🌷Chapter 6

8 3 0
                                    

"N-Napadaan ka... Bakit?" Nahihiya at nagtatakang tanong ko kay Angelo na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko sya inaasahan na pupunta rito sa bahay namin.

"Kumusta? Ilang araw kana raw hindi pumapasok? Nagresign kana ba talaga?" sunod sunod na tanong nya sa akin.

"Ok naman ako" nakangiti kong sagot sa kanya "Oo...Nagresign na ako" Napatingin sya sa aking suot

"May lakad ka? Hatid na kita sa pupuntahan mo" pag aalok nya

"Huh? Wag na, kaya ko naman" agad na tanggi ko sa kanya

"Saan ba ang punta mo? baka roon din naman ang daan ko" pagpupumilit nya pa. Nakakahiya naman na aabalahin ko pa sya kaya tatanggi na sana ulit ako ng bigla ulit syang magtanong "Maghahanap ka ba ng bagong trabaho?" nahihiyang tumango ako sa kanya.

"Oo, sa Q--"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang may mga magsigawan at paglingon ko sa mga iyon ay nakita kong nagkakagulo na nga sila. May nakita akong bata, dugo at motor na nakatumba na. Agad agad kaming tumakbo roon at nakita ko ang kapatid ko

"Ica!" Jusko po ang kapatid ko. Nakahandusay sya at maraming dugo sa kanyang ulo. Hindi ako nakagalaw agad at tuloy tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko. Lord God please po wag nyo po munang babawiin ang kapatid ko. Pakiusap.

"Hello????? Kailangan ng Ambulance! May batang naaaksidente rito... sa may ******** Biñan. Kailangan nitong marescue agad! Emergency" nakita ko na may kinakausap na si Angelo sa kanyang phone.

"Querubin!!! Ang kapatid mo Querubin . Ang kapatid mo " humahagulgol na sabi sa akin ni lola at agad ko syang inalalayan.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang ambulansya. Gusto ko mang wag umiyak sa harap ni lola pero hindi ko talaga mapigilan ang luha ko. Nakarating na kami sa Hospital at dinala na si Ica sa emergency room. Naiwan na kami rito sa labas

"Jusko po ang apo ko"umiiyak na sabi ni lola. Niyakap ko sya

"Gagaling po si Ica lola, magagamot po sya ng mga doctor. Pray lang po tayo la, may awa po ang panginoon. Shhh magiging ok po si Ica la magiging ok po sya" umiiyak na sabi ko kay lola at niyakap ko sya.

"Querubin" mahinang tawag sa akin ni Angelo at naramdaman kong nilagay nya ang kamay nya sa likod ko para pakalmahin din ako "magagamot ang kapatid mo. Tiwala lang"

Isang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin kaming alam kung ano na ang nangyayari sa loob. Hinatid na muna ni Angelo si lola sa bahay kasama ang isa ko pang kapatid at bumalik rin sya agad dito sa hospital.

Naupo sya sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay "Nasa police station na ang nakabangga kay Ica. Magpakatatag ka lang, may plano pa ang Panginoon sa nakakabata mong kapatid. Okay? Tibayan mo ang loob mo. Magiging maayos din ang lahat" sabi nya.

"Hindi ko na alam kung makakaya ko pa kapag may nawala pa sa pamilya ko Angelo. Baka hindi kona kayanin kapag pati ang bunso namin nawala. Hindi ko kakayanin Angelo" umiiyak na sabi ko. Sobrang sakit, ang bigat sa pakiramdam. Para na akong mababaliw sa kakaisip sa bunso namin, kung ano na ba ang lagay nya sa loob? Naagapan ba sya? Ok na ba ang kapatid ko?

Niyakap ako ni Angelo at dibdib nya ako umiyak ng umiyak " Shh shh magiging ok sya. Sigurado yan Querubin. Makikita pa natin syang lumaki na isa ring magandang dalaga. Matutupad nya pa ang mga pangarap nya" pagpapatahan nya sa akin. Laking pasasalamat ko at nandito si Angelo. Sya ang nakikipag usap sa mga police tungkol sa isasampang kaso. Sya rin ang nag asikaso sa mga kakailanganin namin dito.

Reasons Of Querubinحيث تعيش القصص. اكتشف الآن