaklase namin.

"Lahat maghanap! Tingnan natin lahat ng balon sa campus. At tiyakin ninyo na walang makakakita sa inyo, sa atin!" anunsiyo ni Tens na sinang-ayunan ng karamihan. May iba na hindi makapaniwala na lalabas kami ng silid sa kabila ng banta sa seksiyon namin at ang iba ay napatayo pa dahil sa inis.

Trust No OneWhere stories live. Discover now