Chapter 8

10.6K 256 17
                                    

Tamara POV

"Hello?"

"Are you still in the condo?" Tanong ni Hendrix sa kabilang linya.

"Oo bakit?"

"Good. Can you come to my office and bring me the envelope of the table in my home office baby?" Malambing nitong tanong na nagpakagat labi sa kanya.

"Ahm sige."

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Thanks, ipapasundo kita sa driver ko. Take care Tamara, and don't wear sexy clothes." Sabi nito bago nawala sa linya.

Sa halos dalawang linggo nilang magkasama at magkakilala ay napansin niyang napaka possessive nito.

Ayaw nitong nagsusuot siya ng maikling short pag lumalabas siya nang condo. Nagagalit ito pag hindi sinasadyang tumingin siya sa mga lalaki sa paligid. Gusto nito eh dito lang ang lahat nang atensiyon niya.

Nang makita niya ang envelope na sinabi nito ay agad siyang nagpalit nang damit. Isang puti na bestida ang napili niya na hanggang tuhod at dollshoes na kulay itim. Hinyaan niya lang ang buhok niya na nakalugay at liptint lang ang kolorete niya sa mukha niya.

Nang makababa siya sa condo ay naghihintay na nga ang driver nito na magalang siyang inalalayan sa pagsakay sa kotse.

Habang nasa byahe ay iniisip niya kung papayag ba ang lalaki na dalawin niya ang kapatid niya. Mula kasi ng may mangyari sa kanilang dalawa ay hindi na siya nakadalaw sa kapatid dahil nagpapagaling siya.

Nilagnat siya at hirap siyang maglakad dahil sa ginawa nito. Ramdam niya ang pamumula ng maalala ang araw araw na pagchecheck ni Hendrix sa pagkababae niya. Sabi ng doctor na tumingin sa kanya eh normal lang ang mapunit ang balat sa pagkababae niya pero dahil malaki ang kargada ni Hendrix eh nasubrahan nga na siyang resulta ng pagkakaroon niya ng lagnat.

At mula din ng araw na yun ay di na siya ginalaw ng lalaki. Kahit ok na siya eh sapat na dito ang mayakap siyang matulog pero dapat nakahubad siya.

"Ma'am andito na tayo. Gusto niyo po bang samahan ko kayo sa taas?" Tanong ng driver.

"Wag na po manong, mabilis lang naman ako. Tas itatanong ko nalang sa receptionist kung anong floor ang opisina ni Hendrix." Nakangiti niyang sabi bago bumaba.

Nang makapasok sa malaking kumpanya ni Hendrix ay ramdam niya ang kaba lalo na nung sinuri siya ng babae sa front desk.

"Hello, pwede bang malaman kung anong floor ang opisina ni Hendrix Campbell?" Tanong niya.

Tumaas ang kilay nito bago siya sinagot. "Sino ka?"

"Tamara Garcia." Nakangiti niyang sagot bago pakita ng ID.

Napakawalang galang naman ng babaeng to. Sabi niya sa isip.

"Wala kang schedule kay Sir Hendrix kaya diko masasabi sayo kung nasaan ang opisina niya."

" pero miss may ibib—-."

"I'm sorry ma'am pero sumusunod lang ako sa protocol ng kumpaya. Tanging mga taong May appointment kay sir ang allowed sa floor kung nasaan ang opisina niya. Makakaalis kana po." Sabi nito.

Napabuntong hininga siya bago tumingin sa envelope, at nang makita niya ang cellphone na hawak ay halos itampal niya iyon sa noo. Bakit di niya tawagan ang lalaki? Ang bobo tamara.

Habang nakatayo sa tabi ng front desk ay tinawagan niya si Hendrix isang ring palang ay agad na nito iyong sinagot.

"Yes baby?"

Napanguso siya dahil sa tawag nito bago nagbaba ng tingin sa sahig bago sumagot. "Ahm nasa baba na ako, pero di ako makapasok dahil wala akong appointment sayo." Sabi niya bago tumingin sa receptionist na nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya.

The Possesive CEOWhere stories live. Discover now