Chapter 2

12.6K 257 20
                                    

Tamara's POV

Wala na siyang pakialam kung mamaga ng husto ang mga mata niya dahil sa pag iyak habang nakikinig sa sinasabi ni Hendrix sa doctor.

After nitong bayaran ang hospital bill ng kapatid niya ay nag request itong kausapin ang doctor ng kapatid at ito nga ay sinasabi nitong gawin ang lahat para sa kapatid niya at ibigay ang gamot na kakailanganin. Na hindi kwestiyon ang pera sa mga sandaling ito.

"S-salamat." Bigkas niya ng mag paalam ang doctor at maiwan silang dalawa sa labas nang ICU.

Sa kinatatayuan nila ngayon ay kitang kita nila ang kapatid niya na puno ng aparato sa katawan.

"How did your brother end up there? He got operated twice and the doctor said that only time can tell when he will wake up. His broken fractures in his body already healed up but his brain is still on a watch cause it might cause another bleeding." Sabi nito.

Huminga siya ng malalim bago lumapit sa salamin na bintana at tiningnan ang kapatid.

"Last year naaksidente kaming mag anak. Namatay on the spot ang mga magulang namin habang nabagok naman ang ulo ng kapatid ko at nagkaroon ng mga bali sa katawan. Habang ako naman himalang galos lang ang nakuha." Sabi niya bago tumingin sa lalaki. "Salamat talaga ha."

"We have a deal." Sabi nito kaya tumango siya at ngumiti.

"Alam ko, at diko yun nakakalimutan. Pag aari muna ako Sir."

"Hendrix." Sabi nito.

"Sir Hendrix.."

"Tsk , just Hendrix." Sabi nito bago tumabi sa kanya sa pagtanaw sa kapatid niya. "He will be ok." Sabi nito na ikinangiti niya.

"Sana nga."

Sinulyapan siya nito bago nagsalita. "When you tell me that I will own you body and all, in what way you mean by that?"

"Lahat Hendrix." Sagot niya habang nakatitig sa kapatid.

"Even sex?" He asked na ikinabaling niya dito.

"Yes even sex." Sabi niya bago sumulyap ulit sa kapatid. "Sabi ko nga diba, lahat lahat sakin magiging pag aari mo kapalit ng perang binayad mo para madugtungan ang buhay ng kapatid ko."

"But its just a million. You could pay me little by little." Sabi nito na ikinangiti niya.

"Mamamatay nalang ako dipa din kita mababayaran." Sagot niya. "Mahirap pa ako sa daga Hendrix, baon ako sa utang at kahit anong trabaho ang gawin ko hindi ako makakahanap ng pera na pambayad sayo. Wala akong natapos kaya katawan ko nalang. Alam kong madali sayong makahanap ng babaeng gagawin ang gusto mo pero virgin pa ako." Sabi niya at agad niyang naramdaman ang pamumula pero nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Malinis akong babae. Kahit anong ipagawa mo sakin mapa sex o sa ibang bagay man yan gagawin ko bilang kabayaran sa utang na loob ko sayo."

"Hanggang kailan naman kita magiging pag aari?"

"Hanggang sa ikaw na mismo ang umayaw sa akin sir. Buhay ng kapatid ko ang dinugtungan mo kaya buhay ko rin ang ibabayad ko." Sabi niya na ikinatitig nito sa kanya.

At nang salubungin niya ang mga mata nito ay wala siyang mabasa na kahit anong emosyon.

"You've seen my mom right?" Tanong nito kaya tumango siya. "For sure she already gossip to our whole clan that I am in a relationship. So you need to act as my girl in front of my family and friends." Sabi nito kaya tumango siya.

"But for now come with me." Sabi nito sabay lahad ng kamay sa kanya.

"Saan po?"

"To my condo. Let me see and taste what you got."

—————————####————————-
Gabriel143

The Possesive CEOWhere stories live. Discover now