CHAPTER 28

246 12 1
                                    

"And--Cut! Goodjob!!" bati ko matapos ang last scene namin.

Halos dalawang buwan din kaming namalagi sa Sagada para tapusin ang lahat ng scene namin dito sa Pilipinas. Tuluy-tuloy na trabaho at pagod ang ginawa naming lahat sa loob ng dalawang buwan.

Ni-isang beses ay hindi kami nakapamasyal dahil nga sa kailangang tapusin na trabaho.

"Celebrate na!!" sigaw ng mga staff ko.

Tuwing may natatapos kasi kaming filmshoot is lagi kaming nagsecelebrate. Although hindi pa naman exactly tapos yung film namin na ginagawa ngayon, Atleast natapos na kaming magshoot dito.

"Sige na libre ko na!" Presenta ni Kyle.

Agad na naghiyawan ang mga kasamahan ko.

Pasimple akong tumingin kay Patrick at nakitang seryoso lang itong nakatingin sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Si Darren naman ay tahimik na pinaglalaruan ang susi ng sasakyan niya.

"Ay Direk! Pansin ko lang ha, Bakit sa lahat ng naging co-director ng team si Direk Pat lang hindi mo close?" mausisang tanong ni Kae. wardrobe namin.

Nginitian ko lang ito at tinungga ang isang boteng san mig.

Hapon kami nagsimulang magcelebrate at uminom. Kaya yung ibang staff ay mga lasing na.

"Ang pogi niya noh? May asawa na kaya si Direk?" tanong ulit nito.

"May anak na yan.  Ano kaba? May boyfriend ka diba?" kunot-noong sambit ko.

Natawa naman ito at tumayo para kumuha ng pagkain.

Nandito kami sa isang restobar malapit sa pinagtetapingan namin.

Si Darren ay nagpaalam kanina sa aking may pupuntahan lang daw siya kaya hinayaan ko nalang.

Malakas din kasi ang kutob kong may katagpuan na yan eh hahahaha.

Medyo malayo sa upuan ko ang puwesto ni Patrick. Puro lang rin ito cellphone kaya hindi magulo ng mga kasamahan namin.

"Tangina mo naman Cheska! Ano? Magdadrama na? Lasing kana? Hahahahaha" sigaw ni Sawit. Makeup artist ng team.

Nagulat ako ng makitang umiiyak na ang Head stylish naming si Cheska. Lasing na talaga.

"I love him kasi talaga eh! Kaya lang naman ako nakipagbreak kasi I found out that he cheated on me. And buntis yung kabit niya! Anong laban ko dun? Nabuntis niya y--"

Hindi ko na masundan ang sinasabi nito dahil may mga alaalang biglang pumasok sa utak ko.

"Omygod! Stop! Yung baby ko!!" sigaw niya at humawak pa sa tiyan niya.
Napako ang tingin ko sa kaniya habang dahan dahan niyang hinihimas ang kaniyang tiyan.

"B-Buntis ka?!" tanong ko.

"How dare you! Kapag may nangyaring masama sa baby ko, Yari ka kay Patrick!" bulyaw niya at naglakad paalis.

Natulala ako sa lamesa dahil naalala ko yung huling kita namin ni Mara. Kung paano niya ipamukha sa aking ginantihan lang talaga ni Patrick ang magulang ko at Kung paano niya ipamukha sa akin na kay Patrick ang dinadala niya.

Napatingin ako sa gawi ni Patrick nang maramdamang may nakatingin sa akin.
Nagtama ang mga mata namin dahilan para bumalik lahat sa akin. Lahat ng mga masasakit na nangyari sa amin.

Para akong tangang nakikipagtitigan sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko kaya diri-diretso itong bumuhos.

Agad na napatayo si Patrick dahilan para magtinginan ang lahat sa amin.

TELL ME, NO LIES Where stories live. Discover now