CHAPTER 7

280 8 0
                                    

"Angelica! Narinig ko yesterday na kayo daw ni Patrick ang partner sa film. Is that true?" Bungad ni Aliah nang makapasok ako sa loob ng room.

Putsa di ko pa nga nabababa bag ko, nanugod na agad.

"Oo. Bakit inggit ka? Edi sige swap nalang tayo." Sagot ko at nilagpasan sya para makadiretso na ako sa upuan ko pero nakasunod parin ito.

Wala pa si Ella sa upuan nya kaya paniguradong absent na naman yun. Si
Patrick naman ay seryosong nagtitipa sa
cellphone nya.

Ibinaba ko ang bag ko at humarap kay
Aliah.

"Talaga? Pwede tayong mag swap? Omg! Tha--"

"Siyempre charot lang. Echos ka naman masyado" usal ko at umupo na.

"I hate you!" sigaw nya at padabog na naglakad pabalik sa upuan nya. Wala namang pakielam mga kaklase namin dahil may sari-sariling mundo ang mga ito.

Alien amputa...

Humarap ako kay Patrick at pasimpleng sinilip ang cellphone nito.

"Shadows Past." basa ko.
Napalingon ito sa akin kaya nginitian ko ito ng malaki.

Plastikan mode:ON

"Chismosa ka rin noh?" seryosong tanong nya sa akin.

Nawala ang malawak kong ngiti dahil sa sinabi nya. Napakunot ang noo ko at padabog na sumandal sa upuan.

"Anong--Anong chismosa? Excuse me?!

"Napatingin lang ako sa screen mo kasi masyadong mataas yung brightness. Nakakaagaw ng pansin." palusot ko.

"Tsss.. Hindi daw makakapasok si Sir Carinan kasi may meeting ang buong Com. department."

Tinanong ko?

"I didn't asked." pagtataray ko.

Wait?! Edi.... Maaga kaming makakauwi ngayon?! Omg!! Makakainom nakoo...

"Kaya naisip kong mamaya after class, Mag meeting tayong dalawa about sa film natin."

Shutangineees!!

"What?! Di ako pwede mamaya dahil aalis kami ni Ella!" reklamo ko.

"Wala si Ella. Anniversary ng parents niya kaya pumunta silang Batangas kagabi." sagot nya.

What the?! Bakit diko alam?! Ako yung kaibigan pero di man lang nagpaalam? At bakit alam nitong asungot na ito?!

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo?" mataray na tanong ko.

"Edi tanungin mo sya."

May pinindot si Patrick sa cellphone nya at ibinigay ito sa akin. Tinignan ko ang screen at nakita ang name ng kaibigan ko.

Gago.. Nagkabigayan na nga ng number.

[Yes? Miss mo na ako agad?] Sagot ni Ella sa kabilang linya.

"Ayun! Basta pag sa lalaki, nagpapaalam pag sa akin hindi!" bulyaw ko.

[Angel?!]

"Oo ako ito! Bakit nasa Batangas ka ha?! Tapos di ka manlang nagpaalam? Then malalaman ko pa sa iba? letche ka! "

[Omygod I'm sorry na ma! Biglaan kasi kagabi eh. Tapos ang natawagan ko lang si Patrick. Ihhh sorry]

Mas inuna pa talaga si Patrick...

"FO! Ano?! Akala ko ba iinom mamaya? Paasa amf." pagtatampo ko.

[Sorry naaaa! Babawi nalang ako nextweek pagdating ko promisee]

TELL ME, NO LIES Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz