Chapter 4: Sean Mendez

26 3 4
                                    


[Chapter 4]

Napayuko ako nang sinundan kami ng tingin ng mga kaklase namin maliban kay Jewel kuno na wala pa rin sa kaniyang sarili at nasa kawalan ang kaniyang tingin.

Wala pa rin akong naiintindihan sa mga sinabi ni Tens sa akin. Kung sino si Sean? Anong laro ang sinasabi niya?

Tuluyan akong hinila ni Tens palabas ng classroom namin. Gusto ko mang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa dahil na rin sa kabang nangingibabaw sa akin. Kinakabahan ako sa malalaman ko pero alam kong hindi naman ako mapapakali kapag hindi ako makikinig sa kaniya.

Iniisip ko din si Jewel. Kung totoo na may pinatay siya, bakit hindi nagsalita si Tens at ipaalam ito sa lahat?

"May alam ka bang tahimik na lugar?" tanong sa akin ni Tens pero patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Sasagutin ko na sana siya nang bigla kaming mapatigil at sabay na tumingin sa aming likuran. Lumabas ang mga kaklase namin mula sa classroom at tumatakbo sila papunta sa kabilang bahagi ng pasilyo, na siyang umagaw sa atensiyon namin. Nakita ko sa unahan si Jewel na mukhang siyang hinahabol nila.

Napatingin ako kay Tens na nakakunot ngayon ang noo at nasa nagtatakbuhang mga kaklase namin ang tingin. Napalingon ulit ako sa mga kaklase namin. Isinisigaw nila ang pangalan ni Jewel. Naglalabasan na rin ang ibang mga estudyante dahil sa ingay na ginagawa ng mga kaklase namin.

"H-hindi ba tayo susunod sa kanila?" tanong ko kay Tens at tumingin sa kaniya.

Napatingin naman siya sa akin. Umawang ng kaonti ang labi niya para sana magsalita. Mabilis niyang itinikom iyon at hinila ako papunta sa direksiyon na tinahak ng mga kaklase namin.

Sinundan lamang kami ng tingin ng mga estudyanteng nagtatakha kung anong meron sa klase namin. Gustuhin man nilang sumama kung saan kami patutungo, may guro naman na pumipigil sa kanila.

Mabilis ang bawat lakad namin ni Tens. Bumaba kami sa ground floor. Tagaktak na ang pawis ko, magkahalong kaba at takot.

Paminsan ang pagsulyap ko sa kasama ko na nakahawak ngayon ng mahigpit sa kamay ko. Na may alam din na pumatay si Jewel. May parte sa akin na hindi naniniwala sa kaniya, pero nakakaramdam ako ng takot sa presensiya niya. Halos kasama ko na siya mula pagkabata. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot sa kaniya.

"Ano man ang malaman o makita mo, ipapaliwanag ko sa'yo lahat." sabi ni Tens habang nagpapalingon lingon sa paligid namin.

Hindi ako nagsalita at nanatili lamang na nakasunod sa kaniya.

Lumabas kami ng school building namin. Mabilis na nahagilap ng paningin namin ang mga kaklase namin na tumakbo patungo sa likuran ng isang school building, may kalayuan sa kinatatayuan namin. Patakbo kaming nagtungo roon ni Tens at dumarami na rin ang mga estudyanteng naaagaw namin ang atensiyon. Maging ng mga guro ay nag-uusap usap na rin tungkol sa nangyayari sa amin. May tinatawagan sila mula sa kanilang mga telepono at mukhang tumatawag na ng gwardya.

"Nakakaagaw na tayo ng atensiyon!" singhal ko kay Tens at inilibot ang tingin ko sa paligid habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo.

"Don't mind them. They know nothing." sagot sa akin ni Tens.

Biglang naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Pwersahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kunot noo naman siyang napatigil sa paglalakad at tumingin sa akin.

Trust No OneWhere stories live. Discover now