Tumunog ang cellphone ko. Sakto namang huminto muna ako sa traffic kaya mabilis ko 'yong nasagot. "G-Georgia, may balita na ba? Umuwi ba sila sa bahay?" Tanong ko habang sinisilip ang harap. Putek! Ba't ngayon pa sumabay ang traffic! Kung kailan naman nagmamadali ako.

"Wala sila sa bahay, Corraine. Tingin mo, nasa sementeryo sila?" Tanong niya.

Nakagat ko ang ibabang labi. "S-Sana..." Nanginig ang boses ko. "Mababaliw ako kung hindi ko sila makita ngayon. K-Kasalanan ko kasi kaya siya umalis...k-kapag may masamang nangyari sa mag-ama ko...h-hindi ko kakayanin. M-Mababaliw ako, Georgia!" Hikbi ko.

Nagpunas ako ng luha at pinindot ng ilang beses ang busina. "Traffic pa!" Suminghot ako.

"Hindi mo kasalanan, Corraine. Gusto mo lang namang gumaling siya. Alam kong naiintindihan ka ni Daniel. Gusto niya lang sigurong lumanghap ng sariwang hangin."

Umiling ako at nagpunas ng luha pero tuloy tuloy pa rin ang pagtulo no'n. "H-Hindi ko kasi siya p-pinapakinggan. Ilang b-beses na niyang sinabi na p-pagod na siya....na hirap na h-hirap na siya...pero imbes na pakinggan s-siya...nagbingi-bingihan ako." Sinandal ko ang noo sa manibela. "I-I'm just scared. Ayokong m-mawala siya, G-Georgia."

"C-Corraine..."

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa gumalaw ulit ang mga sasakyan. Mabagal lang pero mas okay na 'yon. Nakiusap naman ako kay Georgia na ayusin na ang mga dapat i-settle sa hospital kaya hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin. Sinabi ko naman na magtetext ako kapag nakita ko na sila Maxine. Which I did the moment I saw them.

Hapon na nang makarating ako ng sementeryo at wala na akong inaksayang oras. Tumakbo ako papunta sa puntod ni Maximo at napatigil nang matanaw ko ang mag-ama ko sa loob.

Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. Sa palagay ko higit tatlong oras na silang nandito kung wala silang ibang pinuntahan. I sighed heavily. Dahan dahan naman akong naglakad palapit sa kanila. Nakaupo si Daniel at nakapikit na nakasandal sa dingding habang natutulog naman sa hita niya si Maxine.

Magaan pa rin ang hakbang ko palapit sa kanila nang makapasok ako nang tuluyan sa loob. Dahan dahan akong lumuhod sa harap niya, nag-iingat na hindi magising si Maxine.

"H-Hey..." Nanginig ang boses ko. Inabot ko ang pisngi niya at marahan 'yong hinaplos.

Dahan dahan naman siyang nagbukas ng mga mata at tipid na ngumiti. "Y-You found us..." Nanghihinang sabi niya.

"B-Bakit kayo umalis, huh?" Nanginig ang labi ko.

"A-Ayokong mamatay doon. Gusto k-kong mamahinga sa bisig ng mahal ko. G-Gusto kong umuwi sa'yo."

"Bakit d-dito?"

Nilingon niya ang puntod ng anak namin. "S-Si Maximo...g-gusto kong sabihin sa kaniya na hindi na siya mag-iisa. H-Hindi na siya m-malulungkot. G-Gusto kong m-malaman niya na malapit k-ko na siyang m-makasama." Napatakip ako ng bibig at humagulgol. "N-Nakiusap rin ako na b-baka pwede niyang k-kausapin ang D-Diyos at bigyan ako ng o-oras para makasama kayo ni M-Maxine. N-Na sana hayaan niya a-akong makabawi sa'yo. A-Alam kong takot k-ka...kaya nagmakaawa ako s-sa anak natin n-na...baka...pwede niya akong bigyan ng l-lakas na alisin lahat ng takot m-mo para makaalis ako nang payapa..."

"H-Hindi ko kaya...." Iyak ko.

"Ikaw ang pinaka-matapang at matatag na b-babaeng kilala ko. N-Naniniwala akong kakayanin m-mo. H-Hindi ka naman mag-iisa dahil mananatili ako sa puso mo. M-Mahal na mahal kita, Asawa ko. I know...you're s-scared...but y-you have to let m-me go..." How can I do that? "K-Kapag dumating na ang oras ko...kailangan kong marinig sa'yo na ayos lang...n-na pwede na akong mamahinga...dahil makakaalis lang ako ng payapa k-kung papalayain mo ako........

......W-Will you let me g-go?"

Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.

Tumango ako kasabay nang tuloy tuloy na upagtulo ng mga luha ko. "I l-love you so m-much, Daniel...." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan sa labi. Sinandal ko ang noo ko sa noo niya. "I'm so s-sorry..." Hikbi ko. "H-Hindi na kita pipiliting mag-chemo ulit. J-Just....give me time...h-huwag mo muna akong iwan......" I'm begging you.

"Y-You don't have to feel sorry, A-Asawa ko..." He sighed heavily. "T-This is all my fault. I was so selfish. H-Hindi na dapat ako b-bumalik. Hindi k-ko na dapat p-pinilit na bumalik sa buhay m-mo. N-Nasasaktan ka ngayon dahil na naman sa'kin. I-I just want to be with you. Hindi ko n-naisip na mas masasaktan lang k-kita. I'm so sorry, Asawa ko."

Umiling ako at lumayo sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mata. "N-No. I was so lost, D-Daniel. But, you found me. Binalik mo 'ko sa tahanan ko, binalik mo 'ko sa mga bisig mo. You are my Home. And with you, I never felt lost. Kaya huwag kang humingi ng tawad dahil bumalik ka sa buhay ko...dahil noon pa man...kahit galit na galit ako sa'yo...h-hinihintay ko pa rin ang pagbabalik m-mo. And you did. Kung hindi ka pa bumalik, baka lunod na lunod na ako sa alaala at galit. So, thank you for saving me."

"A-Ano bang ginawa kong m-mabuti para ibigay ka ng Diyos sa 'kin?" Garalgal ang boses niyang sabi.

"S-Siguro dahil alam niyang i-ikaw lang ang kailangan ko..."

Inabot niya ang pisngi ko. "Mahal na Mahal kita, Asawa ko. W-Wala akong ibang ginusto kung hindi a-ang makasama ka." Binaba niya ang malungkot na mga mata kay Maxine. Hinaplos niya ang buhok ng anak namin. "At makita sanang lumaki ang baby ko. N-Ni hindi ko man lang m-mababantayan ang paglaki n-niya..."

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now