CHAPTER 2

399 13 0
                                    

"Ma! Cancel muna tayo today please.. May pupuntahan kasi kami nila mommy ngayon eh kakatext lang. Sorryyyy next week bawi ako babye!" Paalam sa akin ni Ella nang makarating kami sa parking lot.

Hinintay ko munang makaalis ang sasakyan ni Ella bago ako pumasok sa sasakyan ko at nagdrive pauwi.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa byahe dahil hindi naman traffic. Nakarating agad ako sa bahay.

"Oh Angel! Ang aga mo naman ata?" Salubong ni manang Thelma nang makapasok na ako ng gate.

Binato ko kay kuya Nelson ang susi ng kotse ko para sya na ang magpapark nito sa likod.

"Manang may lunch na?" tanong ko.

Nakasunod sa akin si Manang hanggang sa loob ng bahay.

"Oo nandun na sa kusina. Kumain kana." nakangiting sagot nito.

Pinagmasdan ko lang sya dahil parang ang sayasaya nya.

Nagpaalam muna akong ibababa ang gamit ko sa kwarto bago pumunta sa kusina.

Paglabas ko ng kwarto, Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses nila mommy at daddy.

Hindi sila ang magkausap pero pareho silang nagsasalita.

Bakit na naman nandito yang mga yan?

Padabog akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina.

Naabutan ko silang nasa magkabilang dulo ng lamesa habang may kanya kanyang kausap sa telepono.

tss...

"Angel!" Nakangiting sambit ni mommy nang makita nila ako.

"Anak" si daddy.

Pinatay nila ang mga hawak nilang cellphone at nakangiting tumayo.

Hahatakin pa sana ni daddy yung upuan para makaupo ako pero inagaw ko sa kanya ito at ako na mismo ang naghatak.

Padabog akong umupo at kumuha ng pagkain.

Napansin kong nakatingin parin sa akin ang dalawa.

"Angel." Seryosong tawag ni daddy.

"What?" tanong ko habang nasa pagkain parin ang paningin.

"Hindi ka ba masaya na nandito kami? Nabalitaan ko kay manang Thelma na malungkot ka daw lately. May problema ka ba anak?" tanong nya.

Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain at sarkastikong tumingin sa kanya.

"Wala akong problema." sagot ko at nagsimula nang kumain.

"Angel, Alam ko may problema ka anak. Pwede ka namang mag open kay mommy." nakangiting sambit ni mommy.

Ang paplastik nyo....

"Tell you about what? Open to you about what? My problem? Bakit makikinig ba kayo? Hindi naman diba? Pwede ba? Stop pretending na parang may pakielam kayo sa akin." sagot ko.

Tumayo ako at naglakad na paalis ng kusina. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni daddy pero di na ako lumingon.

Wala akong pakielam kung magalit sila sa akin dahil sa ginawa ko. Sila nga grabe yung mga ginawa sakin eh. Lalo na si Daddy.

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kwarto at sumabay din ang pagbagsak ng luha ko.

"Mommy, Daddy please don't leave me here!! Mommy!!!!! Daddy!!"

Halos manlaban ako sa braso ni kuya Nelson at manang Thelma para lang makaalis sa pagyakap nila.

Pilit kong hinahabol sila mommy at daddy na ngayo'y pasakay na ng kani-kanilang sasakyan.

My Parents decided to divorced when I was 7 years old.

Because they realized that they don't really love each other. They explained to me that they just got married because of me.

Sa murang edad ko, Namulat na ako sa araw-araw na pagaaway nilang dalawa. Namulat narin ako sa mga bagay na hindi ko pa dapat maranasan sa edad ko na yun. Nagkaroon sila nang ibang pamilya kaya mas pinili nilang iwanan ako sa bahay kasama si Manang Thelma at Kuya Nelson at babalikan lang kapag trip nila.

Araw-araw akong naghangad ng isang buo at masayang pamilya.

Pero masyado ata akong pinagkaitan kaya never natupad yun. Kahit naman wala sila, bigay parin lahat ng luho ko. Pero kulang parin eh. Di parin ako kontento. Sobrang sakit para sa akin na makitang masayang namumuhay ang mga magulang ko kasama ang kanya-kanya nilang pamilya.

Samantalang ako? Eto oh! Nagiisa lang sa buhay. Walang magulang, walang kapatid at walang kadamay sa problema. Isang beses naranasan ko nang makatikim kahit budbod lang ng pagmamahal pero sandali lang nawala rin agad.

Isang beses sa isang taon ko lang nakakasama sila mommy at daddy.

Pero sa isang beses na yun, Hindi ko man lang naramdaman na naging totoo sila. Birthday ko nga nakalimutan na nila eh. Pasko? New year? Wala silang Angel na naalala sa mga okasyon na yun!

Kapag nagkakaroon naman ng time na pumupunta silang dalawa dito sa bahay, Lagi lang silang nagpepretend na akala mo may mga pakielam sa akin pero yung totoo wala.

Sa loob ng ilang taon, Tanging sila Manang Thelma at Kuya Nelson lang ang nakasama ko sa buhay. Sila lang yung nakasaksi kung paano ako umiyak gabi gabi dahil wala yung magulang ko.

Pero sadyang galit talaga siguro sakin si Lord dahil ultimo magandang ugali pinag kaitan ako. Mas pinili kong hindi mag-aral ng mabuti para mahirapan din sila mommy sa pagpapaaral sa akin.

Gusto ko silang gantihan. Gusto ko din silang saktan.

Buong tanghali kong hinayaan ang sarili kong umiyak.

Hindi na rin ako kumain nung gabi dahil ayokong lumabas ng kwarto.

Kinabukasan, Mugto ang mata kong pumasok sa school. May mga kaklase akong nagtanong kung umiyak daw ba ako pero di ko sila pinansin.

Diridiretso lang akong nagtungo sa upuan ko. Si Patrick palang ang nandoon at wala pa si Ella.

Saan na naman kaya nagsuot yun?

Nagsimula ang klase pero hindi dumating si Ella.

Kaya tahimik nalang ako sa upuan.May mga kaklase naman akong nakakausap pero mas gusto ko kasi lagi kausap si Ella.

Ito namang katabi ko ay masyadong pabida.

Kanina sa recitation panay ang sagot. Psh! Pasikat ang kingina. Pangalawang araw palang dito kala mo kung sinong matalino na.

"Okay. For our last activity, By partner ang gagawin ko sa inyo dahil interviewing tayo. Kung sino ang katabi nyo, ayan na ang magiging partner nyo." Pageexplain ni Sir Carinan. Teacher namin sa communication.

Napatingin ako sa upuan ni Ella nagbabakasakaling nandyan sya kahit na alam kong absent talaga.

Ngayon ka pa talaga umabsent!!

Tumingin ako kay Patrick at napataas ako ng kilay nang makitang nakatingin lang ito sakin ng walang kwenta.

Napairap ako sa kawalan dahil alam kong wala na akong choice.

"Partner tayo." Malamig na sambit nito.
------------------------------

TELL ME, NO LIES Kde žijí příběhy. Začni objevovat