CHAPTER 9

252 11 0
                                    


"May naisip ka na bang location?"

Napatigil si Patrick sa pagtitipa sa laptop niya nang magtanong ako.

"Baguio." sagot nito at tsaka iniharap sa akin ang laptop niya.

Baguio....

Ipinakita niya sa akin ang mga magagandang tourist spot ng Baguio.

"Ikaw na mamili dito."

Marami yung mga lugar pero hindi ako makapili dahil may gumugulo sa isip ko. Si Perry.

"Bakit Baguio? Wala na bang ibang lugar?"  maarteng tanong ko at humigop pa sa kapeng nasa harap ko.

"Gusto ko sa Baguio." seryosong sambit niya habang nakatitig sa akin.

"Ako, Ayoko." sagot ko.

"Edi gumawa ka ng film mo mag-isa."

Ang sungit naman nito!

"Bakit ba kasi sa Baguio pa? Marami namang ibang place ah? Like Batangas, Tagaytay, or Tanay." pagsusuggest ko.

"Bakit ba ayaw mo sa Baguio? May problema ka ba dun?" kunot noo nitong tanong.

Natahimik ako. Ayokong magkwento ng mga past memories ko sa Baguio dahil puro si Perry lang naman yun.

"Oh bakit natahimik ka diyan?" nakangising tanong niya.

"Pakielam mo ba?"

Medyo natawa lang siya sa inasta ko at ibinalik ang tuon sa laptop niya.

Psh! Lumabo sana mata mo.

"Nagpareserve na ako ng dalawang unit sa RidgeWood Hotel."

"Bakit nag reserve ka agad? Kailan ba tayo pupunta dun?"

"Tomorrow."

Bakit bukas agad?!

"What? Bakit? Ilang araw tayo dun?"

"Three weeks." walang emosyong sagot nito.

"Three weeks?! Are you fucking serious?! Ano yun bakasyon?!" Napatayo pa ako dahil sa gulat ko.

Nagtinginan ang ibang tao sa loob ng SB sa amin dahil sa pagsigaw at pagtayo ko kaya agad akong dinapuan ng hiya.

"Ang OA mo magreact noh?" pang aasar ni Patrick.

"Bakit kasi three weeks?!"

"Mas maganda kung tayo mismo ang maghahanap ng personal sa mga magagandang place. Ayokong bumase sa mga  internet photos."

Ang arte ampucha.

"Susunod nalang ako dun. Ikaw nalang mauna psh!" usal ko.

"Okay." sagot niya at iniligpit na ang gamit niya.

"Make it sure na dalawang rooms ang kinuha mo sa hotel ha! Hindi dalawang kama." pagpapaalala ko sa kanya.

"Dalawang rooms yun. Pero hindi ako tutuloy dun. Siguro kapag mageedit na tayo tsaka lang ako pupunta dun. Ikaw lang dun kasi may uuwian ako."

"Excuse me, Dun sa word na mageedit tayo, edit lang walang tayo."

"As if naman na gusto kita." seryosong sagot nito.

Ang sungit talaga!!!

"As if naman na may gusto rin ako sayo noh! But wait, saan ka uuwi sa Baguio? May bahay ka dun?"

Tinitigan niya ako ng ilang segundo at ngumisi pa.

"Why did you asked? Do you want to stay in my house? Malaki naman yung kwart---"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng itinaas ko ang dalawa kong kamay sa harapan niya and I show my middle finger on him.

TELL ME, NO LIES Where stories live. Discover now