🌷Chapter 1

14 3 0
                                    

"Querubin nagresign kana raw pala ulit?" tanong sa akin ng kapitbahay ko. Nandito kasi ako sa labas para magsampay ng mga nilabahan ko.

"Ah opo eh" sagot ko

"Ay sayang naman yon, nasa office kana umalis kapa" sambit nya.

"Oo nga may aircon pa naman don, sinayang mo" singit ng isa ko pang kapitbahay

"Sumasakit na po kasi ang mata ko, ilang oras laging tutok sa harap ng computer" pagdadahilan ko na lang bago pumasok sa loob ng bahay namin.

Haaayyy

Parang gusto ko na lang ipagpatuloy ang pag aaral ko huhu, pinangarap kong makapag kolehiyo sa manila pero hindi kaya , pagkagraduate ko kasi ng senior high school naghanap na ako ng trabaho para makatulong sa gastusin sa bahay para hindi na maghanap buhay ang lola. Naging cashier ako , ito ang una kong naging hanap buhay, apat na buwan lang ako dahil nagresign ako . Natakot ako sa mga customer , hindi sa itsura nila ah kundi sa mga salitang binibitawan nila na parang binili na nila ang pagkatao mo kung magsalita kaya naghanap ulit ako ng ibang trabaho.
Nakapagtrabaho ako sa office almost 1 year din ako doon bago nagresign dahilan ko? Hindi ko rin kinaya na , mahina talaga ang loob ko konting mapagalitan naiiyak na kaagad ako, kapag nahihirapan nako sa trabaho at naiistress na, gumagawa na ako ng resignation letter , alam kong sasabihin ng iba na medyo mababaw ang dahilan para magresign parang masyado akong padalos dalos pero anong magagawa ko? Hindi naman ako kasing strong ng iba.

Nag online ako at chineck ko ang mga messages. May chat sa akin ang isa sa mga kaibigan ko.

Ness: Be wala ka na raw trabaho?

Me: Oo nagresign ako be palagi na kasing nasakit mata

Ness: Ah edi tambay kana lang?

Hindi kaagad ako nakapagreply sa kanya. Medyo nasaktan ako kasi tama sya, tambay na lang ako ngayon.
Expectation - Accountant
Reality - Tambay lang

Me: Mag aapply rin ako ulit hehe

Reply ko bago nag log out

KINABUKASAN

Nandito lang ako sa bahay
walang trabaho at walang ginawa kundi mag isip isip at ngayon magsisisi.
at kaya mas lalo akong naiinis sa sarili ko kasi WALA PA RIN AKONG BALAK NA MAG APPLY!!!
Kasi naman natatakot ako , paano kung bumagsak lang ako sa interview?
Paano kung di ko magawa ng maayos yung trabahong papasukin ko?
Paano kung ayaw saken ng mga magiging katrabaho kong babae kasi maganda ako char hehe
Paano kung yun-

~Nobody gonna love me better , I must stick with you my baby~

Napatigil ako sa pag ooverthink ko nang marinig ko ang ringtone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Pinindot ko ang answer nang makita ko ang pangalan ng bestfriend ko, si Len Len.

"Hel-"

(Bakit hindi ka nag oonline?!? Nagchat ako sayo kanina paaaa) putol saken ng bestfriend ko

"Wala akong gana mag online , panay katoxican nakikita ko sa facebook tapos friend ko pa don yung girlfriend ng dating nanligaw saken panay parinig saken" sabi ko. Isa yan sa dahilan kung bakit ako nagresign sa huli kong pinagtrabahuhan, ang bait bait ko sa kanya tapos pinaplastik nya lang pala ako, actually mag ex sila na nagkabalikan na ngayon. Sabi nung bestfriend ng nanligaw saken binusted ko raw kasi, kaya ayun bumalik don sa ex .

(Kung iblock mo na lang kaya o unfriend mona no? Ayan problema sayo masyado kang mabait! Kahit alam mong sinisiraan ka na kinakaibigan mo pa rin gaga!)aniya

Reasons Of QuerubinWhere stories live. Discover now