Chapter 9: Missing Bodies

15 2 0
                                    


[Chapter 9]

' Isa pa, sa larong ito ay legal ang pagpatay.'

Napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok at pumikit. Kanina pa hindi mawala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Tens. Alam ko na kayang pumatay ng pamilya ko. Magbenta nga ng lamang-loob ng kabataan nakakaya nila.

Ang hindi ko lubos akalain ay nabibilang ako ngayon sa larong gawa nila. Sa laro na legal ang pagpatay.

Hindi ko hawak ang buhay ko habang lumilipas ang oras ko kasama ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung maari ko ba silang maging kakampi. Sigurado ako na kapag nalaman nila ang tungkol sa nangyayari, maaaring ako ang uunahin nilang patayin. Pamilya ko ang mga taong naglalagay ng buhay nila sa kapahamakan.

Wala akong maaaring pagkatiwalaan. Hindi ko din alam kung mapapanatag ako kay Tens. Nalalaman niya ang paglabag ko sa mga kagustuhan ng pamilya ko pero hindi niya ako sinusumbong. Pero isa lang ang nararapat kong gawin, hindi ko din siya dapat pagkatiwalaan. Si Jewel, isa siya sa mga dapat na layuan. Kapag nalaman niya na hindi ko gustong gampanan ang tungkulin ko bilang traydor sa laro, nakatitiyak ako na ibibilang niya ako sa mga manlalaro na maari niyang patayin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa naging dahilan ni Jewel para patayin si Sean. Nagselos lang siya. Napakababaw na dahilan para kumitil ng buhay. Isa pa, si Trisha. Namatay siya dahil may koneksiyon sila ni Sean. Nadamay pa ang dalawa naming kaklase.

Maaaring si Jewel din ang pumatay kay Trisha. Kaso... kasama namin siya noong namatay si Trisha sa pamamagitan ng sundang (dagger). Napaka-imposible na naihagis ni Jewel ang sundang sa ganoong kalayo. At kung gagawin niya iyon, panigurado na may makakapansin sa kaniya.

"Nawawala daw ang katawan nila Trisha."

Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang sinabi ng kaklase ko. Kausap niya ang katabi niya at bakas sa mukha nila ang takot.

"Ano bang nangyayari? Bakit hindi nila isumbong ito sa mga pulis?" natatakot na tanong ng isa sa kasama niya.

Hindi ko alam kung kailangan ko pang pakialam ang narinig ko. Iniisip ko lamang kanina na kailangan kong mag-ingat pero ito na naman ako at nagpapahila dahil sa kuryosidad.

Tumayo ang lumapit sa gawi nila. Nagulat pa sila nang napansin nila na tumayo ako sa harapan nila. Pareho silang napayuko at dumustansiya sa isa't-isa.

"Paano nawala ang katawan nila Trisha?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna sila bago nila ako hinarap at sinagot.

"Hindi namin alam. Nalaman lang namin sa mga kaklase natin. Nawawala daw ang katawan nila Trisha na inilagay natin kanina sa abandonadong gusali." sagot sa akin ng isa sa kanila.

Bigla akong napa-isip sa sagot niya. Imposible na mawawala iyon, maliban na lamang kung may kumuha. Pero... sino naman ang magkakainteres sa bangkay?

Bumalik ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko. Wala naman kaming guro at wala akong pakialam kung mawawala ako sa klase. Nasa panganib na rin naman ang buhay namin. Walang masama kung tuklasin ko ang mga bagay na dapat ay matagal ko ng nalalaman. Siguro ay oras na para humanap ng butas ng pamilya ko. Kailangan na mawakasan na ang kahibangan nila.

Baka sila rin ang kumuha sa katawan ng mga kaklase namin. Kung kaya kailangan kong alamin kung talagang nawawala ang mga iyon. Tsk! Hindi pa ba sapat na ilagay nila sa kapahamakan ang buhay namin? Anong gagawin nila sa mga katawan?

Lumabas ako ng classroom namin at iniwan doon ang mga kaklase namin na takot na takot. Sinabihan kami kanina ni Ms. Aira na manatili lamang sa classroom habang nagpaalam naman siya na may pupuntahan. Hindi namin alam kung ipinaalam ba niya ito sa lahat pero ilang oras na kaming nasa classroom ay wala pa rin kaming nababalitaan na may mga pulis ngayon sa campus para imbestigahan ang nangyari.

Trust No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon