I hate him more!

"You're so beautiful hija!" Nakuha ang attention ko nang magsalita ang Ginang. She's also sophisticated looking but with softer features than my mom. Base on her presence and her feature, she's Prine's mother. A very beautiful wife in her age, agad kong nakita ang pagkakapareha nila ni Prine.

Sinuklian ko ng pagbati ang ginang at pinakilala ang sarili. Kahit wala na sa wisyo ay mabuti na lang nagawa ko pa ring mag-function dito.

"Such a lovely girl," Madame Phely complimented me, ang mama ni Prine. Binati ko rin ang daddy niya bilang respito. Nagkatitigan lang kami ni Prine at hindi na naging plastic sa isa't-isa. Napansin 'yon ni mommy kaya pinandlatan niya ako ng mata. Lumayo naman ako kay Prine para walang magtulak sa 'kin na batiin siya.

I was silent the whole time until we settled down. Sa magkabilang kabisera naka-upo si daddy at si Sir Gil, ang daddy ni Prine. Katabi ko si mommy, kaharap ko naman si, Madame Phely na katabi si Prine.

Tahimik lang ako hanggang sa magsimula na kaming kumain, hindi ako makakain nang maayos knowing na nasa iisang lamesa kami ni Prine.

Alam kong anytime ay pag-uusapan na ang engagement but I was surprised na natapos na lang kaming kumain ay hindi pa rin napag-uusapan.

"Mommy aakyat lang ako sa kwarto para magpahinga saglit, I'll be back," paaalam ko kay mommy, mabuti na lang at pinayagan niya ako.

Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago tumayo, maging ang paghatid ng tingin ni Prine sa 'kin ay hindi nakalampas sa 'kin.

Nang makawala ako sa kanila ay agad akong nakahinga nang maluwag, I felt so suffocated.

Umakyat ako sa kwarto ko at inisip ang lahat, pakiramdam ko ay panaginip ang lahat ng ito. Hindi kayang tanggapin ng utak ko.

Pumikit ako nang mariin at umiling, pakiramdam ko ay may nagsindi ng apoy sa dibdib ko dahil unti-unti akong nakaramdam ng galit.

Pagdilat ko ng mata ay agad na tumama ang paningin ko sa binagsak kong school bag sa kama, mas lalong nagninggas ang galit na umu-usbong sa sestima ko nang makita ang plastic ring na ginawa kong key chain.

Ang plastic ring na 'yan ay galing daw sa fiancé ko. He gave that to me on my 18th birthday.

Ibig sabihin alam na niya ang lahat since June pa? I really felt betrayed!

Hindi ko na alam ano pang mararamdaman sa kanya, pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako ng lahat.

Kinuha ko ang plastic ring sa pagkakasabit sa bag ko. Tinititigan ko ito nang may kumatok sa pinto ko. Malamang ay kasambahay ito, pinapatawag na ako.

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napa-atras sa gulat. My eyes widened and my jaw dropped.

"A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong ani. Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso sa lakas ng pintig nito.

Tuloyan siyang pumasok sa kwarto ko at agad na nilibot ang tingin sa puros light pink na mga gamit ko.

"Wala kang karapatang pumasok sa kwarto ko! Lumabas ka rito, magsusumbong ako!" I harshly said. His gaze landed on me, hindi ko alam kung nag-i-ilusyon lang ako pero nakita ko ang aliw sa mga mata niya.

"I got permission from your parents." Mas lalo akong nag-panic sa sinabi niya.

"Well, you don't have my permission kaya lumabas ka rito," pagtataboy ko. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong plastic ring kaya ganoon din ang ginawa ko. Sinamaan ko siya ng tingin nang ibalik niya sa 'kin ang mga mata. Bahagya ko namang itinago sa likod ko ang dala.

"Sa umpisa pa lang alam mo na ang lahat ng 'to?" I can't stop myself anymore, bitterness was obvious on my voice.

His cold stare pierce in me, pakiramdam ko ay may pumitik sa puso ko. It sent shivers down my spine.

"And as if you knew nothing from the start?" he asked as if mocking me. Kinabahan ako nang humakbang siya palapit sa 'kin. Kita ko ang galit sa titig niya na hindi ko alam kung para saan.

Nang dalawang hakbang na lang ang layo niya sa 'kin ay doon na ako natauhan. My heart is beating so fast sa ginagawa niyang paglapit, sinabayan ko ang paghakbang niya nang pag-atras. Pakiradam ko ay aatakihin ako, what is he doing!








Yanna Hearts
Comment/Vote/Follow :L♥️

For more updates!

Follow me on Facebook:
Yanna Yan Yan Hearts

Like My Page:
Yanna Hearts WP -Ayanna_lhi

Follow Me on Twitter:
@Ayanna_lhi

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now