"Ang mga bata talaga ngayon, mapupusok." Tumawa si Sir Gil na para bang isang magandang biro 'yon, masyado tensyonado ang lahat ng panig kaya walang natawa. Agad naman siyang sinuway ni Madame Phely.

"I know that you both knew where you two going. Alam n'yo kung para saan ang dinner na ito, para ipakilala kayo sa isa't-isa."

Bigla ay bumigat ang dibdib ko sa sinabi ni mommy.

"But what you did earlier is. . . " umiling si Mommy at nagpakita ng disgusted face. Para matapos ay ako na ang nagsalita.

"What happend earlier was an accident, if you think of something na malaswa—"

"Serene, be careful with your words!" mariing banta sa 'kin ni Mommy. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy.

"Wala pong kababalaghan na nangyari, I was. . ." Tumingin ako kay Prine. "Nag-aasaran lang po kami ni Prine, kinuha niya kasi ang singsing ko kaya inagaw ko. And we both fell on my bed." I told them the truth, ako na ang nagsalita dahil walang balak magsalita ang katabi ko. Pasimple kong inirapan si Prine bago bumaling sa ibang direction.

My mother seemed relieved of what I said, natawa naman si Sir Gil.

"I guess you two both knew each other right? Nasa pareho kayong school. At sabi mo kanina Serene, nag-aasaran? Does that mean you two are close to each other?" my daddy asked.

I almost vomit of what he said, close? For Pete's sake! I saw him as an enemy not a close friend!

Naghintay ng sagot si Daddy kaya tumango na lang ako.

Mabuti na lang at agad kong nalinis ang pangalan ko sa nagyaring iyon. Pagkatapos noon ay pinag-usapan na nila ang tungkol sa engagement.

Wala akong ganang makinig kaya nagbingi-bingihan na lang ako. Isa pa iritado ako sa katabi ko.

"Starting next month you two will start dating. Para naman mas magkakilala kayong dalawa, and para sa publicity. So, when the time comes na ikakasal na kayong dalawa, walang maghihinalang fix marriage dahil bata pa lang ay magkasama na kayo."

Muntik na akong mapairap sa sinabi ni mommy, pinigilan ko lang. Gusto kong magprotesta pero alam kong hindi ito ang tamang oras.

Oh, goodness! Bigla kong naalala ang plano ko, paano na iyon matutupad kung ito pala ang ipapakasal nila sa 'kin!

Pakiramdam ko ay may tumusok sa dibdib ko nang may maalala.

Hindi ka nga niya pala gusto Rose, ipinamukha niya 'yon sa buong campus. Kaya be confident, hundred percent walang kasalanan na magaganap.

We both don't. . .  like each other.
We both? O siya lang itong may ayaw sa 'kin?

Marami pa silang pinag-usapan pero nawala na ang tainga at utak ko para makinig at mag-comprehend. Pagod na pagod na ako sa araw na 'to.

Kinabukasan ay nagising ako sa katok ni Tine. Hinatid niya lang ang breakfast ko pagkatapos ay umalis na. Malamig pa rin ang trato ko sa kanya,  what she did scarsed my heart deep.

I did my morning rituals before going out of the house. Kumunot ang noo ko nang makitang wala ang sasakyan ko at wala rin si kuya Ryan.

Babalik na sana ako sa loob para magtanong nang matanaw ko ang paparating na hindi pamilyar na kotse.

Hindi na ako nagulat nang makitang si Prine ang nagmamaneho, ang ikinagulat ko ay ang kotse niya. Hindi ko pa ito nakita sa parking lot before, may kotse pala siya bakit siya nagko-commute?

Umirap lang ako at hindi na umapela, I know this is one of my parent's antics.

Buong byahe ay tahimik lang ako, nakatingin sa bintana at walang balak magsalita. Mukhang ganoon din naman si Prine.

Kung marunong lang akong mag-commute, kanina pa ako bumaba sa sasakyan na ito. Takot ko lang na ma-hold-up ulit.

Nang nasa entrance na kami ng Love Academy ay nagsalita na ako. "Stop the car," I coldly said.

Kunot-noo siyang tumingin sa 'kin, hindi pa rin tinitigil ang sasakyan.

"I said stop the car!" singhal ko, ang kotse niya ay nasa gitna na ng arko kung saan may nakasulat na "Louise Vellomina Academy."

"Bakit ka bababa? Mag-cu-cutting ka?" akusa niya sa 'kin. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Bababa ako dahil ayokong may makakitang magkasama tayo. Anyways, huwag mo munang ipagkalat sa campus ang tungkol sa engagement. Hangga't maaari ayaw kong madikit ang pangalan ko sa 'yo."




Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on IG:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now