Chapter 25

8.3K 197 35
                                    

Tamara's POV

Naglalakad siya sa hallway ng ospital, gustuhin man niyang tumakbo ay di niya magawa dahil narin sa laki nang tiyan niya.

Nasa pang anim na buwan na siya nang pagbubuntis at ilang buwan nadin siyang kasal kay Hendrix. At habang tumatagal ay lalong minamahal niya ang lalaki.

Akala niya normal lang dito ang pagiging suplado pero mas may malala pa pala ron. Dinagdagan ang pagiging suplado nito nang pagiging seloso. Kahit anime na bidang lalaki ay pinagseselosan nito. Nakakaloka.

"Good morning Tamara. Ready kana?" Bati nang doctor ng nasa harap na sila nang kwarto nang kapatid niya.

Gustuhin man siyang samahan ni Hendrix ay di ito makaalis sa opisina dahil may mahalaga itong meeting.

"Yes doc." Sagot niya kaya ngumiti ito at binuksan ang pinto.

Ganun nalang ang pag away nang labi niya at paglandas ng mga luha niya sa nakita. May maliit na ngiti sa labi ang kapatid niya habang nakatitig sa kanya.

"A-ate."

Agad siyang napahagulgol nang madinig ang boses nito. Dali dali siyang lumapit sa kama nito at agad itong niyakap nang mahigpit.

"Diyos ko salamat po. Salamat." Umiiyak niyang sabi bago pinugpog nang halik ang kapatid niya na umiiyak din.

"Mahal kita ate." Mahina nitong sabi na ikinaiyak niya lalo.

"Mas mahal kita tommy." Sabi niya at humigpit ang yakap dito.

Habang yakap yakap ang kapatid ay damang dama niya ang puso na parang sasabog sa saya. Sulit ang hirap na pinagdaanan niya mabuhay lang ito.

"Tamara we still need to admit your brother here and he needs to so physical therapy para makagalaw siya ulit gaya nang dati." Sabi nang doctor at tumango siya.

Binitiwan niya si Tommy bago humarap sa doctor. "Sige po doc."

Ngumiti ito bago nagpaalam sa kanila. Nang balingan niya ang kapatid ay nakatitig ito sa kanya at napakunot noo nang makita ang tiyan niya.

"Ate buntis ka?"

Ngumiti siya bago tumango tsaka lumapit dito at hinaplos ang buhok nito. "Oo bunso. Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?"

Umiling ito. "Ok naman ate at napaliwanag naman nang doctor sakin kanina ang lahat. Pero gusto ko pong tumayo pero sabi ni Doc kailangan daw nang therapy ilang buwan din akong nakaratay sa kama." Sabi nito.

Sa kanilang magkapatid masasabi niyang si tommy ang matalino. Bata palang matured na ito mag isip at laging numero uno sa klase. Kaya di na siya nagulat at ganito ito ngayon. Tila bente anyos kahit mag dodose palang.

Inubos niya ang buong araw sa ospital para makasama ang kapatid at nang mag gagabi na ay tsaka lang siya umuwi at nangako ditong babalik siya bukas.

Pinasundo siya ni Hendrix sa driver nito dahil out of the way pa ito sa kanya pero pauwi narin any lalaki kaya sa bahay nalang sila magpapang abot.

Habang nasa byahe ay tinawagan niya ang asawa at halos madoble ang kunot noo niya nang di ito sumagot.

Nang makarating sa bahay na tinitirhan nila na regalo sa kanila nang pamilya nito nung kasal nila ay agad siyang pumasok para lang matigilan sa nakita.

Si Hendrix nakatayo sa sala at may kahalikang babae.

Agad na naglaglag ang bag na dala niya kaya napabaling ang tingin nang dalawa sa kanya.

Kitang kita niya ang gulat sa tingin ni Hendrix habang pinagtaasan naman siya nang tingin nang babae.

"Tamara!!"

Napakurap siya bago niyuko ang bag at pinulot iyon.

"Sorry." Sabi niya.

"Baby it's not what you think." Sabi ni Hendrix pero wala dito ang atensiyon niya.

"So the mistres is home." Sabi ng babae na ikinagulat niya.

"Ely fcking shut up." Sigaw ni Hendrix dito. "Baby don't listen to her."

Huminga siya nang malalim bago ngumiti.

"Hi I'm Tamara." Sabi niya bago lumapit sa babae at lahad nang kamay dito na ikinagulat nito.

"The new wife, Ely right? The ex-wife?"

—————————####—————————
Gabriel143

The Possesive CEOWhere stories live. Discover now