Dumadating tayo sa punto ng ating buhay na gusto na nating sumuko
Nakakawalang gana na ang lahat
Nakakapagod
Nakakasawa nang umintindi
lalo na kung ang iintindihin
ay ang sarili...sariling mga desisyon
Mga desisyon na hindi mabigyan ng sapat na rason
Mahirap maging kalaban ang sarili dahil gugustuhin mo na lang wakasan ang lahat
Pero...
Marami pa akong katanungan
Marami pang hindi nararansan
Marami pang plano
Marami pang hindi nasusubukan
Meron pang rason
Ang rason upang magmahal ang isang tulad ko, na sa loob ng dalawampu't taon ay hindi ko manlang sinubukan
Gusto ko pang makilala ang lalaking nakalaan para sa akin
Kung ano ba ang itsura nya
Ano ba ang pangalan nya
Kung kailan ba kami unang magkikita
Saan ko ba sya matatagpuan
At kung paano ba ako magmahal sa unang pagkakataon
Ako si Querubin Belem, bobo mang magdesisyon sa buhay
Ako'y may tanging hinihiling...Sana ang lalaking unang aking iibigin
ay sya na rin aking maging huling pag-ibigNgunit
Walang perpektong relasyon
Maraming hindi inaasahang bagay na mangyayari
Maraming beses magdedesisyon
Maraming rason na hindi naipaliliwanag na maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan