CHAPTER 32

270 13 1
                                    

"Okay lang ba suot ko?" tanong ko kay Patrick nang makalabas ako ng kwarto.

"W-Wow..." tanging nasambit nito.
Isang boyfriend jeans at isang puting hoodie ang aking isinuot. Maliit ako pero mas nagmukha akong maliit dahil sa suot ko.

"Ang cute mo!" pagpuri nito.

Inilagay ko sa loob ng bagpack ko ang dalawang army bomb at poster para mamaya sa concert.

"Teka yung tata ko!!" palabas na sana kami ng unit nang maalala kong hindi ko pa suot ang headband kong bt21 kaya agad ko itong binalikan.

"Mukha kang bata hahahaha" natatawang sambit ni Patrick habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Hala weh? Magpapalit nalang ako baka mamaya akala ng mga asawa ko bata pa ako te--"

Babalik sana ako nang bigla niya aking hatakin.

"Wag na okay na yan! Baka mamaya mapansin ka nila doon agawan pa nila ako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Pagbaba namin ng hotel ay naabutan namin ang mga kasamahan naming naghahanda na rin paalis.

"Hala Direk ang cuteeee!!" sigaw ni Lea.
Medyo nahiya pa ako dahil may ilang tao ang nagtinginan sa amin.

"Ang cute cute mo po direk para po kayong bataaaa!" Si Kae.

"Ano bayan! Magpapalit nalang ako." nakasimangot na sagot ko pero nagsitawanan lang ang mga ito.

[Sana ol makakapunta!! Huhuhu shout out mo ako kapag pinaakyat ka nila sa stage ha!] Sambit ni Ella mula sa kabilang linya.

Nasa byahe na kami ni Patrick patungong venue ng concert at sakto namang nag videocall si Ella.

"Gaga! Pero sana paakyatin nila ako sa stage tapos tanungin nila ako kung ano name ko then number ko then k---"

"Paano kapag tinanong nila kung may boyfriend ka anong isasagot mo?" singit ni Patrick.

"Siyempre meron!" mabilis kong sagot.
"Goo--"

Hindi nito natuloy ang sasabihin ng magdugtong pa ako ng sagot.

"Meron noon pero ngayon wala na hahahahahaha promise sasabihin ko talaga yun!" mapang asar kong dugtong.

Humagalpak naman ng tawa si Ella mula sa kabilang linya dahil sa reaksiyon ni Patrick.

"Ikaw nalang kaya umattend?" kunot-noong tanong nito.

Nginitian ko lang ito at hindi na pinansin.
Nang makarating kami ay napakahaba na ng pila.

Hindi lang pala puro Koreana ang nandito dahil marami rin akong nakikitang ibang lahi na nakapila.

Umaga kami pumunta ngunit maghahapon na kami nakapasok kaya itong kasama ko ay medyo buryo na daw. Pinabili ko siya ng pagkain at inumin.

"Wooow! Ang lapit ko!!" masayang sigaw ko nang makitang malapit lang ang puwesto ko sa stage.

Naiiyak akoooo huhuhu....

"Magkano itong puwesto natin?" tanong ko kay Patrick.

"50k I guess." tipid nitong sagot.

"Ang mahal naman! Gumastos ka pa ng 100k para lang dito." reklamo ko.

"Mas mahal kita." agarang sagot nito.

Napangiti naman ako at hinampas siya sa braso.

"Dapat hindi kana gumastos ng malaki! Pwede namang isa lang eh. Ako nalang ang pupunta tapos maiwan ka sa hotel mag isa hahahahahaha"

TELL ME, NO LIES Where stories live. Discover now