"Saglit lang Rose, hindi pa ako tapos na kausapin ka." Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko kaya bahagya akong nasaktan.

"Bitawan mo nga ako!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw, agad ang baling sa 'min ng mga tao. Ang iba ay lumapit para lang panoorin ang nangyayari. "And don't call me that! Sina Lian at Mae lang ang pwedeng tumawag sa 'kin niyan."

Imbes na bitawan ay mas hinigpitan niya pa ang hawak sa 'kin, sa dami ng nanonood wala man lang nagbalak na umawat.

She towered over me and whispered something.

"'Di ba I told you I'm not done yet? Baka nakakalimotan mong may ginawa ka sa 'kin sa harap ng office?" Nagpumilit akong bitawan niya, mabuti na lang at nagtagumpay ako.

"I don't care about what you're saying Grecel." I glared at her and immediately turned my back. I was about to walk away when she again talk.

"Diary." Natigilan ako sa paglalakad dahil sa binigkas niyang bagay.

"Mahilig ka pala magsulat sa diary Serene?" Dahan-dahan akong napatingin sa kanya dahil sa pinagsasabi niya.

My eyes immediately widened when I saw the familliar thing she's holding.
Agad akong nagimbal nang makilala ko ang bagay na 'yon. Diary.

Diary ko 'yon!

Agad akong nag-panic, paano napunta sa kanya 'yan? I'm sure I didn't bring that today in school. Sure akong iniwan ko 'yon sa bahay! Paano niya nakuha 'yan?

I slowly looked at Tine who's walking slowly towards Grecel's group. Agad akong may naisip pero ayokong mambintang, but when I looked again at Tine's eyes, I saw guilt.

Hindi 'to pwede.

"Bakit nasa 'yo 'yan?" kinakabahan kong tanong. Malalaki ang hakbang ko nang lumapit ako sa kanya para sana agawin ang diary ko pero agad niyang iniwas sa 'kin iyon.

"Ano ba 'yan Grecel?" tanong ng isang nanonood sa 'min.

"Ito?" Iwinasiwas pa niya sa ere ang diary ko. "Diary 'to ni Serene!" The laugh of mockery immediately covered the place. Akala mo naman kasalanan ang magkaroon ng ganyan.

"Anong laman? Mga crush ba niya?" Agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Grecel akin na 'yan!" Halos maiyak na ako sa sigaw. Hindi, hindi nila pwedeng malaman kung sino ang crush ko!

"Gusto ninyong mabasa ang nilalaman? Let me read one page of her scribbled funny confession!"

"Grecel ano ba!" Nagulat na lang ako nang hawakan ako nina Givanne at Archy para pigilan.

"Basahin mo Grecel!"

"Ito na!" Ngumisi sa 'kin si Grecel, ako naman ay gusto na lang maiyak sa mga nangyayari.

"Dearest Prineson Monte Amis, ayan alam ko na ang pangalan mo! I stalked you on Facebook, Twitter, Google, Instagram, pati YouTube! Grabe ang gwapo mo sa isa mong interview doon." Humagalpak sa tawa si Grecel dahil hindi na niya matuloy-tuloy.

"You're like a mysterious prince, salamat sa pagtulong sa 'kin, ah! Saka sana hindi ka na masungit sa susunod na magkausap tayo—" Natigilan si Grecel nang bigla na lang may humablot ng diary ko sa kamay niya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang ginawa ni Prine. Mas bumilis lalo ang pintig ng puso ko. Hiyang-hiya na ako sa nangyayari ngayon lalo pa sa itsura kong umiiyak.

"What is this Grecel?" aniya sa malamig na boses. Sa pagkakataong ito mas gugustohin kong huwag muna siyang sumulpot.

"Prine crush ka raw ni Serene, oh! Nakasulat sa diary niya!" Lahat sila ay nagtawanan sa sinabing iyon.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now