CHAPTER 25

247 9 0
                                    

"May taping na kayo?" tanong ni Ella.

Madaling araw palang ay pumunta na ako sa bahay nila para lang manggulo. Mamaya pang 7am ang pasok ko pero alas-dos palang ng madaling araw ay nagising na ako. Wala naman din akong gagawin sa condo ko kaya naisipan kong dito nalang muna tumambay sa kanila.

"Look Test palang kami mamaya. Si Neil?" tanong ko nang mapansing wala ang asawa nito.

"Wala pinalayas ko na." sagot nito.

Tulog pa si Eliza kaya hindi ko muna pinuntahan sa kwarto niya.

"Seryoso ba?"

"Siyempre hindi. Nasa Batangas doon siya nakadestino ngayong linggo. Alam mo naman! Mahirap ang trabaho ng Electrical Engineer hahaha." pagmamayabang ng kaibigan ko.

"Isang linggo?" tanong ko pa. May nabubuong asar sa utak ko kaya sisirain ko ngayon ang umaga nito.

"Yes!" nakangiting sagot nito.

Inilapag niya sa lamesita ang isang basong kape at umupo na sa tabi ko.

"Paano kung may babae si Neil sa Batangas? Paano kaya kung sa hotel na tinutuluyan nila, Maginuman sila ng mga kasamahan niya tapos may makilala siya doong babae tapos may mangyari sa k--"

"Tangina mo talaga eh noh? Seryoso pwede mangyari yun?!" Gulat na tanong nito.

Pinigilan ko ang pagtawa ko at dahan-dahang tumango.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at patakbong pumasok ng kwarto.

"Tangina nun!" mura nito habang naglalakad palabas ng kwarto. May hawak na rin itong telepono at mukhang tatawagan na ang asawa.

Hala ka HAHAHAHAHAHA

"Oy baliw wag mo ng tawagan!" pigil ko pero huli na dahil nasagot na ata ni Neil ang tawag niya.

"Nasaan ka?" seryosong sambit ng kaibigan ko.

Nakatitig lang ako dito at kinakabahan din dahil baka ako ang maging dahilan ng away nilang dalawa.

"Baka mamaya makipag inuman ka diyan tapos may makilala ka diyan na babae tapos ikama mo! Tangina Neil umayos ka ha! Oras na may malaman ako sunog lahat ng gamit mo dito!"

Ilang ulit akong napalunok dahil sa kaba. Masyado na kasing seryoso ang mukha ng kaibigan ko.

"Sige Iloveyou! Pasalubong ha!" paalam nito at pinatay ang tawag.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang humarap ito sa akin at ngumiti ng malaki. Kung kanina ay natatawa pa ako, ngayon ay parang nawala lahat dahil nga sa inasta nito.

"A-Ano sabi?" tanong ko.

Umupo ulit ito sa tabi ko at ipinatong pa ang paa sa lamesita.

"Hindi daw mangyayari yun kasi takot daw siya sakin hahahaha sabi ko sa'yo eh! Mahal na mahal ako ng asawa ko at hindi yun magloloko. Hindi tulad ng iyo, Niloko ka na tapos nambuntis pa ng iba!" pang aasar nito.

Hinatak ko ang buhok nito at nginudngod sa sofa.

"Aray ko punyeta charot lang eh!" reklamo niya.

Nagtitigan muna kami ng ilang segundo at sabay na natawa.

"Oh paano mamaya makikita mo na naman siya? Ano gagawin mo?" biglang seryosong tanong nito.

Nag-isip pa ako ng isasagot dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ba ang gagawin ko mamaya sa oras na magkasama at magkatabi na kami sa system.

"Oy paalala ha! Wag kang marupok tanga ka! Baka mamaya madikitan ka lang ng balat niyan luhuran mo na at magmakaawa kang balikan ka niya!"

"Hindi naman ako ganoon eh! Ang hindi lang talaga maalis sa isip ko, Bakit sa team namin siya sumiksik? Marami namang ibang production team pero bakit sa amin pa? Ano na naman ba binabalak niya?" diri-diretsong tanong ko.

TELL ME, NO LIES Where stories live. Discover now