CHAPTER 23

229 13 0
                                    


"Nakikinig kaba?"

Napabalik ako sa reyalidad nang biglang magsalita si Darren.

"H-Ha?" tanong ko.

"Wala. Naalala mo na naman ba siya?"

"Ngayon kaya naalala niya na ako?" tanong ko.

Lumapit sa akin si Darren at hinawakan ang pisngi ko.

"Sure akong naaalala ka na niya." mapait na sagot niya at naglakad papasok ng kwarto niya.

"Here." napatingin ako kay Darren nang ilahad niya ang kanyang cellphone sa harapan ko.

"Ano toh?" kunot-noong tanong ko.

Imbis na sumagot ay umupo nalang siya sa tabi ko at hinayaan akong tingnan ang kung ano man ang nasa cellphone niya.

"Angel may sasabihin sana ak--"

"Ang gandang bata."

Mara Jhustine Ocampo posted a photo 5 mins. Ago

'Happy 3rd Birthday my Angel <3'

Naluluha kong pinagmasdan ang litrato na pinost ni Mara.

[Oh! Ano?! Nakita mo na yung anak nung pokis na yun? Psh! Sigurado ka bang anak ni Patrick yun? Parang wala ngang hawig si Patrick doon sa bata eh!]  Si Ella.

"Hayaan mo na. Masaya naman sila eh." pilit na ngiting sagot ko.

Nangako ako sa sarili kong hindi ko na guguluhin ang buhay ni Patrick. At mangangako ako ngayon sa sarili kong kakayanin kong mag-isa. Kakayanin ko kahit wala ang lalaking minahal ko ng sobra.

"Nextweek pakibigay nalang sa akin yung ibang page ng script just to make it sure na maaayos natin agad ang plot bago tayo magstart ng taping. That's all for today." Agad akong tumayo at diri-diretsong lumabas ng conference room.

Naramdaman ko pa ang pagsunod sa akin ni Darren pero hindi ko ito pinansin.

Pagsakay ko palang ng sasakyan ay napahampas na ako sa manibela.

Bakit sa production team ka pa namin sumiksik? Ano ba talagang gusto mong mangyari?!

"Hindi ako tumatalikod sa pangako ko."

"Hindi ako tumatalikod sa pangako ko."

"Hindi ako tumatalikod sa pangako ko."

"Hindi ako tumatalikod sa pangako ko."

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang madiin na pagkasabi kanina ni Patrick sa Conference.

Hindi tumatalikod pero nambuntis ng iba...

"What?!" Gulat na tanong ni Ella.

Mula sa Guillermo Hall ay dumiretso ako sa Antipolo City kung saan nakabili ng bahay sila Ella at Neil.

Apat na taon narin ang lumipas matapos ang kasal nilang dalawa.

"Ano namang naramdaman mo noong nakita mo siya?" tanong niya habang buhat-buhat ang tulog na anak.

"Wala." mabilisang sagot ko at nilagok ang isang basong beer na nilagay niya.

"Weh?"

Imbis na sumagot ay tiningnan ko nalang ito ng masama.

"Bakit hindi man lang sinabi sa'yo ni Darren? Ano? Kunwari walang alam ganoon?"

Kanina pa nga rin ako napapaisip kung bakit hindi man lang ako iniinform ni Darren na si Patrick ang magiging Co-Director ng production team.

TELL ME, NO LIES Donde viven las historias. Descúbrelo ahora