Chapter 26

10.1K 245 41
                                    

Hendrix's POV

Halos lumabas ata ang puso niya nang makita ang asawa na naglabas nang maleta.

"Tamara!"

Nakaalis na si Ely or should he say pinaalis na niya si Ely. Bwesit na babaeng yun bigla nalang siyang hinalikan at timing pang pag bukas nang pinto.

He really didn't kiss her. Pinatuloy niya ito sa bahay niya dahil sabi nito gusto siya nitong makausap tungkol kay Elijah pero tangina yun nga hinalikan siya nito at yun ang nakita nang asawa.

"Baby please let me explain." Paki usap niya at halos bagsakan siya nang bato nang makita itong naglalagay nang damit sa maleta. "Tamara no." He said bago kinuha ang mga damit nito at inalis iyon sa maleta. "I said let me explain, hear me out first. Akala ko ba dimo ko iiwan?"

Huminga ito nang malalim bago siya sinulyapan. Kanina pa siya kinakabahan dahil kanina parin walang emosyon ang mga mata nito. Sabi nga nila na wag gagalitin ang taong mababait at mukhang nagalit niya ang asawa. Pero wala siyang Kasalanan tangina naman.

"Aalis ako."

"No."

"Sa kwartong to."

"Ha?" Naguguluhan niyang tanong.

Sumimangot ito bago naupo sa kama. "Lilipat ako sa guest room."

"Pero—."

"Galit ako Hendrix. Kaya hayaan mo muna ako." Sabi nito bago tumalim ang tingin sa kanya. "Sa bahay pa talaga nakipaghalikan? Bwesit."

Napakurap siya pero bago paman siya makapagsalita ay nagsalita na ulit ito.

"Kapal nang mukhang tawagin akong kabit. Eh kung ingodngod ko mukha niya sa semento. Ugh nanggigil ako putangina."

Napalunok siya. This is the first time na nakita niya itong ganito. Gone his sweet Tamara. Even the way she cursed is something that makes him speechless.

"At ikaw naman bat ka nagpahalik? Nako Hendrix mag toothbrush ka muna nang isang daang beses bago ako papayag na makasayad yang labi mo sa akin. Embyerna ang ganda nang araw ko tas sisirain niyo lang." sabi nito bago kinuha ulit ang mga damit at inilagay sa cabinet.

"Di kana mag lalayas?"

Sinamaan siya nito nang tingin. "Eh kung ikaw palayasin ko?" Tanong nito bago umupo sa kama at hawak sa tiyan nito kaya nabahala siya.

"Hey baby are you ok?"

Huminga ito nang malalim at di sumagot nang ilang minuto. Then all of a sudden he saw tears falling in her hands dahil nakayuko ito.

"Tamara."

"Nagkabalikan ba kayo? Iiwan mo naba kami ng anak natin? Maganda siya kaya di na ako magtataka." Umiiyak nitong sabi na ikinabahala niya.

"Ang sakit palang makita kang may kahalikan. Ayaw kong makita yun. Pero kung nagkabalikan kayo please sabihin mo sakin ng deretso. Aalis ako agad, di ako magmamakaawa. Peperma din ako ng annulment papers bas————."

Agad niyang tinakpan ang bibig nito nang palad niya. Gusto man niya itong halikan ay di na muna dahil di niya pa nasusunod ang gusto nitong mag toothbrush siya para maalis ang bakas ni Ely.

"I love you." Sabi niya bago inangat ang mukha nito. Her face is full of tears and even if she looks adorable right now he still don't like seeing her in tears lalo na at siya ang dahilan.

"Hindi kami nagkabalikan. Ikaw ang asawa ko Tamara. At yung nakita mo kanina, I was just caught off guard I swear to god. Pinapasok ko siya sa bahay dahil sabi niya may pag uusapan kami patungkol kay Elijah but she kissed me and right when I was gonna push her ay pumasok ka sa pinto at nakita yun." He said before breathing heavily.

"I said I love you. And I will not do anything that will hurt you intentionally. I am not perfect pero hindi ako gagawa ng rason para mapaiyak ka. If I need to give up Elijah just to make ely stop bothering us then I will kahit masakit basta para sayo at sa mga anak natin."

"Hendrix."

Ngumiti siya bago tinitigan ang mukha nito. Damn why does she needs to look beautiful even with tears in her eyes? Is this pregnancy glow or he is just too inlove with her?

"Ikaw ang top priority ko Tamara. At kaya kong gawin ang sinabi ko para sayo. Just tell me baby, tell me whAt I need to do to make it up to the pain you felt tonight."

"Nakakainis ka." Sabi nito na ikinangiti niya.

"Alam ko."

"At ang rupok ko sayo." Sabi nito bago sinapo ang mukha niya. "Toothbrush kana para mahalikan kita."

"Isang daang beses ba?"

Ngumuso ito bago tumango na ikinatawa nalang niya. Fine.

He got up at naglakad papasok sa banyo nang tawagin siya nito.

"Bakit?"!

Huminga ito nang malalim bago nagsalita.

"Wag mong isuko si Elijah. Kausapin natin si Ely bukas. Sasampalin ko pa siya."

—————————-####————————-
Gabriel143

The Possesive CEOजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें