Chapter 22

8.6K 242 43
                                    

Tamara's POV

Tapos na ang kasal nila at nasa reception na sila sa hardin lang din nila Hendrix.

Its official, siya na ngayon si Tamara Garcia Campbell.

Hindi niya akalain na totoo itong nangyayari ngayon.

Ilang buwan ang nakaraan ay ibang iba pa ang buhay niya. Isa lang siyang babaeng walang pahinga sa pagtatrabaho para lang may maibayad sa ospital para sa kapatid niya.

Pero ngayon.

Huminga siya nang malalim bago tumingin kay Hendrix na nakangiting nakikipag usap sa mga pinsan at kapatid nitong lalaki.

Ngayon iba na ang buhay niya. Asawa na niya ngayon ang lalaking literal na nagligtas nang buhay niya at nang kapatid niya. Ang lalaking pinagbintahan niya nang buong buhay niya. Ang lalaking ama nang anak niya. At ang lalaking mahal niya.

Kanina kontodo iwas siya sa mga mata nito. Bigla kasi siyang binalot nang hiya at takot pagkatapos niyang sabihin ang nararamdaman niya dito.

Wala iyon sa usapan nila pero nasabi na niya ang nararamdaman niya kaya ngayon ay kinakabahan siya.

Sa buong durasyon nang kasal ay nakatitig lang ito sa kanya. Makailang ulit na nagtagpo ang tingin nila pero agad siyang nagbababa nang tingin.

Bat ba kasi nasabi niya yun?

Huminga siya nang malalim bago kinain ang cake sa plato niya. Nakatatlong subo palang siya nang may umagaw nang atensiyon niya.

"Tamara."

Nakatayo na si Hendrix sa mini stage kung saan may kumakanta kanina na inihire ng mga magulang nito.

Sa likuran nito ay ang mga pinsan at kapatid nito na may mga hawak na instrumento.

"Baby focus on me first. Mamaya kana kumain." Sabi nito na ikinatawa nang mga kamag anak nito kaya namumulang ibinaba niya ang tinidor bago tumingin dito.

"Hey Wife, damn." Sabi nito habang hawak ang mikropono. Kita niya ang pag hinga nito nang malalim. "Akin kana talaga. In this day forward akin na akin." Possessive nitong sabi na ikinailing lang nang mga bisita nila.

"Awhile ago before the wedding start. My wife said something that shock my whole existence. Yet it was a shocked that felt so damn good inside." Tumingin ito sa kanya bago ngumiti. His gorgeous smile, a smile na sa kanya lang nito binibigay.

"Is it true? What you said awhile ago, is it true? Heartly true?" Tanong nito sa boses na may pag aalinlangan.

Nangingilid ang luha niya. Bago tumango dito.

"Damn." Sabi nito bago ito pumikit at huminga nang malalim. At nang mag mulat ito ay namumula na ang mga mata nito. "You're killing me baby, how dare you make my heart beats like this?" Sabi nito bago bumaling sa mga kamag anak nito. "You guys know that I don't do this sh!t, but for my wife I will  do this. Embarrassing myself infront to all of you. Baby listen cause this is for you." Sabi nito bago tinanguan ang mga kasama nito.

Nang magsimulang tumugtog ang pinsan at kapatid nito ay ang lakas nang kabog nang puso niya. At nang magsimulang kumanta si Hendrix ay napatakip nalang siya nang bibig.

🎶 It's undeniable
That we should be together
It's unbelievable
How I used to say, that I'd fall never
The basis is need to know
If you don't know just how I feel
Then let me show you now that I'm, for real
If all things in time, time will reveal
(Yeah, yeah)🎶

Agad na nagtuluan ang luha niya habang nakatitig dito. Ang gwapo nito habang kinakantahan siya. Maganda din ang boses nito at may masuyong emosyon sa mga mata nitong nakatitig sa kanya.

🎶One, you're like a dream come true
Two, just wanna be with you
Three, girl, It's plain to see
That you're the only one for me, and
Four, repeat steps one through three
Five, make you fall in love with me
If ever I believe my work is done
Then I'll start back at one🎶

Napaiyak na siya sa subrang tibok nang puso niya. At sa buong durasyon nang pagkanta ni Hendrix ay nakatitig lang ang tingin nito sa kanya.

Possible ba ang iniisip niya? Sana po. Sana....

Nang matapos ang kanta ay akala niya bababa na si Hendrix pero hindi pa pala.

"Tamara. My dear wife Tamara. Stop crying now baby baka mapano ang anak natin." Malambing nitong sabi.

Nilapitan siya nang isang pinsan nito at inabutan nang panyo.

"Baby."'biglang Seryosong sabi ni Hendrix. "If this is not clear to you then let me say it infront of everyone and infront of you." Sabi nito bago ito bumaba sa stage at nilapitan siya.

Nang nasa harap na niya ito ay ito mismo ang nagpunas nang luha niya bago siya pinakititigan sa mata.

"I love you." Sabi nito habang nakatitig sa kanya. Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Ngumiti ito bago isinandal ang noo sa kanya.

"Mahal na mahal kita Tamara."

—————————-####—————————
Sana oll

Last for today hahahaha

Gabriel143

The Possesive CEOWhere stories live. Discover now