Chapter 23: TRAYDOR

6 3 5
                                    


[Chapter 23]

EMERALD

"Since ang tatlong traydor na lamang ang natitira, tapusin na natin ang laro," wika ni Ms. Aira na nagpasiklab ng kaba sa akin. "Masyado nang maraming paligoy-ligoy. Ang gusto ko walang matira." dugtong pa nito na tila nagpaulit-ulit sa pandinig ko.

Napayuko na lamang ako dahil sa takot at pagkadismaya. Desperado akong makaligtas sa laro pero ayaw kong gamitin ang kaisa-isang paraan upang makaligtas ako.

Sa katunayan ay may pagtatakha rin ako sa iginagalaw ni Ms. Aira. Panigurado na patay na ngayon si Francis. At kung ganon ay kaming tatlo nila Jewel at Tens na lamang ang natitira. Ang natitirang traydor sa laro. Pero bakit tila hindi pa tapos ang laro. Nabibilang na nga ba kami sa mga manlalaro na maaaring patayin upang pagkakitaan?

"Sigurado akong patay na si Francis! Natapos na ang laro. Let us go!" wika ni Jewel na may halong inis sa kaniyang boses. Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Naiisip din pala niya ang naiisip ko.

Sunod akong napatingin kay Ms. Aira na nakangiwi ngayon kay Jewel na pilit nagpupumiglas sa tali na nakagapos sa kaniya.

"Hindi niyo ba ako narinig?! Ang sabi ko, walang matitira!!" galit na sigaw ni Ms. Aira na tila sumira sa pandinig ko.

"Pero mga tray---"

"Boss!!" sigaw ng dalawang tauhan ni Ms. Aira habang tumatakbo at siya ring nagpatigil sa pagsasalita ni Jewel. Mabilis ang bawat takbo ng mga ito na tila kinakabahan. Habol nila ang kanilang hininga nang makarating sila sa kinaroroonan namin.

"Nasaan si Francis?!" pasigaw na tanong ni Ms. Aira sa mga ito. Hindi naman kaagad nakapagsalita ang dalawa at napayuko na lamang habang patuloy pa rin sa paghabol sa kanilang paghinga.

Parang bigla naman akong nabuhayan ng loob ko nang pumasok sa isipan ko na maaaring nakaligtas si Francis. Kung magkatotoo man ang iniisip ko, sana ay 'wag niya kaming kalimutan na balikan.

"Iyon na nga boss---"

"Ano na naman bang katangahan ang ginawa ninyo?!!" muling sigaw ni Ms. Aira sa dalawang tauhan na nakayuko sa kaniyang harapan. Bigla ring tumikom ang bibig ng isa sa kanila at napatigil sa pagpapaliwanag.

"Boss hindi namin siya naabutan," saad ng isa na mas lalong nagpa-init sa ulo ni Ms. Aira dahil napansin ko na napahawak pa ito sa kaniyang ulo.

Muli na naman sanang sisigaw si Ms. Aira para pagalitan ang kaniyang mga tauhan nang biglang tumawa si Jewel na siyang umagaw sa atensiyon naming lahat. Tumingin ito ng masama kay Ms. Aira at sunod sa akin.

"Nakatakas siya!! Katapusan na ng pamilya Laveste!! Humanda kayo!!" sigaw nito sa amin at muli niyang sinundan ng tawa.

"Tandaan mo, kabilang ka sa laro. Isa ka pa ngang traydor na may mga pinatay, hindi ba?" tanong ni Tens na may halong pandidiin. Bakas sa kaniyang boses ang pagkainis.

Bigla namang napatigil sa pagtawa si Jewel at sunod na tiningnan ng masama si Tens.

"Si Sean lang ang pinatay ko!!" saad ni Jewel na ipinagtakha ko.

"What do you mean?" nagtatakha rin na tanong ni Tens.

"Hindi ako ang pumatay sa mga kaklase natin!" sagot ni Jewel na nagpakunot ng noo ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya pero parang nagsasabi siya ng totoo. Maliban sa amin ni Tens, si Jewel na lang ang traydor na pwedeng pumatay sa mga kaklase namin.

Dahil sa pagtatakha ay dahan-dahan akong napalingon kay Tens na nasa kaliwa ko. Hindi kaya...

"Hey, hindi ako. Magkasama tayo araw-araw, 'di ba? So how can I kill them? And you know I don't kill," pagtatanggol ni Tens sa sarili niya na parang alam ang nasa utak ko.

Trust No OneWhere stories live. Discover now