PROLOGUE

47 19 2
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Kindly just message me if you encounter any wrong information with regards to the disease of the Protagonist. Please bear with me, I just did some research and I don't really know if they're right. Please instead of judging me, just correct me instead through PM, in that way you can help me improve my writings. Expect grammatical and typographical errors. Thank you and enjoy reading!💙

***

"I'm sorry Mrs. Campbell, may cancer ang anak niyo." the doctor said.

"Acute Myeloid Leukemia. It is a cancer of the blood and bone marrow. This is a type of cancer in which the bone marrow makes abnormal myeloblasts, red blood cells, or platelets." pagtuloy ni Doc.

"Ano po Doc may cancer ang anak ko?! Ano pong kailangan gawin para maagapan iyon?" my Mama asked.

"Mrs. Campbell mukhang matagal na ito kaya kumalat na ang cancerous cells sa katawan niya. Bakit ngayon niyo lang po siya dinala sa hospital? Mas mapapadali sana ito kung kaagad niyo siyang nadala at natingnan namin siya nang mas maaga." sabi ng Doctor.

"Kapag nasa bahay siya Doc ayos naman po siya. Masigla at masiyahing bata. Hindi ko alam na may pinagdadaanan na pala ang anak ko." mangiyak-ngiyak na sabi ni Mama.

"Wala po tayong magagawa, dadaan siya sa intensive chemo pagkatapos po no'n ay kakailanganin ng stem cell transplant."

"I don't care about the price. Please Doc! I'm begging you pagalingin niyo po ang anak ko!" hindi na nga napigilan ni Mama ang kanyang iyak.

Nandito ako ngayon nakahiga sa isang hospital bed habang may nakasaksak na dextrose sa aking kamay. Nakikinig sa usapan nila. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan lalo na nang marinig kong umiiyak ang aking pinakamamahal na babae sa aking buhay.

Yes, I've heard everything. I have a Leukemia, a fucking Leukemia.

Bakit sa'kin pa? Bakit ako pa?

'Lord, explain niyo naman po sa akin oh. Gulong-gulo po kasi ako, ang sakit po, ang sakit na marinig si Mama na umiiyak nang dahil sa akin. I need an explanation Lord kung bakit nangyari ito sa buhay ko, please!'

Nagsisi-unahan lang sa pagpatak ang aking mga luha habang humihingi ng eksplanasyon sa Panginoon.

Narinig kong binuksan nila ang kurtinang nakatakip kung nasaan ako. Mabilisan kong pinunasan ang mga luha ko atsaka na pumikit at nagkunwaring natutulog.

Magkunwari, doon lang kasi ako magaling. Magkunwaring malakas, magkunwaring masaya, magkunwaring magaling, magkunwari sa lahat ng bagay. 

Sa pagkukunwari ko, pati sarili ko niloloko ko na pala, pati sarili ko napapaniwala ko na rin.

Kaya ngayon ay nais ko nanaman magkunwari sa kanila at pilit papaniwalain na malakas ako. Cancer lang iyan, kayang-kaya ko labanan iyan si Amari Angeli Campbell ata ito.

+++

Spending My Last Sunsets With YouWhere stories live. Discover now